00:27PTV Balita
00:30Dito ay tumanggap ang bawat pamilya na P30,000.
00:34Tiniyak naman ang ahensya na nananatili silang matatag sa paghahatid ng agarang tulong at programang pabahay para sa mga komunidad
00:42na naapekto ka ng kalamidad at sakuna.
00:48Nagsampanan ng reklamong kriminal ang Bureau of Customs laban sa isang cargo firm dahil sa umano'y pagkaabandon na ng
00:55libu-libong balikbayan boxes.
00:56Ayon sa BOC, inihain ng Department of Justice ang reklamo laban sa Makati Express Cargo Incorporated o MECI at ilang
01:06opisyal nito.
01:07Kaugnay ito ng 117 40-footer containers na naglalaman ng mahigit 36,000 unclaimed balikbayan boxes na naiwan mula 2024
01:18hanggang 2025.
01:20Dumaan umano ang mga shipments sa Manila International Container Port, Port of Cebu at Port of Davao.
01:27Nauna nang binawi ng BOC ang registration ng kumpanya noong Enero, matapos umano itong mabigong magproseso at i-release ang
01:35shipments sa kabila ng show cost order.
01:37Tiniyak naman ang BOC na patuloy ang koordinasyon sa iba't-ibang ahensya para maibalik ang mga naabandonadong balikbayan boxes sa
01:46karapat-dapat na recipient.
01:50Samantala, alamin na natin ano pang balita mula kay Tricia Aragon ng PTV Kotabato.
01:57Assalamualaikum, Fiobagi Muyag. Magandang araw. Narito na ang PTV Balitang Kotabato.
02:05Nagsagawa ng dialogo ang pamalaang panlalawigan ng Maguindano del Norte kaugnay sa land resettlement at relokasyon ng Barangay Dumalangkob, Sultan
02:15Kudarat.
02:15Pinangunahan ni Gov. Dato Tukao o Mastura ang pagpupulong kasama ang mga apektadong residente at mga lokal na opisyal upang
02:24talakayin ang mga hakbang para sa maayos sa paglipat ng mga pamilya.
02:28Ayon sa pahamalaang panlalawigan, nagbigay ng karagdagang palugit ang pribadong may-ari ng lupa bago tuluyang ipatupad ang pagkuha sa
02:37nasabing property.
02:38Tiniyak naman ni Gov. Mastura na hindi pababayaan ang mga residente at kasalukuyang inihahanda ang mga relocation options at assistance
02:47packages para sa mga apektadong pamilya.
02:51Samantala sa iba pang balita, formal ng pinasinayaan ng European Union at ng Bangsamoro Transition Authority ang na-refurbish na
02:59BTA Parliament Building sa loob ng Bangsamoro Government Center.
03:03Pinangunahan ni na BTA Speaker Mohamed Yacoub at EU Ambassador Masimus Santoro ang inauguration ceremony noong May 25, 2026.
03:13Ang proyekto ay bahagi ng support to Bangsamoro Transition o SUBATRA program ng European Union na may halagang 7.4
03:22million pesos.
03:23Kabilang sa mga pagpapaganda sa gusali, ang renovated main lobby at entrance, bagong prayer room at visitor lounge, rehabilitated pond
03:33na may waterfall at footbridge,
03:35bagong security room at mas pinagbuting accessibility features gaya ng ramps, railings at non-sleep surfaces.
03:42Ayon ka Embasador Santoro, nananatiling matatag na katuwang ng BTA ang European Union sa pagpapalakas ng pamamahala, reforma at lehislasyon
03:53sa Bangsamoro.
03:54Pinikandiin naman ni Speaker Yacoub na higit pa sa pisikal na pagpapaganda ng gusali, sumisimbolo ito ng matibay na partnership
04:03at pagkakaisa para sa mas responsibo at makataong pamamahala sa Bangsamoro.
04:09Dumala rin sa nasabing inauguration ang mga miyembro ng parlamento, mga opisyal ng farm at mga development partners.
04:17At yan ang balita ngayon dito sa Cotabato. Ako si Trisha Aragon, syukran at magandang araw.
04:26Maraming salamat, Trisha Aragon.
04:30At yan ang mga balita sa oras na ito. Para sa iba pang updates, i-follow at like kami sa
04:35aming social media sites at sa PTVPH.
04:38Ako si Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments