Skip to playerSkip to main content
Nadagdagan pa ang kalbaryo ng ilang nilindol sa Mindanao dahil sa masamang panahon.


May mga sumakay ng backhoe para makatawid ng ilog at makakuha ng ayuda.


May truck ng relief goods pang nahulog sa bangin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nadagdagampang kalbaryo ng ilang nilindol sa Mindanao dahil sa masamang panahon.
00:06May mga sumakay ng backhoe para makatawid ng ilog at makakuha ng ayuda.
00:13May trap ng relief goods pang nahulog sa bangin.
00:16Nakatutok si Maki Pulido.
00:25Halos dalawang linggo matapos yumanig ang magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani,
00:32sampu pa ang napaulat na nasawi ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
00:39Kaya ang death toll umakyat sa 78. Tatlong pupa ang nawawala.
00:44Ang bilang ng apektado mahigit 1.4 million na indibidwal sa buong Mindanao.
00:50Marami ang nawala ng tahanan at umaasa pa rin maabutan ng tulong.
00:55May mga tumutugon sa panawagan.
00:58Kabilang ang trap na ito na inisiyatibo umano ng ilang content creator at vloggers.
01:03Yun nga lang, ang tulong na ipaabot sana sa mga taga Jose Abad Santos Davao Occidental hindi na nakarating matapos
01:11mahulog sa bangin ng trap na may lamang mga relief goods.
01:14Sa inisiyal na imbesigasyon, galing Davao City ang trap nang mawala nito ng preno sa pababa at pakurbadang daan sa
01:21bayan ng Don Marcelino.
01:23Nagtamo ng sugat ang driver at ilang pasahero na agad namang isinugod sa ospital.
01:28Ano na yung sitwasyon din sa paan? Para makakuan nag-ayuda.
01:33Doble kalbaryo naman ang nararanasan ng mga taga-barangay ang sipit sa Maasim na episentro ng lindol.
01:38Ang mga residente sumampanah sa isang grader at backhoe para lang makatawid sa rumaragasang ilog.
01:45Bunsod kasi sa mga pagulan, tumaas ang tubig.
01:48Dahilan para hindi rin makaabot sa kanilang inaabangang ayuda.
01:51Kaya sila na lang mismo ang pumunta para makuha ang mga ito.
01:55Panawagan nila.
01:56Sana po mabigyang pansin o matugunan ang pangailangan din namin dito sa bundok po.
02:02Atikted po kami ng lindol, landslide at wala pa pong nakarating na ayuda dito sa amin.
02:09Ito naman ang sitwasyon ng mga taga-barangay butulan sa Jose Abad Santos.
02:13Sa ibabaw ng mga nicho sa isang sementeryo natutulog ang mga residente.
02:18Ayon sa uploader, dito na sila nananatili mula noong lumindol at nawasak ang kanilang mga tirahan.
02:24Nagbibigay naman daw ng modular tent ang DSWD pero isa lang habang labing tatlong pamilya umano silang nasa sementeryo.
02:32Bagaman may mga nakakaabot sa kanilang ayuda, kulang daw ang mga ito dahil mahirap marating ang kanilang lugar.
02:40Makipulido na Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended