Skip to playerSkip to main content
  • 32 minutes ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong June 17, 2026


-Sen. Sherwin Gatchalian, bagong Senate President; Sen. Tito Sotto, iniluklok bilang Senate President Pro Tempore; Sen. Migz Zubiri ang majority leader

-Sen. Alan Peter Cayetano: May sapat na bilang ang aming mga kasamahan para pumili ng bagong Senate President; hindi ko hahadlangan ang botohan

-Sen. Jinggoy Estrada, pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan

-PAGASA: LPA sa silangan ng Visayas, may tsansang maging bagyo

-Nakaparadang motorsiklo, ninakaw ng riding-in-tandem

-Konduktor, patay matapos bumangga ang sinasakyang bus sa truck; driver at 7 pasahero, sugatan

-Lalaki, sugatan matapos tagain ng nakaalitan niyang mag-ama; sanhi umano ng away, agawan sa lupa

- Pagtama ng kidlat sa isang puno, nahuli-cam; Lalaki, patay nang tumama ang kidlat malapit sa kanya; 2 niyang kasama, sugatan

-Lalaki, arestado dahil sa umano'y ilang ulit na pangmomolestiya sa kanyang pamangkin

-Sanya Lopez, ipinakita ang early birthday gift sa sarili na isang sasakyan

-18 dating bodyguards ni Zaldy Co, nagdawit ng iba pang personalidad sa kanilang mga alegasyon; mga pinangalanan, pumalag

-House Prosecutor Ridon: VP Sara Duterte at Second Gentleman Mans Carpio, mayroong 52 armas na hindi idineklara sa SALN

-Pakikialam umano nina Sen. Mark at Camille Villar sa alignment ng LRT Extension Project, iniimbestigahan ng Ombudsman

-Pitong Grade 5 students, sugatan matapos tamaan ng kutsilyong iwinasiwas ng Grade 8 student

-Rider, sugatan matapos sumemplang; kanyang motor, nagliyab

-13 senador, dumalo sa pagbabalik-sesyon ng Senado ngayong umaga; Sen. Sherwin Gatchalian, bagong Senate President

-Operasyon ng MRT-3, balik-normal na matapos magkaroon ng aberya sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations kanina

-Barbie Forteza, thankful na mapabilang sa "Generations of Leading Actors" ng isang fashion and lifestyle magazine

-PhilSA, nagbabala sa posibleng pagbagsak ng debris ng rocket launch ng China malapit sa Palawan at Rozul Reef

-Pagbiyahe sa labi ni Rene Baterbonia pauwi sa Agusan del Sur, inabot nang 10 oras dahil sa dami ng nagbigay-pugay sa kanya

-Reklamo ng pamilya ng namatay na PhilHealth member na hindi nakakuha ng benepisyo, pinaiimbestigahan ni PBBM

-12 sangkot umano sa ilegal na karera, arestado

-Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa umano sa kanyang pinsan; tumangging magbigay ng pahayag

-Presyo ng krudo sa world market, pinakamababa sa nakalipas na tatlong buwan

-Anti-Political Dynasty Bill, isa sa mga inaasahang tatalakayin sa special session ng Kongreso ngayong araw

-213 kongresista, dumalo sa pagbabalik-sesyon ng Kamara ngayong umaga

-Sen. Sherwin Gatchalian, iniluklok bilang bagong Senate President; Sen. Tito Sotto, na-elect bilang bagong Senate President Pro Tempore

