Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala ayon sa polis siya, posibleng may kinalaman sa bullying ang pamamaril dito sa San Jose National High School.
00:06Inimbestigahan na rin kung paano nakuha ng dalawang minority edad ang mga baril na naka-issue sa isang gwardya at
00:12isang polis.
00:13Narito ang aking report.
00:17Sunod-sunod na putok ng barilang gumulantang sa San Jose National High School sa Tacloban City.
00:22Ang mga naipit sa classroom, walang nagawa kundi magtago, umalingaw-ngawang iyak at sigaw.
00:27Sadyang hindi na namin ito'y paririnig dahil lubhang nakababahala.
00:31Maya-maya, tinamaan ng bala ang isang estudyante nasa pintuan.
00:35Pagtayo niya, duguan na ang kanyang braso.
00:37Sa labas, kita ang mga estudyante nagtakbuhan.
00:42Bit-bit ng lalaking ito ang isa sa mga biktima.
00:46Sa kuhang ito, kita ang pag-responde sa isa sa mga estudyante na nagtamu ng tama ng bala sa binti.
00:53Base sa embestigasyon ng Tacloban City Police, dalawang estudyante na minor de edad din ang namaril.
00:59Sa hallway pa lang daw, nagpaputok na sila saka pumasok sa classroom at walang habas na namaril.
01:04Random lang po ito na mga biktima nila.
01:06Napaputok din po eh, madaming beses hindi lang naman na yun talaga na pinamperya yung mga estudyante na natamaan.
01:13Hindi pa raw nakontento.
01:15Hinabol pa ng mga namaril ang ilang ka-eskwelang nakatakbo.
01:17Tapos nakatakbo yung mga victim kaya hinabol nila?
01:20Oo, kasi yung isa, lumusod na doon sa katero, pa-exit na.
01:24Ang anak ni Janeline Badoria, isa sa mga nasawi sa trahedya.
01:28Noong una, inakala niyang buhay ang kanyang anak na babae.
01:31Pero nang may magsabing isang estudyante kutugma sa itsura ng kanyang anak ang kasama sa nasawi,
01:36hinanap na ito ni Janeline sa mga ospital.
01:39Dinaarok ko, gusto ko lo tatumakasuhan, ang tagiyahad to nga mga pusil,
01:43na huli sa loob ng paaralan ang grade 9 student na labing apat na taong gulang.
01:55Sa hot pursuit operation naman na aresto, ang labing limang taong gulang na grade 10 student.
02:00Nakuhanan ng dalawa ng 9mm clock at caliber .38 na baril.
02:04Ayon sa PNP, ang 9mm na ginamit ng 14 anyos pag-aari ng kanyang tsahin na isang pulis
02:09at nakasign sa Police Regional Office 8.
02:12The subject, policewoman, is now under investigation and placed under custody of the Regional Police Office.
02:17Proven that they were remiss in the custody and safekeeping of their firearms,
02:24they will be charged accordingly.
02:26Ang caliber .38 naman na baril na ginamit ng labing limang taong gulang
02:30na trace ng PNP na nakarehistro sa isang security agency sa Cebu City.
02:35Inaalam pa kung kanino mismong guard ito naka-issue.
02:38Lumabas din sa investigasyon na apat na pong basyo ng bala ang narecover sa crime scene.
02:43Bullying ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril.
02:46We're still verifying kung exactly the targets were in that classroom.
02:50But as I've said earlier, this could be connected to a bullying incident.
02:55Dahil mga minor de edad, itinuturin na Children in Conflict with the Law o CICL ang mga namaril.
03:01Isinailalim na sila sa questioning kasama ang kanilang mga magulang.
03:04Medyo nasa ano din sila, agitated din po sa nangyari sa ginawa nila.
03:10Nandito ang mga magulang syempre po umiiyak, umiiyak din po kahit mga lalaki po yan, mga minors din po kasi.
03:16Dinala rin sa ospital ang dalawa para isailalim sa medical examination at parafin test.
03:21Bago ang pamamaril, ipinost pa ng dalawa ang litratong ito sa social media habang may hawak na mga baril.
03:26Hindi malinaw kung ito rin ang mga ginamit nila.
03:29Nakausap ng GMA News ang isang ina na ang dalawang anak ay nasa katabing kwarto lang kung saan namaril ang
03:34dalawang minor de edad.
03:35Kwentro ng kanyang anak, nakamaskara ang isa sa mga namaril.
03:38Wala namang takip ang muka ng isa pa.
03:41Yung mas bata po, nagmaskara daw, nagpaste mask.
03:46Pero yung mas matanda na 15 years old, walang takip ang muka.
03:51Wala pang pahayag ang paaralan.
03:53Ayon sa PNP, kasama sa i-imbestigahan ay kung may nagawa ba ang school authorities
03:58dahil dati na palang nagpo-pose sa social media ng mga violenting video
04:01at video ng pagpapapotok ng maril ang isa sa mga namaril.
04:05Ito ay very obviously red flags.
04:09So if the school authorities or anybody were not putting blame on anybody
04:16but if anybody was able to monitor itong mga red flags na ito,
04:20this could have been prevented.
04:21Ang Department of Education, lubos daw na nababahala sa nangyari
04:25na kinukonsider na nilang high alert situation.
04:28Nakikipag-ugnay na raw sila sa pulisya at school authorities
04:30para siguruhing ligtas ang school premises.
04:33Bilang tugon sa emotional toll ng trahedya,
04:35nakikipag-usap na rin sila sa mga ahensya ng gobyerno
04:38para magbigay ng medical assistance at psychosocial intervention
04:41sa mga apektadong istudyante at personnel.
04:44Ayon naman sa DSWD, nagbibigay ng psychosocial support
04:48at psychological first aid ang kanilang mga social workers
04:50sa mga naapektuhan.
04:52Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Justice
04:55na nakipag-ugnay na sila sa Office of the Regional Prosecutor
04:58ng Region 8 ukol sa insidente.
05:00Hahayaan daw ng DOJ ang law enforcement agencies at prosecutors
05:03na kompletuhin ang kanilang investigasyon
05:06bago sila maglabas ng karagdagang impormasyon.
05:09Iniutos naman ni Pangulong Bongbong Marcos
05:11ang malalimang investigasyon sa pamamaril.
05:13Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
05:16ikinalulungkot ng Pangulo ang nangyari.
05:19Pinasisiguro rin daw ng Pangulo ang proteksyon at kaligtasan
05:22sa lahat ng lugar, opisina, establishimento,
05:25lalong-lalo na sa mga paaralan.
05:27Rafi Tima, nagbabalita para sa GMA News.
05:33Matapos yung nangyaring pamamaril kahapon ay nagsasagawa ngayon ng blessing
05:38ang isang pare dito sa may compound ng San Jose National High School.
05:43Umiikot sila ngayon dito sa lugar kung saan nangyari yung pamamaril.
05:48Kararating lang nila actually nung mataonan natin
05:51na umiikot sila ngayon dito para i-bless nga itong campus.
05:57Kararating lang nila actually nung mataonan natin
Comments

Recommended