00:00Agaw pansin ang malaburak na tubig na dumaloy sa White Sand Beach diretsyo sa dagat sa El Nido, Palawan.
00:07Ang sinasabing dahilan niyan at pinanggagalingan, alamin, sa pagtutok ni Katrina Song.
00:16May 20, nang makunan ang video ng isang hotel resort guest sa El Nido, Palawan,
00:22ang pagdaloy ng maitim na tubig diretsyo sa dagat.
00:25Ang malinaw na tubig sa dagat, kitang-kitang nahaluan ng malaburak na tubig.
00:32Ayon sa uploader ng video, nang medyo tumila na raw ang malakas na ulan noong araw na iyon,
00:38doon na nila nakita ang rumaragasang maitim na tubig mula sa ilalim ng kanilang tinutuloyang hotel na patungo sa dagat.
00:46Sinusubukan naman ang GMA News na kunin ang pahayag ng naturang hotel
00:50kung saan nakitang dumadaloy sa culvert sa ilalim nito ang maitim na tubig.
00:56Ngunit wala pa raw silang pahayag sa ngayon.
00:59Hihintayin daw muna nilang makabalik mula sa ibang bansa ang kanilang general manager.
01:05Sabi naman ang barangay, matagal na raw itong problema sa lugar, lalo na kapag tag-ulan.
01:11Hindi raw galing sa hotel ang tubig.
01:13Yan po ay isang waterway po yan, nagaling po dito sa taas, sa bundok.
01:19Lumalabas lang po yan, siyempre pag-ulan, kaya yung nay po nagdumi, lumalabas po kung pang dagat.
01:25Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang Department of Environment and Natural Resources,
01:30Department of Tourism at El Nido LGU.
01:34Katrina Son, Nakatutok, 24 Horas.
01:43Katrina Son, Nakatutok, 24 Horas.
Comments