-Sen. Camille Villar, itinanggi na nakialam siya sa alignment ng LRT-1 Extension Project pa-Cavite
Transcript
00:005
00:005
00:086
00:097
00:099
00:1010
00:1012
00:1113
00:1115
00:1215
00:14Mr. Sherwin Gatchalian, Mr. Sherwin Gatchalian.
00:44Mr. Sherwin Gatchalian is declared Senate President of the Republic of the Philippines.
00:49Unanimous ang boto ng labing tatlong senador na present sa session hall.
00:53Si dating Senate President Tito Soto naman ang inilukluk na Senate President pro tempore.
00:58Si Sen. Juan Miguel Zubiri ang majority leader.
01:01Nag-non-nominate na rin ng mga miyembro ng iba't ibang Senate committees
01:05kabilang ang makapangyarihang Blue Ribbon Committee na nag-iimbisiga sa flood control projects.
01:11Wala sa session ngayong umaga ang mga miyembro ng Cayetano Block.
01:15Ongoing pa ang special session ng Senado at Kamara.
01:18Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ang special session para maipasa ang ilang priority bills.
01:26Bago ang special session, naglabas ng pahayag si Sen. Alan Peter Cayetano
01:30at sinabing hindi niya haharangin ang pagpili ng bagong Senate President.
01:35Ay kay Cayetano lumabas sa pag-uusap nila ni Sen. Joel Villanueva
01:40na may sapat na bilang na ang kanilang mga kasamahan para pumili ng bagong Senate President.
01:45Wala raw sama ng loob si Cayetano sa mga kasamahang tumawid sa kabilang grupo
01:49dahil anya sa pressure.
01:51Hindi raw nalulungkot si Cayetano dahil sa nawala niyang posisyon,
01:56kundi dahil papuntaan niya ang bansa sa kadiliman.
01:59Bago ang pahayag ni Cayetano ngayong umaga,
02:02nagpetisyon sa Korte Suprema kahapon si Cayetano at walon niyang kaalyado
02:06na ibalik ang estado ng Senado bago ang session noong June 3.
02:17Pinatawan ng siyamnapong araw na suspensyon ng Sandigan Bayan si Sen. Jingoy Estrada.
02:22Yan ay habang iniimbisigahan ang P213 million graph case niya
02:27kaugnay sa flood control project sa Bulacan.
02:30Nakakulong si Estrada ngayon sa New Quezon City Male Dormitory Jail
02:35dahil naman sa kasong plunder.
02:38Sabi naman ni Estrada, hindi niya gagamitin ang kapangyarihan at privilehyo
02:41ng kanyang opisina para protektahan ang sarili laban sa mga aligasyon.
02:46Kasabay daw ng kanyang desisyon na hindi magpasailalim sa protective custody ng Senado
02:51at kanyang pagsuko sa mga otoridad, agad daw niyang ipinatigil muna ang kanyang sahod.
02:58May low pressure area sa Pacific Ocean na mataan po yan ang pag-asa
03:02halos 3,000 km silangan ng Eastern Visayas.
03:06May medium chance ang nasabing LPA na maging bagyo.
03:10Posible ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa darating na weekend
03:14base sa datos ng Metro Weather.
03:17Sa ngayon, wala pang epekto sa lagay ng ating panahon ang nabanggit na LPA.
03:21Magiging maayos po ang panahon sa malaking bahagi ng bansa
03:24kasama ang Metro Manila pero posible pa rin po ang mga local thunderstorms,
03:29sabi ng pag-asa.
03:31Easterlies ang posible namang magbuhos ng ulan sa Eastern Sections
03:34ng Visayas at Mindanao.
03:37Malaking bahagi po ng bansa ang may tsansa ng ulan sa mga susunod na oras.
03:41Posible ang malalakas na ulan sa ilang lugar na maaari magdulot ng baha o landslide
03:45base sa datos ng Metro Weather.
03:50Huli kam sa San Mateo Rizal, tinangay ng riding in tandem ang isang nakaparadang motorsiklo.
03:56Balitang hatid ni EJ Gomez.
04:02Pagmasdan ang magkaangkas sa motorsiklong yan.
04:05Sa barangay Santa Ana, San Mateo Rizal, madaling araw noong biyernes.
04:09Tumigil sila sa gate ng isang bahay at tila palingon-lingon sa likod.
04:14Saka sila nag-u-turn at nagpark sa tabing kalsada.
04:18Bumaba ang angkas at naglakad papasok sa eskinita.
04:22Nilapitan niya ang isang nakaparadang motorsiklo.
04:26Maya-maya, bumalik siya sa kasama at naghintay na umalis ang isa pang rider
04:31na nagbaba ng pasahero sa lugar.
04:33Nang makatsyempo, binalikan niya ang motor at tuluyan ng tinangay.
04:39Tumakas ang dalawa.
04:41Ayon sa ina ng biktima, mahigit sandaang libong piso
04:45ang halaga ng ninakaw ng motorsiklo na mahigit isang taon nang hinuhulugan ng kanyang anak.
04:52Kinabukasan, 7, aalis na yung anak ko.
04:55Pag labas niya, bumalik siya, sabi niya, ma, napansin mo yung motor ko.
05:00Sabi ko, hindi. Tapos naghahanap na kami.
05:03Ano yun eh, nakalimutang ilak.
05:06Kaya madaling nakuha.
05:08Bali, may kinalikot siya sa right side ng gulong sa ilalim.
05:13Kasi doon umilaw bigla yung motor.
05:16Nung nalaman po ng may-ari na wala na pa sa kanyang pinaglalagyan yung kanyang motor,
05:22agad-agarang po siyang nagpunta rito sa ating barangay
05:25at nagpa-review ng ating CCTV.
05:29Naka-blatter naman po.
05:31Dumirekta na po kami sa PNP para po ma-aksyonan.
05:34Inaalam pa ng San Mateo Police ang pagkakakilala ng riding in tandem.
05:39Patuloy rin ang backtracking ng polisya.
05:41Ayon sa barangay, posibling sila rin ang nagnakaw ng motorsiklo
05:46nito lang na karaang buwan sa parehong lugar.
05:49Pareho raw kasi ang galawan.
05:51Inukutan yung lugar at saka nung nakita nga walang tao,
05:55bumalik po sila.
05:56Kaya nung bumaba yung isang nakamotor,
06:02yung angkas niya at then yun,
06:04paglabas niya kasama niya na yung motor.
06:06Kami po, patuloy na nagbabantay at mahuhuli din po kayo.
06:12Kaya tumigil na kayo sa mga ganyang gawain.
06:16Posible silang maharap sa reklamong TEF
06:18at paglabag sa New Anti-Khanapping Act of 2016.
06:23EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
06:32Patay ang isang konduktor matapos sumalpok
06:35ang sinasakyang bus sa isang truck sa Baguio City.
06:38Base sa indisigasyon, nakaparada sa gilid ng Marcos Highway ang truck
06:41dahil kinukumpuni ang sira nito.
06:44Bumangga sa likurang bahagi nito ang bus na papunta sa Baguio City.
06:49Napuruhan ang konduktor.
06:51Sugata naman ang driver at pitong pasahero.
