00:00Nakikipag-ugnayan na ang Department of Justice sa Office of the Regional Prosecutor ng Region 8
00:06para alamin ang mga detalye kaugnay ng malagim na shooting incident sa Tacloban City.
00:11Ayon sa DOJ, iniimbestigahan na ng Tacloban City Police Office ang insidente,
00:18katuwang ang Office of the City Prosecutor ng Tacloban.
00:21Kasalukuyan paumanong kinakalap ang mahalagang impormasyon
00:25kabilang ang pagkakakilanlan ng mga biktima, mga nasugatan, mga taong umano'y sangkot,
00:31pati ang posibleng motibo sa pamamaril.
00:34Tiniyak ng kagawaran na hahayaan muna nitong matapos ang investigasyon ng pulisya at mga prosecutor
00:40habang sinusunod ang lahat ng legal safeguards,
00:44lalo na sa mga kasong may kinalaman sa Children in Conflict with the Law.
Comments