00:00I-embesigahan ng Department of Migrant Workers ang kaso ng 24 Pinoy na nakulong sa Russia na hiniinalang biktima ng
00:07illegal recruitment.
00:09Sa kanilang pag-uwi sa bansa kahapon, tiniyak din ang ehensya na makakatanggap sila ng tulong mula sa gobyerno.
00:15May unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:21Nakauwi na sa bansa ang 24 Pinoy matapos ang siyam na buwang pagkakulong.
00:27Umalis sila sa Krasnoyarsk patungong Bangkok, Thailand bago sumakay ng connecting flight pa uwi ng bansa.
00:34Unang dumating ang anim na babae, sumunod ng 18 iba pa ayon sa Department of Migrant Workers o DMW.
00:42Iligal na nagtrabaho bilang tagalinis ang mga nasabing Pinoy sa Russia.
00:46Pusibling biktima sila ng human trafficking.
00:49Ang susuriin natin maigi dito, kung meron kailangan masog po dito na illegal recruitment o human trafficking activity ay agaran
00:58natin bibigyan ng lunas ito.
01:00Makipag-ungnayan din tayo kay Secvida sa DOJ at sa law enforcement.
01:07Hindi na nakunan ang pahayag ang mga na-repatriate na Pinoy.
01:10Tiniyak ng pamahalaan ang tulong para sa kanila.
01:14May ilan sa kanila kailangan ng bus o aeroplano pabalik ng kanilang mga probinsya.
01:21So bibigyan naman ng lunas ito ng OWA, free transport, of course free accommodation overnight tapos may financial assistance.
01:29Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, makahulugan ang hakbang na ito ng Russia.
01:35Iba rin na sitwasyon nila. This is I think first of a kind na ilabas, na lumabas from Russia.
01:43Nung hiningi ni Pangulong Marcos, ibinigay ka agad.
01:46So that's a very important act of goodwill also ni President Putin.
01:50Ito ang unang balita. Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments