Bumuhos ang emosyon at galit ni Merlyn Doydora, ina ni Jerlynrose Doydora—isa sa mga nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng militar at mga rebeldeng N P A sa Occidental Mindoro noong
Enero 1.
Kinumpirma ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ang nasawing estudyante ay miyembro umano ng reb*ldeng grupo.
Ibinahagi ng naulilang ina ang kanyang hinanakit matapos magsakripisyo bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW) upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak, ngunit sa halip ay nasawi ito sa isang bakbakan—isang pangyayaring aniya’y hindi matanggap ng kanilang pamilya.
Nagpaabot din ng panawagan si Doydora sa Kabataan Party-list na itigil ang paggamit sa pangalan at isyu ng kanyang anak, at binanggit din niya si Kabataan Party-list Rep. Renee Co na aniya’y dapat managot sa sinapit ng kanyang anak.
Comments