06:53Ayon sa polisya, wala silang nakita problema sa makina ng bus
06:57at posibleng human error ang sanhi ng aksidente.
07:01Wala pang pahayag ang driver na nasa kustudiya ng mga otoridad.
07:04Sinuspindi ng LTFRB ang biyahe ng 24 units ng bus company
07:09na sangkot sa insidente.
07:11Tatlongpong araw ang suspensyon habang nagpapatuloy ang imbistigasyon.
07:15Wala pang pahayag ang bus company.
07:19Sugata ng isang lalaki matapos tagain
07:21ng nakaalitan niyang mag-ama sa Rodriguez Rizal.
07:25Kita po sa video ang tatlong lalaki na nag-aagawan
07:28sa isang itak sa kalsada sa barangay San Jose.
07:32Ang isa sa kanila, duguan na.
07:34Matapos sumukang awatin ng mga residente,
07:37tuluyang bumitaw ang dugoang biktima.
07:40Isinugod siya sa ospital.
07:41Ayon sa polisya, agawan sa lupa ang sanhi ng away.
07:44Arestado naman ang mga suspect na mahaharap sa reklamang frustrated murder.
07:49Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
07:50Nakalabas na ng ospital ang biktima at nasa maayos ng kalagayan ayon sa polisya.
07:55Patuloy ang imbistigasyon sa insidente.
08:00Masama na ang panahon na bumabiyahe ang mag-anak ni U.S. Cooper Emanuel Ontiveros
08:05pauwi sa Himamaylan City, Negros Occidental.
08:10Ilang sandali lamang nakuna ng kanilang dashcam ang biglang pagtama ng kidlat sa isang puno ng nyog
08:15na nasa tabing kalsada sa bayan ng Hinigaran.
08:19Nasunog ang itaas na bahagi ng puno.
08:22Sa Hamindan Kapis naman, dead on arrival sa ospital ang isang lalaki dahil sa pagtama ng kidlat
08:27malapit sa kanyang kinatatayuan.
08:29Sugata naman ang dalawa niyang kasama.
08:32Ayon sa polisya, sakay ng kanya-kanyang motorsiklo ang tatlo
08:34nang abutan sila ng malakas na ulan at sumilong sa isang kubo sa barangay San Vicente.
08:41Ilang sandali, kumidlat at natumbah ang tatlo.
08:44Tumawag ng tulong ang ilang residente at isinugod sa ospital ang mga biktima.
08:49Kung may pagkidlat, tandaan po mga kapuso, ilang paalala po ito ng mga otoridad.
08:54Iwasan ang paggamit ng dekuryenteng gamit o anumang bagay na maaaring daluya ng kuryente mula sa kidlat.
09:00Lumayo sa mga kawad ng kuryente.
09:02Kung nasa labas naman, sumilong sa pinakamalapit na bahay o gusali.
09:07Iwasang sumakay sa mga sasakyan na walang bubong.
09:10Maging ang mga basang lugar o katubigan.
09:13Lumayo rin po sa matataas na bagay tulad ng puno o poste sa malawak na lugar.
09:20Arestado sa La Union ang isang lalaking kinasuhan dahil sa ilang ulit umanong pang mamules siya sa kanyang pamangkin.
09:27Balitang hatid ni James Agustin.
09:35Nagwakas sa bawang La Union ang ilang buwang pagkatago ng 26 anyo sa lalaki na inireklamo ng pangmamules siya umanong
09:41sa kanyang pamangkin.
09:43Subject siya ng arrest warrant ng polisya para sa limang counts ng sexual assault in relation to Republic Act 7610
09:49o Special Protection of Children's Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
09:55Ito po ay nagsimula sa isang tawag sa amin ng isang confidential informant na ang sospek ay nagtatago sa bawang
10:03La Union.
10:03Kaya ang mga operatiba ng Laloma Police Station ay nakapag-coordinate na sa bawang Municipal Station para maisilbi ang warrant
10:13of arrest.
10:14Ayon sa polisya, nangyari ang krimeno na karang taon sa barangay Maharlika, Quezon City.
10:18Ang biktima 15 anyo sa babaeng pamangkin ng akusado.
10:23Malabas sa aming investigasyon na ang sospek ay tumira sa bahay ng biktima
10:31at sa mga panahong nakitira siya doon ay limang beses niya itong namulestya
10:37at sa panglimang beses doon na nakapagsumbong sa magulang ang biktima at doon na rin na sampay yung kaso.
10:47Ibiniyahi sa Quezon City ang akusado at nakakulo ngayon sa Laloma Police Station.
10:52Itinangin niya ang aligasyon.
10:54Hindi rin daw niya alam na may arrest warrant siya.
10:56Hindi po totoo yan, sir.
10:58Bakit na kaya nakasukan?
11:00Hindi ko po alam, sir.
11:03Inianda na ng polisya ang mga dokumento para sa return of warrant.
11:06James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
11:14Heto na ang Wednesday latest.
11:17May early birthday treat si Sparkle star Sanya Lopez sa kanyang sarili.
11:22Sa IG, nag-share si Sanya nag-pix ng kanyang bagong sasakyan.
11:26Ipinlex niya rin ang photo sa loob nito na mukhang ready na mag-road trip.
11:31Chika ni Sanya, ang early gift ay resulta ng magsisika, pagtatsyaga at God's perfect timing.
11:38Nagpasalamat din si Sanya para sa kanyang blessings.
11:41Pinusuan naman niya ng kanyang friends and followers.
11:44Magsiselebrate si Sanya ng kanyang 30th birthday sa August.
11:52Sa iba pang balita, pumalag ang ilang personalidad na tinukoy ng mga dating bodyguard ni Zaldico
11:57na umunoy hinatira nila ng mali-maletang pera.
12:01Balitang hatid ni Ian Cruz.
12:05Daging press conference ang ginawang pagharap sa Mandaluyong din na dating congressman Mike Defensor
12:11at ang nagpakilalang labing-walong dating bodyguard ni dating congressman Zaldico.
12:16Wala kasing senador na dumalo kahit pa sinabi ni Defensor na dito magaganap ang pagdinig
12:22ng Senate Blue Ribbon Committee hearing ng Cayetana Block hukol sa flood control scandal.
12:27Bukol sa labing-walo, may apat pang bagong testigo mano ang abugado nilang si attorney Levy Baligod.
12:33Isa sa kanila, ang dati rin daw sundalo na si Geron Valderrama.
12:38Kasama raw siya sa nag-deliver ng mali-maletang pera kina dating speaker Martin Romualdez
12:43at senador Erwin Tulfo noong kongresista pa siya.
12:47Binanggit din niyang nahatira nila ng pera si Comelec Sherman George Erwin Garcia.
12:52Ang una pong lamapit sa amin ay yung driver niya.
12:57Then binuksan ni Martin Xay yung doon sa right slide door, inabot sa driver ni George Garcia.
13:05Then pakalagpas po ng mga ilang metro, magkasalabong po sila ni George Garcia.
13:10Then lumabit din po si Chairman George Garcia.
