00:00Ilang pamilihan sabay-sabay na ininspeksyon ng Department of Agriculture kaugnay
00:05sa pagpapatupad ng price cap sa imported rice.
00:08Ilang retailers pinagpapaliwanag.
00:11Si J.M. Thompson sa Sentro ng Balita.
00:16Nagsagawa ang Department of Agriculture ng inspeksyon sa mga tindahan ng bigas sa Dagonay Public Market
00:22bilang bahagi ng simultaneous monitoring ng kagawaran sa mga palengke sa buong bansa.
00:27Ito ay para masiguro na sumusunod ang mga tindahan sa tamang presyo ng kanilang mga produkto, lalo na ang bigas.
00:35Bagamat karamihan sa mga tindahan ay sarado, tuloy lang ang trabaho ng kagawaran.
00:41Narito tayo para sa inspeksyon natin na implementation ng price cap sa bigas.
00:46So hindi naman nagkagulatan, parte lang talaga ito ng inspeksyon natin.
00:52So kasama na rin sa inspeksyon natin yung mga ibang produkto.
00:55Samantala, ayon kay Aling Nancy, may-ari ng bigasan at magsasaka rin sa kanilang probinsya.
01:00Dapat mag-import lamang ng bigas kung kukulangin ang supply ang mga local farmers.
01:06Balanse rin dapat anyang paglalagay ng price cap sa presyo ng bigas para maging maayos rin ang kita ng gaya
01:12niyang local farmer.
01:13Kasi para po ang nangyayari based sa experience namin sa Mindoro kagaya po ng sibuyas namin dati.
01:21Hindi humabili dahil nga ang mura-mura po, dahil nga mura importation.
01:26And then nung nabulok na lahat sa amin, biglang tumaas naman dito parang way back yung papasko.
01:32So parang ang hirap po talaga para sa isang magsasaka.
01:35Bukas naman ang Department of Agriculture sa mga suwestyon at patuloy nilang pag-aaralan ng mga programang makatutulong,
01:42hindi lang sa mga consumer, maging sa mga seller.
01:45Sa pagpapatuloy ng price cap na 50 pesos sa mga imported rice,
01:4970 to 75 percent anila ang compliance batay sa kanilang huling monitoring.
01:54Ito ay para masiguro na walang nandadaya sa presyohan na siyang naka-apekto sa mga pang-araw-araw na gastusin
02:01ng mamimili.
02:03Magtatagal ang price cap hanggang sa June 12, araw ng kalayaan.
02:07Maayos po ang presyo dito. Nasa tamang presyo ang mga presyo dito sa Dagono y public market.
02:14So wala po tayo nakita problema dito. Ganoon din po yung baboy at manok.
02:18Samantala, huli sa akto ang ilang tindahan sa trabahong market at commonwealth market
02:23sa pagpapalit ng nakalagay na presyo ng kanilang tindang bigas,
02:27taliwas sa itinakdang 50 pesos price ceiling sa imported rice.
02:32Hindi ito pinalagpas ng Department of Agriculture at agad na nag-issue ng Notice of Violation.
02:39Bagamat babago-bago ang panahon sa bansa,
02:42tinitiyak naman ang DA na hindi magbabago ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
02:49J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments