Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 28, 2026


- Ombudsman: Bukod kina Estrada, Villanueva, Escudero, at Marcoleta, 3-4 senador pa ang posibleng makasuhan | Sen. Marcos: May nag-te-text sa amin, sinasabing kaming 13, kine-case buildup na raw | Ombudsman, may kakasuhan ding mga congressman


- Subdivision sa Brgy. Balibago, sinalakay ng PNP-CIDG at NBI sa paghahanap kay Sen. Dela Rosa | Sen. Dela Rosa, sinubukan ding hanapin sa Parañaque at Bulacan | Mga ari-arian ni Sen. Dela Rosa sa Davao City, bantay-sarado ng pulisya | Sen. Padilla, nakatakdang sampahan ng reklamong obstruction of justice | Firearms license ni Sen. Dela Rosa, pinababawi ng PNP Firearms and Explosives Office


- P210B na investment commitments, nakuha ni PBBM sa pakikipagpulong sa business leaders ng Japan | PBBM, nangakong ipagpapatuloy ang partnership ng Pilipinas at Japan para sa pagsulong sa kapayapaan | Nasa 350,000 na Pilipino sa Japan, binigyang-pugay ni PBBM | Japan Prime Minister Takaichi Sanae, Japan International Cooperation Agency, mga pribadong kompanya at iba pa, makakapulong ni PBBM ngayong araw


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:32Is it because Madam Chair, they are in a hurry because of news reports that probably two of our colleagues
00:40might land in jail this weekend?
00:42Yan ang tanong ni Sen. Erwin Tulfo ng minoria sa Senado kung bakit tila minamadali na mapagbotohan ang mosyon ni
00:50Sen. Rodante Marcoleta na baguhin ang Senate rules para payagan ng mga senador na makaboto online kung wala sa Senado.
00:57Walang pinangalanan si Tulfo kung sino ang dalawang senador na umunoy maa-aresto.
01:03Naon na lang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla, nakakasuhan ng plunder sa Sen. Jingo Estrada kaugnay sa pagtanggap umunoy
01:10niya ng kickback sa mga flood control project.
01:13Sunod na raw sa kanya, si Sen. Joel Villanueva.
01:16I think there are at least three more Senators.
01:19So, Cheese, Villanueva, Estrada, may tatlo pa po.
01:24Marcoleta.
01:25Marcoleta.
01:26Tapos mayroon pang tatlo pa.
01:27May tatlo pa.
01:28Tatlo, apat pa.
01:29So, nakakukulong o hindi makukulong, hindi ko muna sasagutin.
01:33Magdarating tayo dyan.
01:35Si Marcoleta na nagsulong ng pagbabago sa Senate rules, pinakakasuhan ng plunder, indirect bribery at paglabag sa batas laban sa
01:43pagtanggap ng regalo,
01:44dahil sa pagtanggap niya ng 75 million pesos na donasyon mula sa tatlong individual, bagay na hindi idineklara sa kanyang
01:51sal-in.
01:52Si Escudero, na pinakakasuhan rin daw sa pagtanggap umano ng 586 million pesos na kickback mula sa flood control projects,
02:01nagsumitinan ng kontra sa Laysay sa ombudsman.
02:04Si Escudero, Estrada, Marcoleta at Villanueva, kapwa mga majority Senators.
02:09Kaya sabi ng kasamahan nila na si Sen. Amy Marcos,
02:12Solid kami. Yun nga lang, yung kinakasuhan, yung hinahabol, kung ano-ano talaga ang nangyayari yan,
02:21ang problema. Palibasa nga, buo kami, siguro may nagmanais na buwagin.
02:28Maraming nagtetect sa amin, taga DOJ, taga OMB, na sinasabi na kaming lahat, yung labing tatlo,
02:36nagkakasong build-up na raw.
02:39Hindi, hindi, hindi. Ano yan? Ang trabaho ng ombudsman, lahat eh.
02:44Ayon kay Rimulya, may kakasuhan din silang mga congressman.
02:48Naano na nang sinabi ni Rimulya na naghahanda na rin sila nasampahan,
02:51nang reklamang plunder si dating House Speaker Martin Romualdes.
02:55Ito ang unang balita, Joseph Morong, GMA News.
03:00Bigong mahanap ng mga otoridad si Sen. Ronald Bato de la Rosa
03:04na wanted ng International Criminal Court
03:06sa mga lugar na kanilang pinuntahan sa Paranaque, Bulacan at sa Angeles, Pampanga.