13:13Then binuksan po ulit ni Martin Xay yung sliding door.
13:17Then inabot po yung receiving copy.
13:19Sinusubukan pa naming makuhang panig ni Romualdez at Tulfo.
13:23Pero nauna na nilang tinanggi ang mga paratang pinasinungalingan naman ni Garcia ang akusasyon.
13:29Kanya hindi na nagtutugma ang mga sinasabi na nag-aakusa.
13:33Dahil dati, apat na maleta daw ang ibinigay sa kanya.
13:38Ngayon ay bug na maliit na lang.
13:41Mahirapan niya kung may nagdidikta lang kung anong sasabihin at ano naman niya ang kinalaman niya sa flood control.
13:48Nagpakita rin ang iba't ibang larawan ng mga ex-bodyguard ng mga umunoy delivery ng mga maleta.
13:54Meron ding larawan ng mga tagpo sa hangar na pag-aari ni Coe sa Missivis Aviation and Development Corporation.
14:00May larawan din sina Sen. Kiko Pangilinan at missis na si Sharon Cuneta kasama ang mga empleyado umano ni Coe.
14:08Pero wala na silang ibang binanggit na detalye.
14:11Sa isang bahayag, sinabi ni Pangilinan na puro pasaring, aligasyon at palabas lang anya ang mga ito.
14:18Gusto lang anyang mansahan ang naiulat na pag-upo niya bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga
14:26sa flood control scam.
14:28Tagdag pa niya, walang basihan ang tinawag niyang tangkang pagdungi sa kanyang pagkatao.
14:33Pananagutin daw ni Pangilinan ang mga nag-akusa sa mga paninirang ginawa nila, pati sa pagdamay sa kanyang pamilya.
14:41Ang isa namang dating tauhan umano ni Coe, e dinetalye ang paghahatid daw ng mali-maletang pera sa bahay ni
14:48dating Senate President Cheese Escudero.
14:50Noong 2024, mula Horizon Homes BGC, kasama ako sa konboy papunta sa konboy ni Saldico bilang security detail at pupunta
15:05kami sa bahay ni Senator Frances Cheese Escudero sa New Manila.
15:11Nag-atid kami ng apat na malita na may iba-ibang sukat.
15:16Dating nasa Cayetano Block sa Escudero pero nakiisa sa pagloklok sa grupo ni Sen. Wynn Gatchalian, sinisika pa namin makuha
15:24ang panig ni Escudero.
15:26May larawan din si dating PNP Chief at ngayong MMDA General Manager Nicolás Torre III, kasama ang mga witness.
15:33Ayon sa kanila, panahon ito noong hinihikayat sila na kontrahin ang naging pahayag ni Orly Goteza sa Senate Blue Ribbon
15:41Committee noong 2025.
15:42Wala pang tugon sa amin si Torre, kaugnay sa akusasyon.
15:46Ilang media personality rin ang binanggit ng ilan sa kanila na dinadalhan umano ng perang naka-paperbag sa utos ni
15:53Coe.
15:54Pero wala ulit silang ibinigay na detalye at wala rin ipinakitang ebidensya.
15:59Na-assign po ako kayo sa isang PR na taga-medya na si Bernard Peralta.
16:05Doon ko po nakita yung mga nabibigyan po ng mga paperbag na mga anchor na mga taga-medya.
16:14Kagaya po ni Arnold Clabio.
16:22At doon lang po muna at sa apidapit ko na lang po yung ibang...
16:27Tinawag na kasinungalingan ni Arnold Clabio ang bintang na anyay nakakatawa at nakakalungkot.
16:34Haharapin daw niya ito ng walang takot at hinamon ang nagbintang na maglabas ng ebidensya.
16:39Hindi raw siya natatakot at wala raw siyang itinatago.
16:43Sa korte na lang daw sila magkita at doon daw nila ulitin ang kanilang mga anyay walang kakwenta-kwentang bintang.
16:51Ayon naman sa GMA Network, sineseryoso nito ang mga bagay na may kinalaman sa integridad ng mga mamamahayag nito.
17:00Susuriin ang network ang usapin.
17:02Nananatili rin ang paninindigan ng GMA Network sa responsabling pamamahayag.
17:08Nanawagan din ito sa publiko na huwag gumawa ng mga konklusyon base sa mga hindi verifikadong impormasyon.
17:15Idinawit din ang mga umunay dating bodyguard ni Coe ang kolumnis ng Simon Tulfo.
17:20Pero tinawanan lang ni Tulfo ang aligasyon.
17:23Paano raw magkakasya ang limpak-limpak na salapi sa isang supot?
17:28Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
17:32Sa isang social media post, tinawag naman na sinungaling ni Kuneta ang mga nagpalabas ng larawan nila ng asawa niyang,
17:39si Senador Pangilinan.
17:41Sabi ni Kuneta, ang larawang ipinakita sa Prescon ay kuha noong bumisita ang kanyang pamilya sa Marawi City.
17:48Taliwas sa sinabi sa Prescon na mga tauhan umanon ni Coe ang kasama ni na Kuneta at Pangilinan.
17:54Nanindigan si Kuneta na hindi sila tumanggap ng maleta.
17:58Malinisan niya ang kanilang pamumuhay at pinaghirapan ang lahat ng mayroon sila.
18:15Mayroon na umanong 52 firearms si na Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Attorney Manz Carpio
18:23na hindi i-dineklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o Salen mula 2007 hanggang 2025.
18:31Ayon kay House Prosecutor Terry Lidon, 23 armas ang nakarehistro sa Vice.
18:3727 naman kay Carpio.
18:39Kasama raw ang umanoy undeclared firearms sa isinimiteng pretrial brief ng House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court nitong lunes.
18:48Kukunin daw na testigo ang mga nagbenta umanon ng armas sa mag-asawa,
18:53gayon din ang PNP Firearms and Explosives Office.
18:56Sinusubukan pang kunin ng GMA News ang pahayag ni na Duterte at Carpio kaugnay sa undeclared firearms umano nila.
19:06Inimbisigahan ang Office of the Ombudsman ang umanoy pakikialam ng magkapatid na Senador Mark at Camille Villar
19:12sa alignment ng LRT One Extension Project, Pakavite.
19:16Sa isang panayang, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia na naaantala umano ang proyekto dahil gusto umano ng magkapatid na
19:24Villar
19:24na idaan ang rile sa kanilang mga lupain.
19:27Sa isang pahayag, maring itinanggi ni Senador Mark Villar ang aligasyon.
19:31Hindi raw niya ginagamit ang kanyang posisyon para sa pansariling interes.
19:36Handa rin umanos siyang humarap sa embisigasyon.
19:39Sinusubukan pang kunan ang pahayag si Senadora Camille Villar.
19:422019 ang simula ng konstruksyon ng LRT One Cavite Extension Project at inaasahang matatapos sa 2031.
19:50November 2024, nang buksan sa publiko ang mga estasyon ng unang phase nito.
