00:00We've been here at the Department of Social Welfare and Development
00:03that the support of the lindol is particularly those who have had a fear.
00:08The expert for the trauma that has had a problem
00:12is that James Sanders is the support of the lindol.
00:19It's a Sunday, this video is the aftershock of a magnitude 7.8
00:28na lindol na yumanig sa Mindanao noong June 8.
00:31Napalikas ang mga estudyante sa Silway 8 National High School
00:35sa Polomolok, South Cotabato.
00:37Hanggang pasado tanghali kanina,
00:39nakapagtala pa rin ang aftershock.
00:43Mahigit dalawang linggo,
00:45mula noong tumama ang isa sa pinakamalakas na lindol
00:48sa kasaysayan ng bansa,
00:50sa gitna ng mga aftershock,
00:52umabalik ang takot sa ilang estudyante.
00:55Lalo't tumama ang magnitude 7.8 na lindol
00:58kung kailan nasa flag ceremony ang maraming mag-aaral.
01:05Kaya ang DSWD tinututukan ang mental health
01:09at psychosocial support services
01:11para sa mga apektado ng lindol.
01:13Meron tayong mga child-friendly spaces
01:16inside evacuation centers.
01:18Nagkakaroon tayo ng mga play therapies
01:21o may mga additional interventions tayo,
01:26halimbawa yung mga learning interventions,
01:30merong mga videos na pinapalabas.
01:34So, lahat sila ng mga kabataan
01:36nasa-serve dun po sa mga child-friendly spaces natin.
01:39Ayon sa isang child psychologist,
01:42sa mga simpleng aktividad,
01:43tulad ng pagguhit,
01:45paglalaro at storytelling,
01:46unti-unting na ipapahayag ng mga bata
01:49ang kanilang takot at kaba
01:50matapos ang lindol.
01:52Sa pamamagitan ng child-friendly interventions,
01:55nabibigyan ang mga bata
01:56ng ligtas na espasyo
01:57upang mailabas ang kanilang emosyon
02:00at unti-unting makarecover.
02:02Listen, ibig sabihin pakinggan sila.
02:05May mga bata,
02:06hindi pa sila katulad natin na makwento
02:10o matatas na magpahayag
02:12kung ano yung nararamdaman nila,
02:14mga naiisip nila o sa loobin.
02:15So, isa sa mga ginagawa talaga
02:17ay hinahayaan silang gumuhit,
02:19hinahayaan silang maglaro.
02:20Ayan kasi lengguahe ng bata.
02:22So, nakakatulong yun
02:23kasi kailangan din nilang mapakinggan
02:27sa paraan na angkop sa edad nila.
02:29Ayon sa mga eksperto,
02:31normal sa mga bata ang takot
02:33at pagbabago ng behavior
02:35sa una hanggang tatlong linggo
02:36matapos ang trauma.
02:38Yung makikita mong takot sila,
02:39balisa.
02:41O kaya biglang nagbago
02:43yung kanilang behavior,
02:45nagbago yung kanilang mood.
02:47Meron din ibang bata
02:48na parang ayaw nilang mawalay
02:50dun sa mga caregiver nila
02:51o parents nila.
02:52Normal yun.
02:53Pero kung ito ay tatagal
02:55ng mahigit isang buwan
02:56pagkatapos ay mas lumalala,
02:59kailangan lang
03:00kumonsulta sa profesional.
03:02Kailangan din bantayan
03:03ang mga senyales
03:04ng seryosong distress.
03:06Kung meron na rin tayo
03:07nakikitang panganib,
03:08halimbawa yung bata,
03:10sinasaktan yung kanyang sarili,
03:12nananakit siya
03:13ng ibang tao
03:14o kaya nagsasabi na siya
03:15na wala siya
03:16ng ganang mabuhay.
03:17Paalala na mga eksperto,
03:19hindi lamang mga gusali
03:21at silid-aralan
03:22ang kailangan buuhin muli
03:24tuwing tumatama ang sakuna.
03:25Mahalaga rin
03:26ang suportang emosyonal
03:28at psychological
03:29lalo para sa mga bata.
03:30Ako si Jamie Santos
03:32ang inyong saksi.
Comments