03:11Bantay sarado rin ang mga ari-arian ni de la Rosa sa Davao City.
03:15In-refer naman ang PNPC-IDG sa Justice Department ang reklamong obstruction of justice
03:21laban kay Sen. Robin Padilla na kasamang umalis ni de la Rosa sa Senado noong May 14.
03:27May unang balita si JP Soriano.
03:33Sunod-sunod na dumating ang mga sasakyan ng PNPC-IDG at NBI
03:38sa isang subdivision sa barangay Balibago, Angeles, Pampanga.
03:41Bumaba ang mga tauhan ng CIDG at nilapitan nito ang isang bahay.
03:45At pagating nga po ng NBI at CIDG, agad sila nagpunta sa property na ito,
03:50nakipag-coordinate sa purok leader at ang hinahanap daw nila isang Virgilio Cariño
03:54na ayon po sa homeowner sa aya kamag-anak di umano na Sen. Robin Padilla.
03:59Ang hinahanap daw po nila sa pagpunta nila dito, si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
04:04Ayon sa aking source, nakatanggap ng impormasyon ng mga otoridad na narito si de la Rosa May 26.
04:11Pinatawag po nila ako para mag-assist po sa kanila, para mag-ikot po, mag-search po sa loob.
04:17Kasi meron na pong warrant of arrest daw si Sen. Tor Bato.
04:21Yun po ang pagkasabi nila.
04:22Bit-bit ng NBI at CIDG ang arrest warrant para kay de la Rosa, wala sa International Criminal Court o
04:28ICC.
04:29Sinamahan sila ng purok leader na may akses sa bahay, kabilang sa mga sinilip ang kusina.
04:35Wala namang kataong-tao dito po talaga si Reyes.
04:37Pati ang sinilid na may kama, pero bigong matagpuan si de la Rosa.
04:42Nag-search lang po, sir. Nag-search lang po kung nandito po si Sen. Tor Bato.
04:47Isabi ko po walang bato talaga po dito na nakatira kasi hindi naman po siya taga rito.
04:53Wala namang po kaming nabalitaan na may bahay dito.
04:57Hinahanap din si de la Rosa sa katabing bahay na pagmamayari rin umano ni Carino at may ibang umuupa.
05:04Tapos di pagbukas ko, sabi ko, anong meron?
05:07Tapos yun nga, hinahanap nila si Sen. Tor Bato.
05:11Sabi ko ba, mali ko rin.
05:13Hinahanap din umano si Carino at ang isang itim na pick-up na namataan umano sa Senado noong araw na
05:19umali si de la Rosa.
05:20Tinanong ko po bakit po hinahanap nila yung pick-up na nakapangalan sa Virgilio Carino.
05:26Sabi nila kasi hinahanap po nila si Sen. Tor Bato.
05:30Ayon sa Homeowners Association ng subdivision, well coordinated sa kanila ang operasyon ng CIDG at NBI.
05:37Sabi niya, meron po kaming pinapaulap dito. May subject of the waran.
05:42So isi-serve namin. Mga taga CIDG kami at taga NBI.
05:46Mahigit isang oras na nasa subdivision ng NBI at CIDG base sa timestamp ng CCTV.
05:53Bukod dito kasabay rin hinanap si de la Rosa sa Paranaque at Bulacan ayon sa hepe ng CIDG.
05:59Katuwang nila ang NBI.
06:01Meron po talagang mga identified areas na according to mga reports sa amin,
06:07nawa nandun doon si Sen. Tor Bato.
06:09Wala pa naman po talagang nag-positive doon sa mga lugar na pinagpilipahan.
06:13Natukoy rin daw nila ang mga posibleng koneksyon ni de la Rosa tulad halimbawa ng ginalugad na bahay sa Pampanga.
06:20Parang kamag-anak po yata ni Sen. Robin Padilla yung pinuntahan niyo po yung isa sa mga bahay.
06:26Tama po yun dahil doon po sa identification ng mga sasakyan na lumabas po na yung sasakyan ay present po
06:33during doon po sa time na nawala po si Sen. Bato de la Rosa.
06:37Sinusubukan pa rin ang GMA News na makuha ang panig ni Sen. Padilla at Carino.
06:42Pantay sarado rin ang Davao City Police sa mga ari-arian ni de la Rosa sa Lonson.
06:47Nag-instakta sa atuang 90 police station, station commanders, and also sa mga heads of officers sa atuang support units.
06:53Nang atuang pag-monitor sa maong presensya sa atuang Sen. Bato, ma'am.
06:59Ang amulang unit is monitoring sa iyahang tanang na properties diri sa atuang area responsibility.
07:04Sa isa namang online post, humingi ng pasensya ang asawa ni de la Rosa sa mga kaibigan, kamag-anak o
07:11kakilala
07:11na baka niya sunod na pasukin at sabihan na hindi na kailangan ng isang search warrant.
07:17Huling namataan si de la Rosa noong madaling araw ng May 14 kasama niya si Sen. Padilla.
07:23Nakuhana ng CCTV ang sabay na pagsakay nila sa isang sasakyan paalis ng Senado.
07:28At dahil sa umano'y pagtulong ni Padilla sa pagtaka si de la Rosa,
07:33ire-refer ng PNPCIDG sa DOJ ang reklamong obstruction of justice laban kay Padilla.
07:39Una nang sinabi ni Padilla na nakiangkas lang sa kanya si de la Rosa.
07:44Pero lumalaba sa investigasyon ng CIDG na hindi lang basta nakiangkas kundi planado ang nangyari.
07:51Binuntutan umano sila ng isang sasakyang nagsilbing security escort at back-up car.
07:56Sinisika pa naming makuha ang panig ni Padilla.
07:59Pero nauna na siyang sumagot ng tanongin kung iligal ba ang kanyang ginawa.
08:04Ay tanong natin sa kanila kung may iligal.
08:06Kasi sa amin, tandaan ninyo, ang Senate, ang sabi ng aming SP,
08:13ay hintayin namin ang warrant ng local court.
08:16Pero sir, bukas kayo sa mga possible investigations?
08:19Eh, wala tayong magagawa.
08:21Iniutos na rin ng Firearms and Explosives Office ng TNP
08:24ang pagbawi sa lisensya ni de la Rosa na magmay-ari at magdala ng mga armas.
08:30Binawi rin ang rehistro ng halos sandaan at dalawampung baril ni de la Rosa na dating naging TNP chief.
08:36Mas makakabuti po sana na ma-surrender na lang po itong mga firearms na ito
08:42at ma-deposit po sa proper authority.
08:46Implementing Rules and Guidelines o IRR ng aturang batas
08:49ang binabanggit ng polisya na batayan sa pagbawi ng mga lisensya at rehistro ni de la Rosa.
08:55Kung itong section 4 ng revised IRR po ng R8 and 591
09:02which states that if you are facing a case, may pendency ng case sa isang court of law
09:07na more than 2 years po ang punishment.
09:10Pero ayon sa abugado ni de la Rosa, ang grounds o batayan lang na pwedeng gamitin
09:15ay ang nakalista sa section 39 ng nasabing batas.
09:19Maari lang daw maging batayan para ma-revoke ang lisensya sa baril
09:22kung merong conviction at court order.
09:25Pero Anya, hindi pa naman convicted si de la Rosa
09:28at wala pang korte sa bansa ang naglabas ng anumang order laban sa kanya.
09:33Ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.
09:39Igan, makakapulong. Ngayong araw ni Pangulong Bogbong Marcos
09:42ang Prime Minister ng Japan,
09:44ang Presidente ng Japan International Cooperation Agency
09:47at iba pa.
09:49Kahapo po, nakausip niya ang business leaders ng Japan
09:51kung saan nakakuha ang Pangulo
09:52na mayigit 200 bilyong pisong halaga ng investment commitments.
09:57Live mula sa Tokyo, Japan.
09:59May unang balita, katakan natin si Ivan Mairina.
10:02Ivan!
10:06Ohayo! Magandang umaga, Igan, mula dito sa Tokyo, Japan,
10:11kung saan ikatlong araw na ng state visit ni Pangulong Bogbong Marcos.
10:15Simula natin sa mga pinakasariwa balita.
10:17Una nga dyan, Igan, yung nabanggit mo.
10:193.4 billion dollars na halaga,
10:22katumbas ng 210 billion pesos na investment commitment
10:25na ibinunga ng roundtable meeting ni Pangulong Bogbong Marcos
10:29sa mga nangungunang business leaders dito sa Japan.
