00:00Binuksan na ng Bureau of Internal Revenue ang One-Time Tax Abatement o Amnesty na layong bigyang pagkakataon ang micro
00:09-taxpayer na makaisaayos ang kanilang hindi nabayarang buwis.
00:14Batay sa Revenue Regulations No. 4-2026, maaaring mag-apply ang mga kwalifikadong taxpayer hanggang sa katapusan ng taong ito.
00:24Saklaw ng programa ang mga maliliit na negosyo na may kabuang gross sales na hindi hihigit sa 3 milyong piso
00:33sa loob ng isang taon at may kabuang pangunahing obligasyon sa buwis at multa na hindi lalampas sa 80,000
00:41piso kada taxable year.
00:43Hinimok ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza ang mga kwalifikadong taxpayer na samantalahin ang pagkakataon sa ilalim ng regulasyon.
00:54Kinakailangang magsumite ang mga kwalifikado ng aplikasyon sa Revenue District Office at magbayad ng isang beses na abatement fee na
01:035,000 piso.
01:04Kapag natugunan ang lahat ng kinakailangan, maglalabas ang kaukulang RDO ng Certificate of Availment bilang patunay na nakapag-avail ang
01:15taxpayer sa programa at naisara na ang saklaw na kaso.
Comments