00:00Ilang minuto bago sumiklab ang gulo sa Senado kagabi na itransmit na ng Kamara ang Articles of Impeachment labang kay
00:07Vice President Sara Duterte.
00:09Sinagot din ng ilang impeachment prosecutors ang puna ng isang senador na matagal daw ang pag-transmit ng Articles of
00:16Impeachment.
00:17Balitang hatid ni Tina Panganiwan Perez.
00:22Pasado alas 7 ng gabi nang kumpirmahin ni Senate Sergeant-at-Arms Retired Police Major General Mau Aplaska na dumating
00:31na sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:49Walang mangyayaring gulo dito. Kaya we are maintaining Christian order.
00:52Noong 19th Congress, sa parehong araw ng botohan sa plenaryo na endorso at naipadala ng Kamara sa Senado ang resolusyon
01:01nagtatakda ng Articles of Impeachment laban sa Vice Presidente.
01:06Ngayong 20th Congress, noong lunes pa ang naging botohan, pero kagabi lang na ibigay ng Kamara sa Senado ang Articles
01:14of Impeachment.
01:15Sa isang pahayag, sinabi ni House Secretary General Celoy Garafil na umabot sa libo-libong pahina ang kopya ng Articles
01:23of Impeachment na kinailangang pagsamasamahin at i-check para matiyak na tugma ito sa inaprubahan ng Kamara.
01:31Pinuna ni Sen. Aimee Marcos ang matagal na pag-transmit nito.
01:35Hindi raw katanggap-tanggap at mahirap seryosohin ang anyay excuse ng Kamara na nagreproduce pa sila ng mga dokumento.
01:43Tinawag din niyang political maneuver para raw makontrol ang timing ng Senate proceedings ang naging pagkaantala sa Articles of Impeachment.
01:52Depensa ng ilang impeachment prosecutor.
01:55Sir, wala namang rules stating that it shouldn't take this long to send it to the Senate?
02:02Wala naman, but I'm sure as soon as possible gagawin niyo ng Secretary General ng Kongresa.
02:07Noong nagdaang taon, we undertook the fast track route. Sa taon pong ito, we had undertaken the House Committee on
02:14Justice route kung saan we had held the full proceedings,
02:18clarificatory hearings. So talaga pong expectedly, mas marami po yung mga pahina, mas marami po yung dokumento, mas marami po
02:26yung ebidensyang pinag-uusapan.
02:27Tuloy-tuloy ang informal meetings ng mga nahalal na impeachment prosecutor. Binubuo na rin ang listahan ng mga volunteer private
02:35prosecutor na tutulong sa mga kongresista.
02:39Pero tanong ng ilan, makakaapekto ba sa impeachment trial ang pagbabago ng liderato sa Senado?
02:45Ang pinaka-challenging para sa aming mga prosecutor ay ang mga senador na bumoto para i-archive ang naunang impeachment
02:54complaint noong nakaraang taon
02:55ay nakaupo sa lideratong mga posisyon ng ating Senado at napakahirap magkaroon ng isang impartial impeachment trial
03:06if those who decided to archive it and not follow the rule of law will be the one sitting as
03:13senator judges.
03:15Pero sa palagay ng Act Teachers Partilists, posibleng makaapekto sa kredibilidad ng Senate impeachment court
03:22ang paglahok ni Sen. Bato de la Rosa bilang senator judge.
03:26We're calling for his arrest. So hindi hindi siinibisyon.
03:32We're calling on him to surrender para huwag nang madamay pa ang Senado at kahit yung impeachment court
03:42at yung credibility nito sa mata ng publiko at sa mata ng buong daigdig.
03:47Hinihingan pa namin ang reaksyon ng bagong mayorya sa Senado, pati si Sen. de la Rosa ukol dito.
03:54Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
04:01Ha ha ha.
Comments