10:32Tulad na kanyang mga karaniwang mga biyahe abroad, Igan,
10:35may mga business meetings sa Pangulo
10:36para manghihikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
10:39Sa kita ng kasalakuyang habo ng global economy,
10:42ayon sa Pangulo,
10:43partikularang krisis sa enerhiya
10:44at pagkadiskaril ng mga supply chain,
10:47lubhang mahalaga na lalong palakasin
10:48ang ugnayang paekonomiya ng Pilipinas at Japan.
10:51Ang dalawang sektor na magiging engines of growth,
10:54ika nga,
10:54ang trade at tourism,
10:56kaya katabi ng Pangulo sa pulong kagabi,
10:58si na Trade and Industry Sekretary Cristina Roque
11:01at Tourism Sekretary Dita Kangara Matay
11:03na dating trade representative ng Pilipinas sa Japan.
11:07Ibinida ng Pangulo,
11:08ang kakayahan ng mga magagawang Pilipino
11:10at nangako ng patuloy ng modernisasyon,
11:12institutional efficiency,
11:14at pangmatagalang investment stability.
11:17Kagabi rin,
11:18naganap-igan ang state banquet
11:20o yung salusalong inihanda
11:21ni na Emperor Naruhito at Empress Masako
11:24para sa first couple
11:25at sa Philippine delegation.
11:27Nagpahayag ng commitment ng Pangulo
11:29sa patuloy na partnership sa Bansang Japan
11:31para sa pagsusulong ng kapayapaan
11:33na nakabase sa rules-based order
11:35na titiyak sa katatagan
11:36at kaunlaran ng Indo-Pacific region.
11:39Ang mainit na pagtanggapan niya
11:41mula sa state call
11:42at welcome ceremony sa umaga
11:44hanggang sa state banquet sa gabi
11:46ay patuloy ng malalim na pagkakaibigan
11:48ng dalawang bansa.
11:50Kinilala din ng Pangulo ang Japan
11:51bilang pangunahing katuwang sa pag-unlad
11:53mula sa infrastruktura,
11:55seguridad,
11:56agrikultura,
11:56connectivity
11:57at iba pang aspeto ng ating ekonomiya
11:59na kanya namang pinasalamatan.
12:02Binigyan po kayo din ng Pangulo
12:03ang may 350,000 na Pilipinong
12:05naninirahan at tagtatrabaho sa Japan
12:07at ang malaking ambag nila sa Japan
12:09bilang isang bansa
12:11at ang kahalagahan nila bilang tulay
12:13sa malalim na ugnayan ng dalawang bansa.
12:15Samantala, Igan,
12:17nabanggit mo yung ilang meetings sa Pangulo
12:18pero bukod dyan,
12:19punong-puno ang schedule ng Pangulo ngayong araw.
12:22Ngayong umaga,
12:23apat na business meetings
12:24na nakaschedule sa mga pribadong kumpanya
12:26bagong kanyang meeting
12:27kay dating Prime Minister Kishida Fumio
12:30at ngayong Supreme Advisor
12:32sa Parliamentary Association
12:33of the Asia Zero Emission Community.
12:36May meeting din ng Pangulo
12:37sa Presidente ng Japan
12:38International Cooperation Agency
12:40o JAICA
12:41na isa sa pinakamalaking pinagkukunan
12:43ng pautang ng Pilipinas
12:44sa mga malalaking proyekto
12:46tulad na lang halimbawa
12:47ng Metro Manila Subway Project.
12:49May isa pang pulong
12:50sa Chairman ng Nippon Foundation
12:52bago naman
12:52ang kanyang nakatakdang talumpati
12:54sa joint session
12:55ng National Diet.
12:56Ito, Igan,
12:57yung Kongreso ng Japan.
12:59Matapos naman yan,
13:01ang panghuling meeting
13:02kay Japan Prime Minister
13:03Takaichi Sanae
13:04na agad susundan
13:06ng joint press conference
13:07kung saan i-anunsyo
13:08ang mga nalagdaang kasunduan.
13:11Inaasahan dito
13:12ang may kinalaman
13:13sa defense
13:13at maritime security
13:14at energy security,
13:16mga bagay na
13:17malapit sa sikmura
13:18ay kangan ng mga Pilipino
13:19sa kita ng tensyon
13:20sa West Philippine Sea
13:21at gayon din
13:22ang krisis sa langis
13:24na kinakaharap
13:25ng mundo.
13:26At yan, Igan,
13:27ang latest
13:27mula dito sa Tokyo, Japan.