19:59Ito na ang mabibilis na balita.
20:02Sugatan, ang 7 grade 5 students matapos silang tamaan ng kutsilyong ininwasiwas
20:08ng isang grade 8 student sa General Trias Cavite.
20:11Base sa embisigasyon, biglang pumasok sa silid-aralan ng mga biktima ang grade 8 student
20:17at iwinasiwas ang kutsilyo.
20:20Dinala sa ospital ang mga biktima.
20:22Dalawa sa kanila ang inoperahan dahil sa malalim na sugat.
20:27Nilinaw ng mga otoridad na walang bullying o away na nangyari
20:30dahil hindi magkakakilala ang mga sangkot.
20:34Isinailalim ng lokal na pamahalaan sa psychosocial intervention
20:38ang mga biktima, suspect at mga nakasaksi sa insidente.
20:42Nakikipagugnayan ang paaralan sa mga otoridad para sa embisigasyon.
20:48Patay ang isang polis matapos bumangga sa Center Island
20:51ang minamanehong motorsiklo sa barangay Lumbia, Cagayan, De Oro City.
20:56Ayon sa polisya, may iniwasan sa kalsada ang biktima dahilan
20:59para mawalan siya ng kontrol sa motorsiklo.
21:03Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead-on arrival.
21:07Sinusubukan pa ang kunan ng pahayag ang kanyang pamilya.
21:11Nagpaabot naman ang pakikiramay ang Police Regional Office Northern Mindanao
21:15kung saan nakadestino ang nasawing polis.
21:20Sugatan ng isang rider matapos sumemplang sa barangay Buwed sa Kalasyao, Pangasinan.
21:26Tumilapon ang rider habang napunta sa kabilang linya ng kalsada ang kanyang motorsiklo.
21:31Saktong may dumada ang truck at nakalagkad ang motor hanggang sa ito'y magliyab.
21:36Ayon sa chief tanod ng barangay, tila nakikipagkarera noon ang rider
21:41na nasagi ng isa pang rider na dahilan ng insidente.
21:45Wala pang pahayag ang mga sangkot sa aksidente.
21:50Ilang resolusyon at panukala ang tinatalakay sa pagbabalik sesyuan ng Senado ngayong umaga.
21:56May ulat on the spot si Joseph Morong.
21:59Joseph?
22:01That's funny, tuloy nga ang trabaho ngayon ng Senado sa kanilang hinagawang special session
22:09at bago yan ay nagkaroon ang pagpapalit ng liderato.
22:13At itong si Sen. Joel Villanueva, ang panglabing tatlong senador na bumuo sa bagong mayorya ng Senado.
22:20Pero bago pa man magsimulang special session ay umugong na na lumipat na nga si Villanueva.
22:26Kumpiyansa ang majority Senators kanina na madadagdagan sila kaninang umaga pa lamang
22:31at ang dumating nga itong si Sen. Majority Leader Mig Subiri at Sen. Kiko Pangilinan
22:36ay kinumpirma nila sa atin na ang dating labing dalawa ay labing tatlo na.
22:41Ang pang labing tatlong senador ay si Sen. Joel Villanueva na dating kabahagi ng Cayetano Block.
22:47Bagay na kinumpirma naman ni Sen. Villanueva sa kanyang pagdating sa plenario sa Senado.
22:53So nang tanongin natin siya kung ano yung dahilan ng kanyang paglipat paulit-ulit niyang sinabi na
22:57trabaho at magtrabaho na lamang.
23:00Kabahagi si Villanueva ng mga pagboto sa mga lider ng Senado kabilang naang kay Sen. President
23:06Sherwin Gatchalian.
23:07Sa pagpapatuloy nga ng special session, Connie, nagsponsor itong si Sen. Villanueva
23:11ng resolusyon para ipanawagan ang pagbibigay ng pondo para sa rehabilitasyon at tulong
23:16para sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
23:19Narito ang magkasunod na pahayag ni na Sen. Subiri, Pangilinan at Villanueva.
23:27We will function legitimately because you're at the forum now. We have the numbers.
23:31We have 13 members already and we will buckle down to work.
23:36Yan ang panawagan ng taong bayan. Trabaho na kami sa Senado.
23:40So apela din po namin sa lahat na mga namin kasamahan ay magtrabaho na tayo.
23:44Sa tayo magbangayan, wala nang away.
23:47Sino number 13, sir?
23:49Sana to jollies with us.
23:51Let's work, let's work, let's work.
23:54Let's all work.
24:05Connie, ayon naman kay Sen. Rafi Tulfo ay gagawin ng majority na mag-reach out sa mga minority senators
24:12para masimula na ang paghilom o yung hiling at para tuloy-tuloy na makapagtrabaho ang Senado.
24:19Connie.
24:19Marami salamat, Joseph Morong.
24:22Sa ibang balita, balik normal na ang operasyon sa buong MRT-3.
24:27Kasunod po yan ang aberya sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Stations kaninang bago mag-alas-ais ng umaga.
24:33Ayon sa isang pasahero, bigla na lang daw huminto ang sinasakyang tren.
24:38Apat na pong minuto raw silang hindi umuusad bago pinababa at pinaglakad sariles papunta sa Guadalupe Station platform.
24:45Dahil sa aberya, lumipat sa elsa bus carousel ang maraming pasahero ng MRT-3.
24:51Naipon din po yung mga pasahero sa labas ng ilang estasyon.
24:55Nagbalik operasyon ang MRT-3 bago mag-aalas-siyete ng umaga.
24:59At wala pa pong paliwanag ang pamunuan ng MRT-3 sa Sanhi ng aberya sa pagitan ng Buendia at Guadalupe
25:06Station.
25:12My new milestone, si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
25:17Kabilang siya sa generations of leading actors ng isang fashion and lifestyle magazine.
25:23Thankful si Barbie na mapabilang sa listahan.
25:26Sabi niya, pangharap niya talagang makilala bilang isang mahusay na aktres.
25:31Bilang professional actress, mahalaga para kay Barbie ang punctuality at pagrespeto sa oras ng mga katrabaho.
25:38Nagagamit niya raw ang values na ito sa upcoming family drama series na Honor Thy Mother.
25:44Kasama niya riyan si Megastar at iniidola niyang si Sharon Caneta, pati na si John Estrada at Khalil Ramos.
25:54I'm not here to be a celebrity.
25:58I am an actor and this is proof.
26:03For someone who really wanted to make a mark in this industry for her passion for acting,
26:16now parang na-acknowledge yun, yung dream ko na yun.
26:24Nagbabala ang Philippine Space Agency sa posibleng pagbagsak ng rocket debris malapit sa Palawan at Rosul Reef sa West Philippine
26:33Sea.
26:33Ayon sa Filsa, nilaunch ang Long March 3B rocket kahapon sa Sea Chang Satellite Launch Center sa Sichuan, China.
