00:00Mas magiging konektado at mapadadali na ang pag-aaral ng mga estudyante sa island province ng Gimaras.
00:06Ito ay sa tulong ng Bayanihan SIM Program ng DICT kung saan mahigit 600 SIM cards na ang naipamahagi.
00:13Yan ang ulat ni J.M. Thompson.
00:18Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology o DICT
00:22ang Bayanihan SIM Program sa ilang paaralan sa lalawigan ng Gimaras.
00:26Malaking hadlang ang problema sa koneksyon sa kanilang lugar na nakaapekto sa edukasyon ng mga mag-aaral.
00:34Kadalasan ang mga estudyante kinakailangan pang maghanap ng signal,
00:38ang ilan umaakyat lugar o kinakailangan pang bumiyahe para lang makatugon sa kanikanilang school requirements.
00:46Malaking tulong dito ang mga SIM card na ipinamahagi ng DICT sa mga estudyante
00:50na bahagi ng kanilang layuning magkaroon ng maayos na koneksyon sa internet
00:55ang bawat lugar sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:58Tinapakita nito na kapag may koneksyon,
01:00mas napapalapit ang edukasyon sa mga komunidad
01:03at mas nabibigyan na pagkakataon ng bawat mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap.
01:08Sa pamamagitan ng libreng connectivity,
01:11mas maraming estudyante at guru na
01:13ang mas magkakaroon ng mas madaling access sa learning materials,
01:17educational platforms, at online opportunities.
01:20Mahigit 6 na raang SIM cards ang naipamahagi sa Agsanayan National High School.
01:26Isa nga si Loray sa mga nabigyan ng SIM card na magagamit niya sa kanyang pag-aaral.
01:31Especially po kapag mayroon mga school works,
01:35pwede pong igamitin sa pag-re-research.
01:38Aminado naman si Teacher Lilian na napakahalaga
01:41at malaking tulong ang mga SIM cards sa mga estudyante.
01:45Kasi pag hindi namin matapos yung aming mga gawain,
01:49pinapadala namin sa kanila yung mga activities
01:53at kahit na sa bahay na sila,
01:56pwede pa rin silang maka-research.
01:58Hindi titigil ang DICT sa kanilang mga proyekto
02:01at programang maglalapit sa bawat mamamayang Pilipino
02:05sa tulong ng internet connectivity.
02:08JM Thompson, Para sa Bayan.
Comments