00:02Malaki ang papel ng mga paaralan, pamilya at komunidad sa pagtiyak na ligtas ang mga estudyante,
00:08hindi lang sa pisikal na panganib kundi pati sa mga epekto ng trauma at emotional distress.
00:13Ayon kay National Center for Mental Health Medical Center Chief Dr. Noel Reyes,
00:17maaaring makaranas ang mga bata ng takot, pagkalito, problema sa tulog at konsentrasyon
00:23at pag-aalangang bumalik sa paaralan matapos ang isang traumatic na insidente.
00:30Dapat talaga na ma-understand natin yung early stress reactions and they must be monitored
00:36because persistent o severe distress can affect a child's learning
00:41and it can also affect the child's relationship and daily functioning.
00:46Kaya hinihikayat ng National Center for Mental Health ang mga magulang at guro
00:50na bigyang pansin ang mga pagbabago sa kilos at emosyon ng mga bata.
00:54Kabilang sa mga warning sign ang matinding takot, pag-iwas sa paaralan,
00:58paulit-ulit na bangungot o alaalan ng insidente,
01:01pagbabago sa pagtulog at pagkain at mga senyales ng hopelessness o self-harm.
01:06Kaya ito po ay pwede natin sabihin warning signs
01:10kung lalong-lalo na po na alam naman natin na yung bata ay hindi ganyan dati.
01:15Pero ayon sa NCMH, hindi dapat maghintay na may krisis bago magbigay ng mental health support.
01:21Kailangan-ani lang palakasin ang mental health promotion sa mga paaralan
01:25kabilang ang safe at nurturing school environment,
01:28anti-bullying programs, social-emotional learning
01:30at mas madaling akses sa counselors at mental health professionals.
01:34Base po sa ating kultura na tinitignan po talaga ng ating mga kapwa-Pilipino
01:40na ang karamdaman sa pag-iisip o kaguluhan sa pag-iisip ay senyales po ng kahinaan
01:46o kaya nagdudulot po sa kanila ng shame.
01:49Hindi po ganun po ang mental illness.
01:54Agaran po natin dapat tanggalin ang stigma
01:58upang ang intervention ay right time.
02:03Tama po na mag-sick sila ng ano.
02:05Ang number one po niyan is of course awareness po.
02:09Hinikayat ni Dr. Reyes ang mga magulang at guro na makinig ng walang paghuhusga
02:14at huwag baliwalain o ikumpara sa karanasan ng ibang henerasyon
02:17ang pinagdaraanan ng mga bata.
02:19Samantala nagbabalari ng NCMH sa epekto ng paulit-ulit na pagka-expose na mga bata
02:24sa graphic videos, larawan at unverified reports sa social media.
02:28Ayon kay Reyes, maaari itong magpalala ng takot, pagkalito at emotional distress
02:32kaya mahalaga ang gabay at pagmamatsyag ng mga magulang
02:35sa online content na makikita ng kanilang mga anak.
02:38So parents can help really by asking the child what they have already seen,
02:44they have already heard, or read, providing brief, factual, and age-appropriate explanation.
02:52Tapos not only limiting their repeated exposure,
02:56especially if the exposure is graphic and disturbing in nature,
03:00kung pwedeng i-avoid, avoid na natin sila.
03:04Huwag na natin i-limit lang.
03:06Para sa mga nangangailangan ng agarang mental health support,
03:09bukas 24-7 ang NCMH crisis hotline sa numerong 1553.
03:14Carlo Candelaria para sa Bayan.
Comments