00:00Samantala, patuloy pa rin ang tulong na binibigay ng Department of Social Welfare and Development
00:04sa mga kababayan nating naapektuhan dahil sa tumamang lindol sa Mindanao.
00:08Isa na rito ay ang pagbibigay ng psychosocial support, lalo na sa mga bata.
00:13May reports si Floyd Brenz.
00:15Agad na tumugon ang DSWD Field Office Region 12,
00:19katuwang ang DSWD Mimaropa sa pamamagitan ng pagbibigay ng psychosocial support
00:24sa mga bata na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani.
00:29Nagsagawa sila ng play therapy at coloring activities sa barangay Sapu Masla Malapatan
00:34para matulungan ang mga bata na maipahayag ang kanilang nararamdaman.
00:38Isinagawa ang mga aktibidad sa loob ng child-friendly space na ligtas at angkop para sa paghilom ng emosyon ng
00:45mga bata.
00:46Layunin ang ahensya ng mabawasan ng trauma at maibalik ang pakiramdam ng seguridad ng mga apektadong kabataan.
00:53Patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang agarang tugon
00:58at direktang paghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad sa Zamboanga Peninsula, Davao Region at Saksargen.
01:06Unti-unti nang bumabangon ang mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa 10 cities sa Brangay Jose
01:13Abad Santos
01:14sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng DSWD Field Office Region 11.
01:19Sa pamamagitan nito ng mga orientation, consultation at earthquake drills,
01:24lumalakas ang kanilang kaalaman at kumbiyansa para harapin ang mga aftershock at iba pang emergencies.
01:31Floyd Brands, Para sa Bayan.
Comments