00:00Nasa Russia na si Pangulong Bongbong Marcos para sa isang summit kung saan inaasahang makakapulong niya si Russian President Vladimir
00:07Putin.
00:08Posible yung pag-usapan ng kooperasyon ng Pilipinas at Russia sa food at energy security, lalot nagkatensyon sa Middle East.
00:15Nakatutok si Tina Paganiban Perez.
00:44Pangulong Bongbong Marcos
00:47o ASEAN-Russia Commemorative Summit kasama ni Russian President Vladimir Putin.
00:53Pilipinas kasi ang chair ng ASEAN ngayong 2026.
00:57Sa summit ay ire-review ng ASEAN at Russia ang itinakbo ng 35 taon itong relasyon
01:03at kung paano pa pagtitibayan ito sa larangan ng energy at food security, trade and investment, at iba pa.
01:11As chair of ASEAN, the Philippines is committed to ensuring that this commemorative summit produces
01:16substantive and forward-looking outcomes that deepen ASEAN's strategic partnership with Russia
01:21and contribute in concrete terms to regional peace, stability and shared prosperity.
01:28The leaders will adopt the ASEAN-Russia Comprehensive Plan of Action 2026-2030.
01:36They will also have a Kazan Declaration and there will be specific agreements on a Joint Declaration on Energy Cooperation
01:44as well as a Joint Declaration on Cultural Cooperation.
01:48Mamaya nakatakda rin magpulong si na Pangulong Marcos at President Putin
01:53tungkol sa 50 taong diplomatic relations ng Pilipinas at Russia
01:57pati na rin sa posibleng pagpapaigting ng kooperasyon sa food security at energy security
02:04lalo pat apektado ang Pilipinas sa gyera sa Middle East.
02:08Russia ang pangalawang pinakamalaking producer ng natural gas sa mundo sunod sa Amerika
02:13ayon sa International Energy Agency base sa pananaliksik ng GMA News Research.
02:20Ito rin ang may pinakamalaking gas reserve sa mundo at ang pinakamalaking gas exporter.
02:26Hindi masabi ng DFA kung pag-uusapan sa summit ang Russia-Ukraine war
02:31pero siguradong walang ilalabas na outcome document tungkol dito.
02:35Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments