00:02Sa gitna ng kahirapan, kalamidad at iba pang pagsubok ng buhay,
00:08nananatiling matatag ang mga magulang na aming nakilala
00:11para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
00:14Sa pagbubukas ng klase, halos 15,000 mag-aaral
00:18ang nabigyan ng GMA Capuso Foundation ng kompletong gamit ng eskwela.
00:27Nakilala namin ang maglola sa kasiguran aurora na si Regina at Jay.
00:31Ang kanilang pinagkakakitaan ang pagpaparek o pagkudkod sa buhangin sa dalampasigan
00:36tuwing low tide para makakuha ng mga shell.
00:40Minibenta naman ito ng 35 pesos per kilo sa mga buyer.
00:43Ngayon po hindi na po kaya, dahil kasi sobrang mahal lang diesel.
00:47Kaya namamarek lang po kami talaga.
00:49Sa Bani Pangasina naman, paunti-unting itinayong muli ng pamilya ni Maylene
00:55ang kanilang bahay na nawasak ng bagyong emong noong nakaraang taon
00:59gamit ang mga tirang materyales mula sa trabaho ng kanyang asawang construction worker.
01:04Nang bagyong bahay namin.
01:06Kaya ngayon po hindi na po namin napaayos kasi.
01:10Wala pong pang paayos.
01:12Sa pagbubukas ng klase ngayong araw,
01:15napuntahan ang GMA Capuso Foundation
01:17ang mga naapektuhan ng Bagyong Emong sa Pangasinan,
01:20Bagyong Basyang sa Iligan,
01:22Bagyong Tino sa Negros Oriental at Oksidental,
01:25pati na rin ang mga naapektuhan ng oil crisis sa Aurora at Nueva Ecija.
01:29Ngayong pasukan,
01:31handa na ang kinder hanggang grade 2 students sa kanilang school year.
01:35Sa kabuan, halos 15,000 mag-aaral ang ating natulungan.
01:41Bigay natin biyaya para sa mga bata ay malaking bagay para sa kanila.
01:46Maraming salamat.
01:47Sa nais makiisa sa aming projects,
01:50maaari kayong magdeposito sa aming bank accounts
01:52o magpadala sa Cebuana Luwilier.
01:54Pwede rin via QR code ng GCash at PalawanPay
01:58o mag-donate online sa Globe Rewards at Metro Bank Credit Cards,
02:02Lazada at Shopee.
02:06Mga kapuso,
02:07naghahanda na ang GMA Kapuso Foundation
02:09na maghatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
02:14Bukas po ay magsasagawa tayo ng repacking
02:17ng relief goods sa GMA Regional Station sa General Santos City.
02:21Agad natin iyang ipamamahagi sa mga apektadong residente.
Comments