26:43Posible raw mahulog ang ilang debris nito sa dagat na may layong 102 nautical miles mula sa Puerto Princesa,
26:50108 nautical miles mula sa Quezon sa Palawan at 33 nautical miles mula sa Rosul Reef.
26:57Hindi naman daw babagsak ang mga ito sa kalupaan pero delikado ito sa mga sasakyang pandagat at aircraft.
27:03Posible rin daw itong anurin sa mga dalampasigan.
27:06Babala ng Filsa, mapanganib ang debris dahil posibleng may nakalalasong kemikal.
27:16Pumalag ang kampo ng isang coach ng Ateneo Men's Basketball Team sa Anggulong Homicide o Hazing
27:22na inimbestigahan sa pagkalunod ni Rene Baterbonia at Divine Adili.
27:27Samantala ililipat sa chapel sa Quezon City ang labi ni Adili habang naiuwi na sa Agusan del Sur ang labi
27:34ni Baterbonia.
27:35Balitang hatid di JP Soriano.
28:05Naging sampu hanggang maiuwi na si Bobet sa Talacogon, Agusan del Sur.
28:12Maraming salamat po sa mga tulong.
28:16Ang huling yakap niya sa ina noong bago lumawas pa Maynila noong June 4.
28:21Sinikap na mapreserba ng artist na si JP sa isang digital painting na inalay sa ina ni Bobet.
28:27At least nakita ko na sa huling sandali, nihakap niya ako, inahon niya ako.
28:35Parang sabi niya, huwag ka nang mag-alala ma. Parang sabi niya, sakit.
28:42Kalakip daw nito noon ang isang pangako.
28:45Pagdating daw ng June, hindi na ako mamomoblima.
28:52Kasi lahat daw provided na.
28:55Kaya nga noong nag-open kami ng ETM.
28:58Sabi niya, sige lang ma, kunin mo yan.
29:02Kasi mag-prepare ma ako doon na yung 70% sa iyo, yung 30% sa akin.
29:08Sabi niya.
29:09Sa barangay sa Nicolás, lumaki si Rene.
29:12Ang kanyang husay sa basketball, hinasa sa court na ito,
29:17nayari sa kahoy ang poste at board,
29:19kung saan niya rin tinuruan ang pinakabatang kapatid na lalaki.
29:24Basketball.
29:25On sa kanang basketball, on sa formang mag-basketball.
29:27On sa formang mag-basketball.
29:29On sa mag-shot, pag-formang-shot no?
29:31Grabe.
29:33Pahit.
29:35Proud na nakadisplay sa kanilang tahanan ang mga medalya at tropeyo ni Rene.
29:39Ang mga labi naman ni Devine Adili,
29:42ililipat sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.
29:45Sa isang mensahe sa GMA News Online,
29:48tinumpirma ng ama ni Devine na babiyahe siya mula Nigeria papuntang Pilipinas,
29:53bagaman wala pang pinal na schedule.
29:55Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa pagkaluno din na Baterbonya at Adili,
29:59humarap sa NBI ang abogado ni Reynaldo Jacinto,
30:03na 20 taon ng coach ng Ateneo Basketball Team.
30:06Pinalagaan ng kanyang kampo ang pagtutok ng CIDG sa Anggolong Homicide o Hazing.
30:12First part na ng team yan, and it's not the condition for the team.
30:15It's just training, exercise, camaraderie lang.
30:19Walang torture.
30:22Homicide?
30:23No, it's an accident.
30:25Hindi rin humarap ang iba pang opisyal ng team at mga player na ipinatawag ng NBI,
30:30maliban kina-resigned team manager Christopher Epo Kimpo na tumanggi sa panayam
30:34at Ateneo Blue Eagle player EJ Capije.
30:37We mourn our fallen brothers Devine and Rene,
30:39and we'll carry them for the rest of our lives.
30:42Abogado lang din ang dating head coach na si Tab Baldwin ang sumipot.
30:46He was not in a good condition to appear.
30:49Coach Tab will fully cooperate with all the investigations ongoing and all the legal procedures.
30:53Abogado rin ng 27 anyo sa si Coach Sandro Soriano ang nagpakita.
30:58He's suffering from emotional distress.
31:00He's undergoing sessions at the Ateneo Office of Guidance and Counseling.
31:05He's not going anywhere.
31:06In fact, he wants to face all of this.
31:10Sa June 24, ihahatit sa huling hantungan si Bobet.
31:14Ma-miss ko sa kanya yung, alam mo, uli siya, dere.
31:21Pag uli niya, daghan ang, manghagad siya, manghagad siya, manghulag, ana.
31:26Ang pinaka-konginang, matawag siya sa kong kanang-word nga pa.
31:33Ma-uli siya, pinaka-mamiss gina ako siya.
31:39Ano yung matawag siya sa kong pa.
31:42Sa party kayo rin eh.
31:44JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
31:48Sa iba pang balita, pinaimbisigahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang reklamong
31:53walang natanggap na benepisyong isang namatay na PhilHealth member
31:57dahil wala pang 24 oras siyang nanatili sa ospital.
32:01Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro,
32:04dapat malaman kung naipapaliwanag ba
32:06at kung naipatutupad ng maayos ang mga pulisiya ng PhilHealth.
32:10Nauna nang sinabi ng PhilHealth na inaalam nila kung sila
32:13ang may pagkukulang o ang mga ospital na binanggit ng asawa ng pasyente sa kanyang viral post.
32:19Paglilinaw naman ang University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center sa GMA News
32:25na hindi na-admit sa kanilang ospital ang pasyente.
32:29Lahat daw ng pag-uusap ay sa pamamagitan lang ng telepono
32:32at hindi nasuri o nailipat ang pasyente sa kanilang ospital.
32:37Nag-abot ng pakikiramay ang Manila Doctors' Hospital sa namatay na pasyente.
32:41Sabi naman ang Manila Doctors' Hospital,
32:44binigyan ng karampatang assessment, monitoring at medical intervention ang pasyente
32:49habang nasa kanilang ospital.
32:51Ipinaliwanag din daw nila sa pamilya
32:53ang pupwedeng mangyari sa pasyente kapag inoperahan
32:56at pinili daw ng pamilya na huwag itong ituloy.
33:00Ipinaliwanag din daw ng Manila Doctors' Hospital
33:03ang kwalifikasyon at saklao ng phil health coverage ng pasyente.
33:14Huli kami yan sa Pililya Rizal.
33:16Dalawang sidecar ang mabilis na pinatakbo sa sityo
33:20mabiya sa barangay Malaya.
33:22Isinumbong yan sa pulisya pero hindi na sila naabutan.
33:25Kalaunan, nahuli sa checkpoint ang isang sidecar
33:28na walang plaka at wala rin dokumento
33:32na napagalamang isa sa mga sangkot sa umano'y iligal na karera.
33:36Huli ang driver nito at kanya mga kasama.
