00:01Kung hindi masosolusyonan ng taon-taon na lang na pagbaha sa Pilipinas,
00:05iindahin daw ng ating ekonomiya ang danyo sa posibleng umabot sa $124 billion
00:09o mahigit 7.6 trillion pesos mula 2022 hanggang 2050.
00:14On average, nasa 20 bagyon tumatama sa Pilipinas kada taon ayon sa pag-asa.
00:19At kabilang tayo sa mga basang pinaka-apektado ng water-related disasters,
00:24gaya ng malawakang pagbaha.
00:25Ayon sa mga eksperto, hindi lamang climate change at lokasyon ng ating bansa ang problema,
00:31kundi ang deka-dekadang mahinang urban planning, matinding pagkukulang sa waste management,
00:36pati mga flood control project na kundi outdated o luma,
00:39ay substandard naman dahil sa korupsyon.
00:42Hindi na raw sapat ang concrete dams, flood walls at mga dike.
00:46Ngayong tila palakas ng palakas ang mga bagyong tumatama sa bansa
00:49at patindi ng patindi ang pagbahang nararanasan natin.
00:52Anong flood control projects ang pangmatagalang solusyon sa baha?
00:56Halimbawang mayroong isang malawak na lote.
00:58Kung wala pang istruktura ang nakatayo rito,
01:01bumabagsak ang ulan sa lupa at kaya nitong sipsipin ng tubig.
01:04Pero kung ang lugar ay tinayuan na ng mga kalsada,
01:07mga bahay at iba pang gusali,
01:09at kung ang lupa ay sementado na,
01:11wala nang sisipsip sa tubig ulan.
01:13Ang tawag sa tubig na naiipon ay run-off water.
01:17Malaking tulong sana ang mga drainage para umagos ang tubig palabas sa dagat.
01:21Kung sapat ang sukat na mga ito,
01:23maayos na na may maintain at hindi barado na sa katerbang basura.
01:27Paano na lang kung ang problema sa lote na ito
01:29ay problema ng isang buong rehiyon gaya ng Metro Manila,
01:33na may mga ilog,
01:34at nasa gitna ng Manila Bay at Laguna Debay,
01:37na heavily silted at posibleng umapaw tuwing malakas ang ulan.
01:41Ayon sa Philippine Disaster Resilience Foundation,
01:43posibleng maging solusyon ng green infrastructure,
01:46gaya ng sunken lawns at underground tanks.
01:50Ang sunken lawn o retention pond
01:51ay isang landscape design na mas mababa sa ground level.
01:55Nagsisilbi itong natural sponge kung saan naiipon ang run-off water
01:59para mapigilan ng pagbaha.
02:01Ang underground tank o detention pond naman
02:03ay nagsisilbing malaking water storage
02:06kung saan naiipon ang run-off water kapag malakas ang ulan.
02:09Ang tubig ay unti-unting na ire-release
02:11para maiwasan ang pag-apaw nito.
02:13Gaya na lang sa Bonifacio Global City,
02:15na may 22,000 cubic meter detention tank
02:18sa ilalim ng Burgos Circle,
02:20kaya naiiwasan ang pagbaharoon.
02:22Ang lalim nito ay katumbas ng gusaling may apat na palapag.
02:25Kaya nito mag-imbak ng tubig
02:27na katumbas ng laman ng eight Olympic-sized swimming pools.
02:30Nitong April 2026,
02:33inanunsyo naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte
02:35ang ginagawang three-in-one facility sa Quezon Memorial Circuit.
02:39Magsisilbi itong park,
02:41retention pond,
02:41at detention pond.
02:43Kaya raw nito mag-imbak ng hanggang 651 cubic meters ng tubig.
02:47Naglagay rin sila ng filtration system
02:49na may 282 cubic meters capacity.
02:52Ang tubig ay gagamitin para sa landscape
02:54at irigasyon ng lungsot.
02:57Iminumungkahi rin ng mga eksperto
02:59ang pag-upgrade at regular na deklaging
03:01ng mga drainage systems,
03:02ang reforestation ng Marikina Watershed
03:04at ang paglalagay ng spillway
03:06kung saan dadaloy ang ekses na tubig
03:08mula Marikina River
03:09at Laguna-Dibay palabas ng Pacific Ocean.
03:12Pangmatagalang solusyon
03:13ang panawagan ngayon ng iba't ibang grupo
03:15para makaahon ng ating bansa
03:17sa problemang taon-taon na lang tayong nilulubo.
03:20Ako si James Agustin
03:22para sa GMA News.
03:38Ako si James Agustin
Comments