13:30Ivan,
13:31gusto kong
13:32i-share mo yung
13:33experience dun
13:34sa estate call
13:35ng emperor
13:35at empress ng Japan
13:37kina Pangulong
13:37Bongbong Marcos
13:38at First Lady.
13:39Parang ito rao eh,
13:41may na
13:43binaliwalang protocol
13:44or something?
13:49Hindi naman sa
13:50binaliwalang protocol,
13:51Igan,
13:51pero very, very rare daw
13:53yung nangyari kahapon.
13:55May kwento ko lang,
13:57nung papasok na,
13:58nakaalis na si
13:58Pangulong Bongbong Marcos,
14:00kami naka-standby
14:00doon sa media box.
14:02Papasok na,
14:03itong si
14:04Emperor Narujito
14:04Empress Masako.
14:07Parang nagdalawang isip sila,
14:08nagtinginan sila,
14:09tapos biglang lumapit
14:10sa Philippine Media Delegation.
14:12At si Empress Masako,
14:14nagtanong,
14:15are you from the Philippines?
14:17How is your stay so far?
14:18So,
14:19nagtinginan,
14:20medyo nagulat kami
14:21kasi, di ba,
14:22napakahigpit ng protocol,
14:23napakahigpit ng mga
14:24nang siguridad
14:25sa loob ng Imperial Palace,
14:27nakapagsabing pa nga sa amin,
14:29bawal nga daw
14:29ang eye contact
14:30sa Emperor,
14:31pero sa pagkakataon ito,
14:32siya ang lumapit,
14:33kinausap kami,
14:34at kinausap naman namin siyempre
14:36na,
14:36naikwento namin na
14:37mahal na mga Pilipino
14:39ang Japan.
14:39Ako, talagang daan-daan-daang
14:41limong Pilipino
14:42ang nagiging turista
14:43sa Japan taon-taon
14:44dahil mababaita mga tao,
14:46maganda ang bansa,
14:47masarap ang pagkain,
14:48at siyempre,
14:49masarap yung shopping.
14:50Yan lang naman,
14:50very, very small talk,
14:52pero it was indeed
14:53a rare opportunity,
14:54ika nga,
14:55na makasalamuha
14:56ang Emperor
14:57at Empress
14:58ng Japan.
14:59At siyempre,
14:59Igan,
14:59masarap din yung pakiramdam
15:00na habang nandun tayo,
15:02binigyan ng welcome
15:03si Pangulong Bong
15:03Mung Marcos,
15:05marinig mo yung
15:06pambansang-awit
15:07ng Pilipinas
15:08na tinutugtong
15:08sa ibang bansa
15:09at pagkatapos doon,
15:10tinugtog pa.
15:11Yung iba mga folk songs
15:12narinig natin,
15:13Leron Leron Sinta,
15:14Manang Biday,
15:15yung mga ganun bagay ba
15:16na pinahalagahan
15:18ang kulturang Pilipino
15:19sa pagbisitang yun.
15:20Okay,
15:21napag-usaban ba
15:21yung mga pagbabago
15:22sa prosesyon ng Japan
15:23pagdating naman sa defense
15:24at issue dito sa
15:26West Philippine Sea
15:26at South China Sea
15:27kung saan aktibo na silang
15:29nakikilahok at observer?
15:35Tama, Igan.
15:36Yan ang isang malaking pagbabago
15:37dahil kung titignan natin
15:39kung mag-google mo
15:40yung Takaichi Sanae,
15:42yung bagong prime minister
15:43at first lady prime minister
15:44ng Japan,
15:47word na hawkish,
15:48ganyan siya dinidescribe.
15:50Medyo,
15:51kumbaga sa salita natin,
15:52siya po ay palaban
15:53at siga,
15:54ika nga.
15:55Yung,
15:55kumbaga sa halip na diploma siya,
15:58ito yung leader
15:58na hindi nangingiming
16:00magpakita
16:00ng military might,
16:02ika nga.
16:02Isa sa mga naging unang
16:05ginawa niya
16:06ng maupong prime minister
16:07ay ang pag-relax
16:08ng restrictions,
16:10halimbawa sa pag-export
16:11ng mga armas,
16:12ng mga weapons
16:13at isa sa mga makikinabang dyan,
16:15ang Pilipinas
16:16na sinasabing
16:17bibili
16:17ng mga missiles,
16:19anti-ship missiles
16:20mula sa Japan.