33:39Sa follow-up operation sa Bayan ng Tanay,
33:42naaresto ang walong iba pang sangkot sa iligal na aktividad.
33:46Mahaharap sila sa kaukulang reklamo.
33:48Tumagi silang magbigay ng pahayag.
33:52Arestado sa Maynila ang isang lalaking wanted
33:55dahil sa panggagahasa umano sa kanyang pinsan sa Pasay.
33:59Ang akusado tumangging magbigay ng pahayag.
34:02Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
34:08Natunto ng mga operatiba ang lalaking ito
34:11sa kanyang tirahan sa barangay 743, Malate, Maynila kahapon.
34:15Ang lalaki, ipinaha-aresto sa visa ng warrant of arrest
34:19dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang pinsan noong Marso.
34:23Ayon sa pulisya, magkasama sa isang bahay sa Pasay
34:26ang biktima at sospek nang mangyari ang pangahalay.
34:41Tumangging magbigay ng pahayag ang akusado.
34:44Hindi na rin nagbigay ng pahayag ang 25 anyos sa biktima.
34:48Nakakulong na sa Malate Police Station ang lalaki
34:51na naharap sa kasong rape na walang piyansa.
34:54Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
35:03Naitala kahapon ang pinakamababang halaga ng presyo ng krudo sa world market
35:07sa nakalipas na tatlong buwan.
35:09Ayon sa oil industry sources, nasa $76.05
35:13hanggang $78.96 ang kada barilis ng crude oil kahapon.
35:20Pinakamababa yan mula noong Marso.
35:22Ang pagbaba ng presyo, kasunod ng napababalitang pirmahan
35:26ng Memorandum of Understanding ng Amerika at Iran.
35:30Ayon sa Department of Agriculture, malaking tulong sa mga magsasaka
35:33sakaling tuluyan na nga nga bumaba at bababa ang presyo ng petrolyo.
35:39Bababa raw ang gasto sa produksyon at pagbiyahe ng mga produktong pang-agrikultura.
35:43Lalo na't naghahanda na sa panibagong panahon ng anihan.
35:47Magpapatuloy rin daw ang pakikipagkalakalan ng bansa sa Middle East
35:52daan niya ay isang mahalagang export destination ng local agricultural at food products.
36:00Pinunaan ng ilang grupo ang anti-dynasty bill na ipinasa ng Kamara dahil kiit nila pro-dynasty ito.
36:08Kaya hiling nila sa Senado, gayon din kay Pangulong Bongbong Marcos, huwag itong aprobahan.
36:14Balitang hatid ni Maki Polido.
36:44Governor ang isa, congressman ang kanyang asawa at mayor ang kanyang anak.
36:48Pero sa isang pahayag ng multi-sectoral groups, mariin nilang tinututulan ng House Bill 8389
36:55na ipinasa ng Kamara sa third and final wedding.
36:58Panawagan nila sa Senado, huwag aksyonan ang tinawag nilang pro-dynasty bill.
37:03Hiling din nila kay Pangulong Marcos, i-veto ang panukala bago pa ito may sabatas.
37:08Ang pahayag nilagdaan ng pitong grupo kabilang ang business groups, PPCRV at iba pa.
37:14Sa halip daw kasing ipagbawal, ginagawa nitong insitusyon ang malalim na kontrol sa politika ng iilang pamilya.
37:21Maari pa rin kasing sabay-sabay maghawak ng mga posisyon ng mga membro ng isang pamilya sa national at local.
37:28Maari pa rin ang pagpapasa ng pwesto sa kamag-anak o kaya ay position switching o ang pagpapalit ng pwestong
37:35tatakbuhan.
37:35At walang restriction ang lagpas sa second degree na magkakamag-anak.
37:40Nagbabala rin ang makabayan block sa kamara laban sa kasalukuyang versyon ng panukala.
37:45Hindi daw kasi nito tahasang ipinagbabawal ang political dynasty.
37:49Kaya sa isang pahayag, hinimok nito ang publiko na magbantay sa pagsasabatas nito.
37:54Ang susiwito ay yung papel ng publiko na itulak ang Kongreso at ang Marcos General Administration na magsabatas ng isang
38:05genuine anti-dynasty bill.
38:08Sabi ng political analyst na si Professor Jean Encinas Franco,
38:12mas mabuting huwag na itong may sabatas hanggat may tunay na batas na masosolusyonan ng paghahari ng isang angkan.
38:18Ito ay demonstration ng kanilang maigpit na pagyakap sa sistema ng political dynasty at hindi nila gano'n na lang
38:31pwedeng bitawan ito.
38:32Hinihinga namin ang reaksyon ng Kamara at Senado kaugnay ng isyong ito.
38:36Nang ipinasang panukala, ipinagtanggol ng sponsor nito na si Lano del Sur First District Representative Zia Alonto,
38:43ang pagpasa sa anti-political dynasty bill.
38:46Ito pong batas na ito hindi naman po perfect eh.
38:49Kailangan po natin yung balansihin between our attempt to define what anti-political dynasty
38:56has stipulated in the Constitution and as well as those uphold laws that might preserve and protect the right of
39:04individual
39:05to elect their leaders and as well as for individuals also to run and participate.
39:12Mackie Pulidon nagbabalita para sa GMA News.
39:16Kasabay ng pagbabalik sesyuan ng Senado, sinimula na rin ng Kamara ang pagtalakay sa ilang panukalang batas.
39:23May ulot on the spot si Bea Pinlak.
39:25Bea?
39:27Kami mismo si House Speaker Bodhi di ang nangunat sa pagbubukas ng special session sa Kamara ngayong umaga
39:33na binuluhan ng 213 na kongresista.
39:37Ayon sa ilang House Leader na nakausap natin, maraming naitik na priority legislation
39:41at iba pang nasa agenda ng Kongreso dahil sa kaguluhan sa Liberato sa Senado.
39:46Kaya ngayong opisyan ng nailukluk bilang Senate President si Sen. Sherwin Gatchalian
39:51umaasa ang Kamara na makakapokus na sa trabaho ang Kongreso.
39:56Sana raw, maging maayos ang leadership transition sa Senado.
40:00O nina, naipasa na sa Kamara ang mga panukalang batas na nasa priority legislative measures
40:05ng Pangulo sa Proclamation 1318 na naging batayan para magpatawag ng special session.
40:12Kabilang na riyan ang AIC Act at National Center for Geriatrics Act.
40:16Kaya ang hinihintay na lang daw nila ay ang buy cam para umusad na ang mga ito.
40:21Samantala may pakayag din si House Majority Leader Sandro Marcos
40:25sa paratan sa kanya na nakatanggap kung ano siya ng maletang may lamang milyon-milyong piso
40:30mula sa umano'y dating bodyguard ni dating congressman Zaldico.
40:34Narito po ang pakayag ni congressman Marcos.
