00:00Inaasahang mas maraming Pilipino pa ang magkakaroon ng access sa dekalidad na tertiary education
00:07sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr.
00:12Patunay dito ang bagong tayo na PUP Open University Building na nagkakahalaga ng 185 million pesos.
00:21Kahapon ay ininspeksyon ng mga opisyal ng Department of Budget and Management
00:26ang apat na palapag na gusali para makita ang resulta ng proyekto at matiyak na sa tama napunta ang pondo
00:35ng bayan.
00:36Kabilang sa mga makikinabang sa naturang gusali ng PUP ay mga out-of-school youth,
00:42mga guro at ilan pa nating mga kababayan na kailangang pagsabayin ng pagtatrabaho,
00:48pamilya o iba pang responsibilidad.
00:50Gi-it ni Budget Secretary Kim Robert De Leon,
00:55ang pagpapalawak ng access sa edukasyon ay mahalagang investment para sa kinabukasan ng bansa.
01:03Today is proof that when government works with purpose,
01:07public funds are transformed into opportunities that change lives.
01:12Napakalaking halaga nito, napakalaking contribution itong building ng Open University
01:18kasi malaki yung number ng mga students natin na naka-enroll sa Open University System.
Comments