00:00Pansamantalang ipatutupad ang work-from-home setup para sa mga ahensyo ng pamahalaan sa Davos City
00:05habang hinihikayat ang mga paaralan na magsagawa ng online o distance learning modalities.
00:10Ang detali sa report ni LJ Saga.
00:16Dahil sa posibilidad ng mga aftershock at sa patuloy na isinasagawang structural assessment sa mga establishmento,
00:23ay pinatutupad muna ang work-from-home arrangement sa lahat ng mga lokal na tanggapan ng pamahalaan
00:28at mga ahensya sa Davos City.
00:31Ito ay kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao at malakas na naramdaman sa Davos City.
00:38Mananadili ring suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan
00:44habang nagpapatuloy ang mga safety inspection sa mga paaralan.
00:49Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ng Davos City
00:52ang mga paaralan na pansamantalang magsagawa ng online o distance learning modalities
00:58upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at mga kawani.
01:02Samantala nagpapatuloy ang assessment ng Davos City Social Welfare Development Office o CSWDO
01:08sa mga tahanan at pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol na naranasan sa lungsod.
01:14Ayon sa CSWDO, mayroon na silang listahan at patuloy ang validation ng mga bahay at individual na naapektuhan ng lindol.
01:23Na-out sa linog na atay affected na pipila lang ka mga balay.
01:29Katong isa is abandonment to siya.
01:33Walay tao dito.
01:35Katong naa, further mag-assess ang ato ang CSWDO in charge ditong area.
01:43Ayon sa Davos City Information Office, wala silang naitalang nasawi o sugatan sa lungsod kaugnay ng lindol na yumanig.
01:51Wala rin malaking pinsala sa mahahalagang infrastruktura ng lungsod, tulad ng linya ng kuryente at tubig,
01:57mga pangunahing tulay, kalsada at iba pang pasilidad ng pamahalaan.
02:01Casualty, so no casualty so far related to the earthquake.
02:06No major infrastructure damage except for the Bolton Beach 1,
02:10which we have already closed temporarily for vehicles because of minor threats na napita doon kanina.
02:17Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan ng Davos City sa mga may-ari ng mga gusali
02:23na agad makipag-ugnayan sa Office of the City Building Official
02:26kung may makikitang mga bitak, sira o iba pang pinsala sa kanilang mga estruktura.
02:33LJ Sagang, para sa bayan.
Comments