00:00Dahil po sa sunod-sunod na insidente na karahasan sa mga eskwelahan,
00:03isinusulong ng isang senador na ibaba ang age of criminal responsibility sa 10 years old
00:10mula po sa kasalukuyang 15 years old.
00:13Pinare-repaso naman ng Philippine National Police ang security protocols sa mga paaralan.
00:18Balitang hatid ni Maris Umal.
00:23Kasunod ng walang habas na pamamaril ng dalawang menor de edad na estudyante
00:28sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City,
00:32isa sa mga lumulutang na tanong, paano na ipasok ang baril sa loob ng paaralan?
00:37Yung pong una, nakapagdala ng kutsilyo, medyo mas mabilis itago yan, di ba?
00:43Pero now, firearms na po.
00:45So we are really alarmed and we are doing everything that we can
00:49para po matuldukan na itong mga ganitong instances.
00:53Wala bang security guards sa paaralan? Anong mga oras na yun?
00:57We will need to verify that information po kung meron pong security guard on duty
01:01or meron silang nakapag-hire po sila ng security guard.
01:04Nabubuhay muli ang usapin ng school security dahil din sa iba pang insidente ng karahasan
01:09na nangyari sa loob ng campus.
01:12Noong nakaraang Martes, 7 grade 5 student ang sugatan
01:15nang magwasiwas ng kutsilyo ang 14-anyos na grade 8 student
01:19sa isang pribadong paaralan sa General Trias, Cavite.
01:23Isinasantabi na ang anggulong bullying o away sa pagitan ng mga estudyante,
01:27lalo't di kilala ng mga ito ang 14-anyos na transfer.
01:30Initially, it was found that, although not yet confirmed,
01:34it was found that the suspect or the person of interest
01:38was suffering from some depressive condition.
01:42Ano't ano paman is nasa ilalim na raw
01:44ang nasabing individual sa psychosocial support,
01:48gayon din sa guidance counseling.
01:50Biernes naman ang saksakyan ng 18-anyos na estudyante
01:53ng kanyang ka-eskwela sa loob ng Cavite National High School
01:57sa Cavite City.
01:58Bago ang pananaksak,
01:59nagkasuntukan ang dalawang estudyante na dati nang may alitan.
02:03Meron pong patalim na nabinunot na nakatago sa kanyang sapatos
02:08at yun po, nagsaksak niya na nga po yung pang estudyante na kaaway niya.
02:15Arestado ang 18-anyos ding nanaksak.
02:17Ang biktima inoperahan at nakauwi na sa bahay.
02:21Ang population pala ng Cavite National High School
02:23na nasa 3,000.
02:25Ngayon, meron lang silang dalawang gate.
02:27So physically, impossible para sa kanila
02:30na isa-isahin nilang i-check yung bawat tao na pumapasok
02:34na 3,000 bawat ship.
02:36Nakatakdang magdaos ang paaralan
02:38ng psychosocial services para sa mga mag-aaral at guro,
02:41lalo na sa mga nakasaksi sa insidente.
02:44Patuloy ang koordinasyon sa paaralan ng PNP
02:47at pagkapatrolya sa paligid ng paaralan.
02:50Nag-uusap na rin kami ng prinsipal na
02:52sa mga oras na pasukan at labasan
02:56ay mag-de-date up po tayo ng ating police personnel
03:00para makatulong po sa security.
03:02Iniutos na ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.
03:07na makipagtulungan sa mga local deped office
03:09para pag-aralan ang mga ginagawang security protocol.
03:12Kabilang dito ang pagbabantay sa mga pasukan at labasan
03:15para matiyak na walang naipapasok na ipinagbabawal na gamit.
03:19We understand that there is not enough budget
03:22sa lahat po nang naiisip natin ng mga x-rays,
03:26yung mga metal detectors, yung hiring of security guards,
03:31hindi po ano to.
03:32But we have alternatives.
03:33Alternatives, some of which are yung closer coordination
03:37with the barangay, with the barangays,
03:40maybe the barangay tanods can help them in filtering yung mga pumapasok.
03:45Isa pa na uungkat na usapin ang minimum age of criminal responsibility
03:49lalo't mga minor de edad,
03:51ang nasangkot sa mga insidente ng karahasan.
03:54Sa ilalim ng Republic Act 9344
03:56o ang Juvenile Justice and Welfare Act
03:59exempted mula sa kriminal na pananagutan,
04:01ang mga minor de edad na labing limang taong gulang pababa,
04:05ngunit maaari silang isa ilalim sa intervention.
04:07Ang mga lampas labing lima,
04:09pero wala pang labing walong taong gulang
04:11exempted din sa criminal liability,
04:14maliban kung natukoy na meron siyang discernment.
04:17Ibig sabihin, sa panahong ginawa ang pagkakamali,
04:20may kapasidad na maintindihan
04:22ang pagkakaiba ng tama at mali
04:24at ang mga kahihinat na nito.
04:26Pero hindi raw porket exempted sa criminal liability,
04:29ay exempted na rin sila sa civil liability
04:31o pagbabayad ng danyo sa biktima.
04:34Dati nang may inihain mga panukala
04:36para ibaba ang edad ng criminal responsibility.
04:39Isa rito ang inihain ni Sen. Robin Padilla
04:41na nanawagan ng special session
04:43para ibaba ito sa edad na sampu.
04:46Ayon naman sa isa sa mga mayakda
04:48ng RA 10630
04:49na si Sen. Kiko Pangilinan,
04:51kailangan ng agaran at tamang pagkupatupad
04:54ng juvenile justice law.
04:55Sa ilalim din anya ng batas,
04:57may pananagutan ang mga magulang
04:59kung naging pabaya.
05:01Mariz Umali,
05:02nagbabalita para sa GMA News.