Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw matapos ang magnitude 7.8 na lindol, nasa parking lot pa rin,
00:05imbis na nasa loob ang mga pasyente ng GLAN Provincial Hospital.
00:10Nauubusan na rin ng anti-tetanus shots para sa mga sugatan sa lindol.
00:15Balitang hatid ni Maki Polido.
00:19Mula sa ere, kita kung paanong nabali ng magnitude 7.8 na lindol
00:25ang Sapumasla Bridge sa Malapatan Sarangani.
00:27Sa aerial survey ng FIVOX, kita rin ang pinsala sa dike at mga gumuho o di kaya'y tumagilid na
00:34bahay.
00:36Para makabiyahin na mga sasakyan hanggang sa Bayan ng GLAN,
00:39target na maayos ang kalsadang na biyak at tila hiniwa-hiwa ang simento.
00:44Dahil ginagawa na rao ng DPWH, yung portion ng highway na nagkabiyak-biyak
00:50ay pinagbabawalan, dumaan kahit na mga tao, hindi lamang mga sasakyan.
00:55So para makarating tayo, lampas nun, para malampasan natin,
01:00ay kailangan sumakay tayo ng bangka.
01:03Nagdeklara na ng state of calamity ang buong lalawigan ng Sarangani
01:06para magamit ang emergency funds at mapabilis ang relief efforts.
01:11Tulong na kailangan-kailangan ng maraming biktima ng lindol.
01:14Gaya ni Julito, nasa gilid ng kalsada muna natutulog,
01:18matapos sirain ng lindol ang kanilang bahay.
01:20Naghihintay pa rin ng tulong, wala mga tulong pa na tanggap namin,
01:24pagkain at saka tubig, walang mainom.
01:27Tatlong araw na rin naghihintay ng kahit kaunting tulong si Ronald Zubel.
01:31Gustuhin mang kumita, wala namang nag-aarkila ng kanyang bangka mula ng lumindol.
01:35Sa oras na maubos ang kanilang limang kilong bigas,
01:38wala na raw siyang maipapakain sa tatlo niyang anak.
01:41Walapit na maubos ma'am, kunti na lang.
01:44Yan na ang problema may kasi hindi kami kamarapuhin kasi kilitong ma'am.
01:48May lindol, wala namang trabaho.
01:51Bulante lamang, bigas lang ma'am.
01:53Saka tubig, yan lang ma'am.
01:55Sa tulogan ng anak namin.
01:57Sabi ng lokal na pamahalaan ng GLAN,
01:59pahirapan talaga ang pagdating ng relief goods,
02:02kaya't hinihintay nilang maayos ang kalsada para mapabilis ang pagdating ng tulong.
02:06Sa mga naghihintay ng tulong,
02:08naiintindihan namin sa humingi na kami ng pasyensya,
02:11kami gusto talaga namin makarating agad.
02:13Pero naiintindihan naman natin na hindi talaga natin mapabilis kasi yung daan, wala.
02:18Pati matitirhan, malaking hamon para sa maraming biktima ng lindol.
02:23Nasa 20 bahay, yung dating nakatirik sa gilid ng bundok na ito,
02:27dito sa bayan ng GLAN, sa probinsya ng Sarangani.
02:30Pero dahil dun sa lindol, sirana lahat ng mga bahay.
02:35Itong bahay nga na ito, nahulog na dun sa gitna kung saan nabiyak yung lupa.
02:41Dito dati nakatira ang pamilya ni Maricel Poncardas.
02:45Hindi po namin alam kung ano yung mangyayari kasi wala namang kami mapupuntahan.
02:51Dito lang kami naninirahan sa ano, wala rin kaming sariling lupa kasi.
02:57Bahala na po ang pamilya noon.
03:00Nag-aalala na rin ang mga doktor sa Rural Health Unit dahil naubusan na sila ng anti-tetanus shot.
03:06Sa mga cases na nakita namin, ma'am ano, like yung mga patients talaga kami na makapunta dito na for
03:11example may mga deep wounds,
03:12yun kasi kailangan talaga yung mawigyan ng anti-tetanus para hindi mag-fester yung infection.
03:19Yung delikado kasi sa tetanus is kapag bababa yan sa lungs, magkakaroon ng respiratory arrest yung patient, hindi siya makakahinga.
03:26Sa GLAN Provincial Hospital, nagtitiis pa rin sa init ang mga pasyenteng nasa parking lot pa rin dahil hindi pa
03:33cleared ang hospital building.
03:34Our OR is non-operational, our laboratory is non-operational, and we don't have the consultants because our consultants come
03:45from Jansang area, anesthesiologist.
03:48They could not come here because the road is non-passable.
03:52So these patients need to be airlifted or by sea ambulance or whatever available for them to be transferred to
04:02a higher facility.
04:04Isa si Cambria sa tatlong araw nang naghihintay na mailipat ng ibang ospital.
04:09May malalim na sugat siya sa ulo at dislocated din ang kanyang kanang paa matapos madaganan ang pader nang tumama
04:16ang lindon.
04:17Mahirap talaga ma'am, pero tiniis ko na lang ang hirap para madala ako sa ospital.
04:24Isa ang saranggani sa mga pinangakuan ni Pangulong Bongbong Marcos ng tulong sa kanyang pagbisita sa General Santos City.
04:32Ayon sa Pangulo, 50,000 pisong tulong ang matatanggap ng mga namatayan sa lindon.
04:38Those areas naman na hindi kayang pasukin ng mga sasakyan para sa mga engineer natin, para sa mga magbubuo ulit
04:48ng mga sistema natin,
04:49ay yung relief goods na kapag-deliver na tayo, nag-helicopter na tayo, places like Glan na hindi pa hanggang
04:56ngayon.
04:57We have walang road passages.
04:59Isa sa mga binisita ng Pangulo ang napinsalang Outpatient Facility Building ng St. Elizabeth Hospital.
05:06Kita pa mga gumuhong simento mula sa pader ng gusali na nagtamurin ng mga malalaking bitak kaya di na raw
05:13mapapakinabangan.
05:15Nagpunta rin ang Pangulo sa Romana at Charon Integrated School sa Barangay Kalumpang at sa General Santos City National High
05:21School.
05:22Yung mga engineer ay papasok na para i-assess kung ano ba yung parte ng building na pwede pang gamitin,
05:30ano yung hindi na talaga pwede, kailangan pabagsakin yung buong building, mabigyan tayo ng informasyon tungkol dyan.
05:36Ayon sa DepEd, mahigit isang libong pampublikong paaralan sa limang rehyon ang nagtamu ng pinsalada sa magnitude 7.8 na
05:44lindol.
05:44Nauna nang iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na suspendido until further notice ang klase sa lahat ng antas sa mga
05:52apektadong lugar sa Mindanao.
05:53Mahirap sabihin, kasi sa Gensan pa lang ang napupunta at yung kalatig bayan, yung mga malalayong lugar hindi pa nga
06:00naaabot.
06:01So nag-a-assess pa tayo ng damages sa ibang lugar, sa ibang classrooms.
06:04Pero mukhang tatagal din ito ng ilang buwan dahil nasa evacuation centers din yung iba.
06:09Yung iba walang mauwian, so pati teachers damay dito.
06:13Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended