00:00Hihingan po ng paliwanag ng Land Transportation Office ang isang rider na nahulikap,
00:05nananakit ng isa pang rider sa Maynila.
00:08Ang rider at ang kanyang angkas pinagtulungang hampasin at suntukin sa ulo ang kapwa nila motorista.
00:14Saksik si Jomer Apresto.
00:20Habang nakahinto sa isang intersection sa Maynila,
00:29hinampas ng helmet at sinuntok sa ulo ang isang rider ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo.
00:35Kaya kahit nakapula ang traffic light, umandar ang sinaktang rider para makaiwas.
00:40Nakuha na niya ng CCTV sa Florentino Street, corner Maceda Street sa Sampaloc, Maynila,
00:44madaling araw nitong June 1.
00:46Ang angkas, hinampas sa ulo ang biktima gamit ang hawak niyang helmet.
00:50Ang rider naman ang sumapok sa ulo ng biktima na humarurot palayo.
00:54Ang magkaangkas, umikot at lumiko sa isang kanto.
00:58Bago yan, nakuhanan sa CCTV ng barangay 517 ang pag-counterflow ng dalawang lalaking walang helmet sa one-way na
01:05Florentino Street.
01:06Nakasalubong nila ang biktima na nasa tamang daan.
01:08Pero umikot sila pabalik, sinundan ang biktima at doon sinaktan.
01:12Ayon sa kapitan ng barangay 517, hindi na nila mahagilap ang rider na residente nila.
01:17Gayunman, naikipag-ugnayan daw sila sa mga kaanak at kaibigan ng rider.
01:22Sabi, isusurrender daw nila dito sa station, tapos nandalhin nila doon kay Yorme.
01:28Hindi naman siya talaga permanente dito nakatirayan.
01:31Iba-iba ang lugar, pero nandito ang relatives niya.
01:35Nakarating na sa Land Transportation Office ang insidente na itinuturing anilang road rage.
01:39Ipinahahanap na raw ang pagkakakilanlan ng nanakit na motorista.
01:43Pinag-utos sa Intelligence Division para matrace yung motorsiklo para ma-issuehan ng office order.
01:50After ng hearing, dalawa lang pupuntahan niyan.
01:53It's either mahabaan yung suspension o totally ma-revoke na yung license niya.
01:59Sinusubukan naming makuha ang pahayag ng mga inire-reklamo.
02:02Patuloy ang investigasyon.
02:04Ako si Jomer Aparesto ang inyo.
02:06Saksi!
Comments