Skip to playerSkip to main content
Tinawag na kasinungalingan ng ilang binanggit na personalidad ang akusasyon ng mga nagpakilalang dating bodyguard ni Zaldy Co na tumanggap umano sila ng pera. 


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinawag na kasinungalingat ng ilang binanggit na personalidad
00:03ang akusasyon ng mga nagpakilalang dating bodyguard ni Zaldico
00:06na tumanggap o mano sila ng pera.
00:09Saksi si Ian Cruz.
00:14Daging press conference ang ginawang pagharap sa Mandaluyong
00:17ina dating Congressman Mike Defensor
00:20at ang nagpakilalang 18 dating bodyguard ni dating Congressman Zaldico.
00:24Wala kasing senador na dumalo kahit pa sinabi ni Defensor
00:28na dito magaganap ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing
00:32ng Cayetano Block ukol sa flood control skandal.
00:36Ukol sa 18, may apat pang bagong testigo mano
00:39ang abugado nilang si Atty. Levy Baligod.
00:42Isa sa kanila ang dati rin daw sundalo na si Geron Valderrama.
00:46Kasama raw siya sa nagdeliver ng mali-maletang pera
00:49kinadating Speaker Martin Romualdez at Senador Irwin Tulfo
00:53noong kongresista pa siya.
00:55Binanggit din niyang nahatira nila ng pera si Comelex Sherman
00:59George Irwin Garcia.
01:01Ang una pong lumabit sa amin ay yung driver niya.
01:05Then binuksan ni Martik Say yung doon sa right slide door
01:09inabot sa driver ni George Garcia.
01:14Then pakalagpas po ng mga ilang metro,
01:17magkasalabong po sila ni George Garcia.
01:19Then lumabit din po si Chairman George Garcia.
01:21Then binuksan po ulit ni Martik Say yung sliding door.
01:25Then inabot po yung receiving copy.
01:28Sinusubukan pa naming makuha ang panig ni Romualdez at Tulfo
01:31pero nauna na nilang tinanggi ang mga paratang.
01:35Pinasinungalingan naman ni Garcia ang akusasyon.
01:38Anya, hindi na nagtutugma ang mga sinasabi na nag-aakusa
01:42dahil dati apat na maleta daw ang ibinigay sa kanya.
01:46Ngayon ay bag na maliit na lang.
01:49Mahirap anya kung may nagdidikta lang kung anong sasabihin
01:52at ano naman anya ang kinalaman niya sa flood control.
01:56Nagpakita rin ang iba't ibang larawan ng mga ex-bodyguard
02:00ng mga umunay delivery ng mga maleta.
02:02Meron ding larawan ng mga tagpo sa hangar
02:05na pag-aari ni Coe sa Missivis Aviation and Development Corporation.
02:08May larawan din sina Sen. Kiko Pangilinan at missis na si Sharon Puneta
02:14kasama ang mga empleyado umano ni Coe.
02:17Pero wala na silang ibang binangkit na detalye.
02:19Sa isang bahayag, sinabi ni Pangilinan na puro pasaring,
02:23aligasyon at palabas lang anya ang mga ito.
02:27Gusto lang anyang mansyahan ang naiulat na pag-upo niya
02:30bilang chairperson ng Senate Luribund Subcommittee
02:33na mag-iimbestiga sa flood control scam.
02:36Dagdag pa niya, walang basihan ang tinawag niyang
02:39tangkang pagdungi sa kanyang pagkatao.
02:42Pananagutin daw ni Pangilinan ang mga nag-akusa
02:44sa mga paninirang ginawa nila,
02:47pati sa pagdamay sa kanyang pamilya.
02:49Ang isa namang dating tauhan umano ni Coe
02:52e dinetalye ang paghahatid daw ng mali-maletang pera
02:55sa bahay ni dating Senate President Cheese Escudero.
02:58Noong 2024, mula Horizon Homes BGC,
03:04kasama ako sa convoy,
03:06mapunta sa convoy ni Saldico,
03:10bilang security detail,
03:12at pupunta kami sa bahay ni Senator Frances Cheese Escudero
03:17sa New Manila.
03:19Nag-atid kami ng apat na malita
03:22na may iba-ibang sukat.
03:25Dating nasa Cayetano Block sa Escudero,
03:27pero nakiisa sa paglok-lok sa grupo
03:29ni Sen. Wynn Gatchalian,
03:31sinisika pa namin makuha ang panig ni Escudero.
03:35May larawan din si dating PNP Chief
03:37at ngayong MMDA General Manager Nicolás Torre III
03:40kasama ang mga witness.
03:42Ayon sa kanila, panahon ito noong hinihikayat sila
03:45na kontrahin ang naging pahayag ni Orly Goteza
03:48sa Senate Blurie Moon Committee noong 2025.
03:51Wala pang tugon sa amin si Torre,
03:53kaugnay sa akusasyon.
03:55Ilang media personality rin
03:57ang binanggit ng ilan sa kanila
03:59na ginadalhan umano ng perang
04:01naka-paper bag sa utos ni Ko.
04:03Pero wala ulit silang ibinigay na detalye
04:06at wala rin ipinakitang ebidensya.
04:08Na-assign po ako kayo sa isang PR na taga-medya
04:12na si Bernard Peralta.
04:14Doon ko po nakita yung mga nabibigyan po
04:17na mga paper bag na mga anchor
04:20na mga taga-medya.
04:23Kagaya po ni Arnold Clavio.
04:31At doon lang po muna
04:33at pinapit mo na lang po yung ibang...
04:36Tinawag na kasinungalingan ni Arnold Clavio
04:39ang bintang na anya'y nakakatawa
04:41at nakakalungkot.
04:43Haharapin daw niya ito
04:44ng walang takot
04:45at hinamon ang nagbintang
04:47na maglabas ng ebidensya.
04:48Hindi raw siya natatakot
04:50at wala raw siyang itinatago.
04:52Sa korte na lang daw sila magkita
04:54at doon daw nila ulitin
04:56ang kanilang mga anya'y
04:58walang kakwenta-kwentang bintang.
05:00Ayon naman sa GMA Network,
05:03sineseryoso nito ang mga bagay
05:04na may kinalaman
05:05sa integridad ng mga mamamahayag nito.
05:09Susuriin ang network ang usapin.
05:11Nanatili rin ang paninindigan ng GMA Network
05:14sa responsableng pamamahayag.
05:16Nanawagan din ito sa publiko
05:18na huwag gumawa ng mga konklusyon
05:20base sa mga hindi verifikadong impormasyon.
05:24Idinawit din ang mga umunay
05:25dating bodyguard ni Ko
05:26ang kolumnis ng Simon Tulfo.
05:29Pero tinawanan lang ni Tulfo
05:31ang aligasyon.
05:32Paano raw magkakasya
05:33ang limpak-limpak na salapi
05:35sa isang supot?
05:36Ako si Ian Cruz,
05:38ang inyong saksi.
05:41Dinawit din ang wouldang
Comments

Recommended