00:08May 11, 2026, 256 na kongresista ang buboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:18Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan, nagkaroon tayo ng isang opisyal na dalawang beses na impeach.
00:26Narito po ang mga pangyayaring naging dahilan ng kanyang impeachment.
00:37Halos dalawang buwan matapos manumpa si Sara Duterte bilang Vice President,
00:42sumulat siya sa Department of Budget and Management para humingi ng P403.46 million na karagdagang pondo para sa kanyang
00:51opisina.
00:52P250 million sa halagang yan ay confidential funds.
00:57Pero P125 million confidential funds ang inerekomendan ng DBM na maaprubahan at ma-release sa OVP.
01:06June 29, 2023,
01:08Inilabas ng Commission on Audit ang kanilang annual audit report sa Office of the Vice President para sa taong 2022.
01:16Sa notes ng financial statements na bahagi ng report,
01:20nakalagay na may P125 million confidential funds na ginasta ang OVP noong 2022.
01:27Na-question nito ng Kamara dahil hindi ito kasama sa mga naaprubahang pondo ng OVP sa General Appropriations Act of
01:362022.
01:36September 25, 2023,
01:40Sinabi ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina 2nd District Representative Stella Kimbo
01:47na ang P125 million na confidential funds ng OVP noong 2022 ay naggasto sa loob lang ng labing isang araw.
01:57Batay raw ito sa records ng COA.
01:59October 10, 2023,
02:02Inanunsyo ng mga kongresista na tinanggal nila ang confidential funds sa 2024 budget ng limang ahensya ng gobyerno.
02:11Kabilang dyan ang OVP, pati ang Department of Education na pinamumunuan pa noon ni VP Duterte.
02:17P500 million ang hinihingin ang confidential funds ng OVP,
02:22habang P150 million naman ang sa DepEd.
02:25Pero, inirealign o inilaan ito ng mga kongresista sa mga ahensyang nagbabantay sa West Philippine Sea.
02:34June 19, 2024,
02:36inanunsyo ni VP Duterte ang kanyang pagbibiting mula sa gabinete
02:40bilang kalihin ng Department of Education at Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
02:48Sabi noon ng Malakanyang,
02:50hindi sinabi ni Duterte ang dahilan ng kanyang resignation.
02:54July 19, 2024,
02:57naging epektibo ang pagbibitiyo ni VP Sara sa gabinete
03:00at nagsimula ang transition ng kanyang kampo bilang oposisyon.
03:05Madam Chair,
03:06my answer for every question will be,
03:09I will forego the opportunity to defend the budget of the Office of the Vice President
03:15through a question and answer.
03:16And I will leave it to the House to decide on the budget submitted.
03:23So,
03:24magsasayang tayo ng oras nito paulit-ulit yung sagot.
03:27August 27, 2024,
03:30humarap si VP Duterte sa budget deliberation ng House of Representatives,
03:34pero hindi niya sinagot ang tanong ng mga mambabatas
03:37kung saan niya ginastos ang pondo ng OVP,
03:41kabilang na ang confidential funds ng mga hawak niyang opisina noong 2022 at 2023.
03:47This is a hearing of the budget of 2025.
03:54Nasaan dito ang confidential funds?
03:56Yung tanong niya,
03:57confidential funds,
03:59Nasaan dito?
04:00Hindi na ipaliwanag itong 125 million
04:03na alam naman natin na wala ito sa budget ng 2022.
04:08Kahit na yung past years,
04:11ay pwede natin busisiin dito.
04:13Ang topic natin dito at ang pinasubmit ninyo sa amin
04:17is the budget proposal of 2025.
04:22September 18, 2024,
04:24nag-convene ang House Committee on Good Government and Public Accountability
04:28para talakay ng privilege speech ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano
04:34tukos sa umunay maling paggamit ng pondo ng OVP.
04:38Marami ang nagulat sa pagdating ng vice-presidente,
04:41lalo't hindi siya dumalo sa budget hearing noong September 10.
04:45Bagamat nagpakita sa kamara si VP Duterte,
04:49tumangi siyang sumailalim sa oath.
04:51Lahat po in-o-oat po?
04:53Yes, nakalagay po sa rules ninyo, witnesses.
04:57Nakalagay po dito ngayon sa table, resource persons.
05:00Lahat po considered as resource person and witness.
05:04Ang nasa rules ninyo, witnesses lang po ang nag-o-oat.
05:09Wala po kayong rules sa resource persons?
05:12Kinwestiyon niya kung lehitimo ang investigasyon ng mga mambabatas
05:16at muli rin niyang inakusahan ang mga kongresista ng pagpaplano ng impeachment.