16:21At isa pa,
16:22tulad na nabanggit mo,
16:23dati observer,
16:24ngayon,
16:25active participant na
16:26ang Japan
16:27sa mga military exercises
16:28dito sa Pilipinas.
16:30Tulad ng ilang ligu pa lamang,
16:32I think,
16:32two o last week
16:33or two weeks ago lang,
16:34nagkaroon ng military exercises
16:35kung saan nagkaroon
16:36ng partisipasyon
16:37ang Japan.
16:38At base sa mga pronouncements
16:40nitong bagong prime minister
16:42ng Japan,
16:42talagang nakahanap
16:44ng kakampi
16:45ang Pilipinas,
16:45ika nga,
16:46lalo na dito sa issue
16:47ng sigalot
16:48sa West Philippine Sea
16:49at mas palaban ito
16:51sa expansionist moves
16:53ng China
16:53dito sa South China Sea.
16:55Okay,
16:55puntahan natin.
16:56May krisis pa sa Middle East
16:57na nagresulta sa mataas
16:58sa presyo ng petrolyo
16:59at mga bilihin.
17:01Ang tanong eh,
17:02anong pakinabang
17:03ng mga Pilipinos
17:04sa estate visit na yan
17:05sa Japan
17:05ng Pangulong Marcos?
17:12Yan, Igan,
17:12ang lagi sinasabi
17:13ng Malacanang
17:14na sa kabila
17:15ng lahat
17:15ng ingay sa politika,
17:17maraming kinakaharap
17:18na problema
17:18mga Pilipino
17:19at yan daw,
17:20ang nais tugodan
17:21ni Pangulong
17:22Mangmong Marcos
17:22sa limbawa na lang,
17:23yung pakikipag-usap niya
17:24sa mga negosyante rito,
17:26gusto niya makahikayat
17:27na mga mamumuhunan
17:28dahil ang efekto naman yan
17:30sa mga Pilipino,
17:31siyempre,
17:32ay mas maraming trabaho,
17:34mas maganda
17:35at di kalidad
17:36na mga trabaho.
17:37Sa usapin naman,
17:39sa energy supply,
17:40halimbawa,
17:41magkakaroon din
17:41ng mga pag-uusap
17:42dahil diplomatically
17:44pag napag-usapan
17:45ang mga agreements
17:46para sa supply agreements,
17:48halimbawa,
17:49pagdating sa enerhiya,
17:50ay yan
17:50na makakatulong din
17:51sa ating energy security.
17:54Yan,
17:54Igan,
17:54ang sinasabi
17:55ng Palacio
17:56na kahit
17:57ano pang mga
17:58kinakaharap
17:59na krisis
18:00o intriga
18:01o kontrobersya
18:02dyan sa bansa
18:03ay kailangan magpatuloy
18:05ang Pangulo
18:05sa pagtatrabaho
18:06dahil kahit nandyan
18:08yung mga ingipolitika
18:09eh hindi naman
18:09mawawala yung mga problema
18:11ng bansa
18:11na kailangan tugunan
18:12ng Pangulo.
18:13Okay,
18:14naitanong nyo ba ulit
18:15yung Noel?
18:16Sabay,
18:16umismid ulit sa inyo?
18:22Wala.
18:23Baka nga ganun ulit
18:24ang isagot sa amin,
18:26Igan,
18:27pag tinanong namin bukas
18:28pero yung pandulo
18:29yung bukas
18:30araw ng biyernes
18:31huling araw ng Pangulo
18:32dito sa Japan
18:33ang schedule na
18:34kapihan
18:35with the Philippine media
18:37at yan ay isa
18:38sa mga inaasahang
18:39itatanong
18:39ng malakanyang press corps
18:41sa kanya
18:41yung Noel
18:42dahil maingay na maingay
18:44ang kanyang kapatid
18:45na si Senadora
18:45Amy Marcos
18:46tungkol sa issue nyan
18:47at syempre
18:48isa sa mga tinututukan
18:49ng bayan ngayon
18:50yung nangyayaring
18:51ika mo nga
18:52Senate Flicks
18:53hindi pa natin
18:54natatanong ang Pangulo
18:55tungkol sa kanyang
18:56mga salaubin
18:56sa nangyayaring
18:58kaguluhan
18:59o kontrobersa
19:00dyan sa Senado
19:01at isa yan
19:02sa mga itatanong natin
19:03bukas
19:03Maraming salamat
19:04Ivan Mayrina
19:06directa sa Japan
19:07Ingat
Comments

Recommended