40:39We don't dignify the testimonies of those fake Marines
40:47or actually bodyguard na lang tawag natin sa kanila.
40:52Medyo nakita mo na nga kahapon, biglang sumali si Sen. Escudero sa majority,
40:57biglang siya may maleta.
40:58Pati si Mary Grace Piatos sa susunod na hearing, baka yan may maleta din.
41:03So, let's, you know, let's call a spade a spade.
41:08Okay, so...
41:11Is it really worth it?
41:13Is it really worth it?
41:15Sa totoo lang?
41:16Tapos bibigyan pa sila ng publicity?
41:18Huwag na.
41:20Connie, sinagot din ni congressman Marcos,
41:23yung mga kesisismo sa anti-political dynasty guild na itinasa nila sa kamera.
41:27Sabi niya, they just needed to get the numbers in the house,
41:30pero duda raw siya na uhubra sa Senado ang gersyo na naipasa sa kamera.
41:34Kaya ang mahalaga raw mapag-usapan ito sa by-camera conference committee.
41:39Yan mula, let's at mula rito sa kamera. Balik sa'yo, Connie.
41:41Maraming salamat, Bea Pinlak.
41:44Update po tayo sa pagkakaluklok kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President.
41:49May ulat on the spot si Sandra Aguinaldo.
41:52Sandra?
41:53Yes, Connie.
41:54Sa pagbubukas nga ng special session ngayong araw ay kaagad na tinalakay
41:58ang pagluluklok ng bagong Senate President
42:00at labing tatloda yung Senador na dumating sa patabilang para maghalal ng bagong SP.
42:07Ang nadagdag nga po ay si Senador Joel Villanueva,
42:11dating kasama sa tinaguri ang Cayetano Block,
42:14pero ngayon ay sumama na sa mayoryan ng Senado.
42:17Kinamayan siya at niyakap na ilang Senador,
42:19kapansin-pansin naman na wala ang minority block
42:22sa bilang si former Senate President Alan Peter Cayetano.
42:26Kasunod nito, nalukluk na na Senate President si Senador Sherwin Gatchalian,
42:30sinamahan siya ng kanyang ina at pamangkin sa pananumpa.
42:34Dahil nakabakante ang pwesto ng Senate President Pro Tempore
42:37sa pag-akyat sa pwesto ni Gatchalian,
42:40ay na-elect naman sa Senador Tito Soto bilang Senate President Pro Tempore.
42:44Agad siyang nanumpa na sinaktihan ng isa sa kanyang mga anak.
42:48Inilukluk din ang ilang committee chairman,
42:50ng datiling chairman ng Senate Blue Ribbon Committee,
42:53si Senador Erwin Tulfo.
42:55Si Senador Joel Villanueva naman,
42:57ang chairman ng Committee on Labor
42:58at Committee on Higher Education.
43:01Patapos ito ay tinalakay na
43:03ang mga legislative measures
43:04na naka-agendang talakayin
43:06sa special session.
43:08Isa po rito ang Senate Resolution No. 447
43:11urging the national government
43:12to ensure adequate funding
43:15para sa relief,
43:16rehabilitation ng mga komunidad
43:18na napinsala ng lindol sa Mindanao.
43:21At nag-sponsor nito
43:22ay si Senador Villanueva
43:24na sinoportahan naman ng ilang Senador.
43:27Kapansin-pansin po na ilang
43:29sa mga Senador na nagsalita
43:30para suportahan ng resolution
43:32ay may papuroy rin kay Villanueva.
43:35Kabilang sanaip na ipasa
43:36on third reading
43:37ang act declaring
43:39waling-waling
43:40as National Orchid of the Philippines
43:42at pinagpaliba naman
43:44pagdalakay sa House bills
43:46na magbibigay sana ng
43:47Filipino citizenship
43:48sa dalawang dayuhang atleta.
43:50At na-adapt naman
43:51ang ilang sa mga resolution
43:53at kabilang nga po dito
43:55ang pagkilala
43:56sa mga rescue workers,
43:57healthcare personnel,
43:59mga LGU and uniformed services
44:01na tumulong po
44:02sa malakas na lindol
44:03sa Mindanao.
44:05Sa ngayon na Connie
44:06ay naghahanda na
44:07para naman doon
44:08sa Commission on Appointments.
44:11At sa punto pong ito
44:12ay dumating naman
44:13ang ilang minority Senators
44:15na rito po
44:16si Senador Marcoleta
44:18at Senador Bongo.
44:20So yan muna po
44:22ang pinagpahuling ulat
44:23mula dito sa Senado
44:25Sandra Aguinaldo
44:26to remaining.
44:27Marami salamat
44:28Sandra Aguinaldo.
44:31Itinanggi ni Sen. Camille Villar
44:33na nakialam umano siya
44:34sa alignment
44:35ng LRT 1 Extension Project
44:37Paka Vite.
44:39Ayon pa kay Villar
44:39wala siyang partisipasyon
44:41sa proyekto
44:41mapapersonalman
44:43o bilang Senador.
44:44Bukas din daw si Villar
44:45sa anumang investigasyon
44:47at tiwalang mananaig
44:48ang katotohanan
44:49kaugnay nito.
44:57Nakasama nila Dustin
44:58New at Bianca Rivera
44:59ang ilan nilang fans
45:00para sa isang
45:01outreach project.
45:03Namigay si na Dustin
45:04at Bianca
45:05ng school supplies
45:06sa sandaang
45:06estudyante sa Maynila.
45:08Inisiyative ang project
45:09ng isa nilang fans club
45:11na Dustvia Angels.
45:13Bahagi yan
45:13ang pagdiriwang nila
45:14sa first anniversary
45:15ng pagsuporta
45:17sa love team.
45:18All smiles naman
45:18ang Dustvia
45:19habang namibigay
45:20ng school supplies.
45:29Hindi lang po sa cuteness
45:31bibidang isang baby
45:32sa Quezon City.
45:33May hint na rin
45:34na pagiging independent
45:35kahit sanggul pa lang.
45:37Bedtime na dapat
45:38para sa
45:398 month old
45:40na si Budi.
45:41Pero nakalimutan
45:42niya atang ipaghele.
45:44At patulugin ni na
45:45Mami at Ladi.
45:46Buti na lang
45:47may sariling sikap
45:48si Budi.
45:49At yun o,
45:49tinapik-tapik
45:50ang kanyang sarili.
45:52Mehemena baby!
45:53Kwento ni yung
45:54Scooper Mami
45:55Eliza Reyes.
45:56Random moment lang yan
45:58na kanyang
45:58na cutie cap.
46:00Halos 700,000
46:01na ang views
46:02ng video ni Budi
46:03na certified
46:04main character.
46:07Apaka-cute naman yan.
46:08Very independent na siya.
46:10Sana makatulog siya agad.
46:12At yan po
46:13ang mayiilit na balita
46:14ngayong tanghali.
46:15Ako po si Connie Cison.
46:16Asaman nyo rin po ako,
46:17Aubrey Carampe.
46:18Ito po ang GMA News.
46:19Walang kinikilingan,
46:20walang pinoprotektahan.
46:21Noon at ngayon,
46:22servisyong totoo.
46:36dist challenged
46:36ako chaos
46:37kanyang
46:37Ito po ascaba
Comments

Recommended