05:22This exercise is a well-funded and coordinated political attack.
05:27Bukod sa 125 million pesos na confidential funds ng OVP noong 2022,
05:34na-flag din ang COA ang 375 million pesos na confidential funds ng ahensya noong 2023
05:41dahil hindi raw ito justified, kulang ng supporting documents at na-disbursed na mga hindi-otorizadong personnel.
05:49September 25, 2024,
05:53ibinunyag ni Gloria Mercado,
05:55dating DepEd Undersecretary for Human Resources and Organizational Development,
05:59at head ng Procuring Entity.
06:02Na mula February hanggang September 2023,
06:05nakatanggap siya noon ng siyam na sobrang naglalaman ng 50,000 pesos mula umano kay VP Duterte.
06:13It's kind of harsh word to use, bribe, because if...
06:21Or should I say, it is a means to influence your decision being the hope?
06:29Um, it could be.
06:32Itinanggi ito noon ni VP Duterte at sinabing sinisiraan siya ni Mercado
06:37dahil nabuko umano itong nagsulisit ng 16 million pesos sa isang kumpanya
06:42gamit ang pangalan ng vicepresidente kahit hindi ito otorizado ng DepEd.
06:47Pinabulaan na naman ito ni Mercado.
06:50Bukod kay Mercado, sinasabing nakatanggap din ang mga sobrang may lamang pera
06:55si Resti Osiyas na nanunungkula noon bilang DepEd Director 4
06:59at si DepEd Chief Accountant Ruda Catalan.
07:04November 23, 2024, sa isang Zoom briefing,
07:09nagbitiw ng pagbabanta si VP Duterte.
07:11Huwag kang mag-alala ma'am sa security ko
07:15kasi may kinangusap na ako na tao.
07:19Sinabi ko sa kanya, kapag pinatay ako,
07:22patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Tomales.
07:27Nagbilin na ako ma'am.
07:29Pag namatay ako, sabi ko, huwag ka tumigila.
07:33Hanggang hindi mo magbatay sila.
07:36And then he said yes.
07:38Ginawa ang virtual press conference na ito matapos si pag-utos ng House Committee on Good Government
07:44and Public Accountability na i-transfer sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City
07:51ang Chief of Staff ni Duterte na si Attorney Zolaica Lopez
07:55na na-cite in contempt dahil sa Andrew Interference.
07:58Si Atty. Lopez kasi ang nakapirma sa sulat ng OVP sa COA
08:03kung saan hiniling nilang huwag tumalima ang COA sa sabina ng Kamara
08:07para sa pagsusumite ng audit reports
08:10kaugnay sa paggasto sa confidential funds ng OVP at DepEd.
08:14February 5, 2025, unang na-impeach si Vice President Sara Duterte
08:20matapos pumirma ang 215 na kongresista sa impeachment complaint na may 7 articles of impeachment.
08:28Pero hindi po natuloy ang pagliliti sa Senado
08:31matapos ibalik ng Senado sa Kamara ang articles of impeachment.
08:36July 25, 2025, idideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment.
08:44April 22, 2026, sa pagdinig ng Kamara habang isinusulong ang ikalawang impeachment laban kay Duterte
08:52naungkat sa pagdinig ng House Justice Committee
08:55ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-IN ni VP Duterte.
09:00Batay sa kanyang SAL-IN mula 2007 hanggang 2024
09:04ang total net worth ni Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Manz Carpio
09:11ay lumobo mula 2007 hanggang 2024
09:14pero mula 2019 hanggang 2024
09:17wala silang idideklarang cash on hand o deposito.
09:21Paliwanag naman ang kampo ng Vice Presidente
09:24walang nakadeklarang cash on hand si Duterte sa SAL-IN
09:28dahil nakalagay ito sa others line item.
09:31Ipinakita rin ang Anti-Money Laundering Council
09:34ang bank transactions ni Duterte at Carpio
09:37na may kabuang halagang 6.7 billion pesos.
09:42Classified daw ito na covered at suspicious.
09:46Giit naman ang kampo ni Duterte.
09:48Ang 6.7 billion pesos ay kabuang halaga ng bank transactions
09:53at hindi ng aktual na pera nila sa bangko.
09:56Ang mga pagyayaring ito ang naging grounds
10:00o bataya ng una at ikalawang impeachment
10:02ni Vice Presidente Sara Duterte
10:04na una nang sinabi ng kanyang kampo
10:07na kaya nila sagutin ang lahat ng akusasyon
10:10sa harap ng impeachment court.
10:12Ako si Sandra Aguinaldo para sa GMA News.
Comments