Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 29, 2026



- Posibleng huling hearing sa impeachment complaints vs. VP Sara Duterte, isasagawa mamaya | House Justice Committee, posibleng magbotohan na mamaya kung may probable cause para tuluyang isalang sa impeachment trial si VP Duterte | Aglipayan Bishop at ilang civil society groups, nanawagan kay VP Duterte na dumalo sa pagdinig ng House Justice Committee mamaya | Mga tagasuporta ni VP Duterte, nag-rally sa labas ng Korte Suprema


- Halaga ng piso, sumadsad sa panibagong record low kontra-dolyar kahapon, P61.30=$1 | Ilang negosyante, nahihirapan na sa pag-aangkat ng mga produkto at materyal dahil sa paghina ng piso | Paghina ng piso kontra-dolyar, may epekto rin sa singil sa tubig


- MMDA: Mga lalabag sa Anti-Littering Ordinance, huhulihin sa tulong ng NCAP cameras

- Street Hirit: Iba't ibang diskarte para hindi uminit ang ulo ngayong tag-init


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30...sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.
00:33Nananawagan naman ang ilang grupo sa BICE na sana'y dumalun na siya sa pagdinig.
00:37May unang balita si Tina Panganiban Perez.
00:43Pusibling huling hearing ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
00:51Dahil matatalakay na ang umano'y tangka ng BICE na ipapatay ang Pangulo, ang First Lady at ang dating House
00:58Speaker,
00:58Pusibling pagbotohan ng Komite kung may probable cause ang mga reklamo.
01:03Kung wala nang ibang inclination ang Justice members, we should be ready to vote.
01:09Hindi na rin anila maaapektuhan ang boto nila ng reklamo ng asawa ng BICE laban sa ilang kongresista
01:16dahil sa pagpapalabas ng Anti-Money Laundering Council reports sa bank transactions nilang mag-asawa.
01:23Is it significant?
01:25It is not because we maintain the position na constitutional ang lahat, including the issuance of subpena of the AMLOC
01:34report.
01:34Bago bumoto sa probable cause, pagbabotohan muna ng mga taga-House Committee on Justice
01:39kung bubuksan o hindi ang selyadong kahong isinumite ng Bureau of Internal Revenue
01:45na nagla naman ang income tax returns ng BICE at ng kanyang asawa.
01:49Panawagan sa BICE ng ilang civil society groups at ng Obispo ng Iglesia Filipina Independiente
01:56o Aglipayan Church sa Northern Isabela dumalo sa huling hearing.
02:01The Vice President should appear in the hearings initiated by the House
02:06and answer forthrightly the charges against her.
02:11Sa amin po sa simbahan ay hindi po matatawaran ang amin pong pananabik
02:17na malaman mismo sa bibig ng ating pangalawang Pangulo
02:23ang katotohanan ng Gil sa mga samot-saring katanungan sa kanya.
02:27Ang mga taga-suport pa naman ang BICE.
02:30Malinaw ang sigaw ng mag-rally sa labas ng Korte Suprema.
02:34No to VP Sarah Impeachment.
02:36Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez, GMA News.
02:43Maray na mga negosyanteng apektado ng pagtasang presyo ng ilang produkto
02:47at raw materials na kanilang inaangkat.
02:50Epekto yan ang pagsansad ng piso na nakapagtalangan
02:53ng panibagong record law kontra dolyar kahapon.
02:56May unang balita si Dano Tingkungko.
03:02Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, bumulusok sa 61 peso level
03:06ang palitan ng piso kontra dolyar.
03:09Nagsara sa 61 pesos and 30 centavos ang palitan.
03:12Malayo sa unti-untino ang paglakas ng piso noong Pebrero
03:15bago ang pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran.
03:18Mula na magsimula ang gera,
03:20siyam na beses ng pumalo sa record law ang palitan.
03:23May mga sektor na nakikinabang sa mataas na exchange rate
03:26gaya ng mga nage-export ng mga produkto.
03:29Gayun din ang mga OFW na tumataas ang remittances
03:32at ng turismo dahil nagiging mas mura
03:34para sa mga dayuhan na mamasyal at mamuhunan sa Pilipinas.
03:38Pero nagdudulot din ito ng pagbilis ng inflation
03:40na ramdam ng lahat ng sektor
03:42dahil mas mahal bumili ng imported na produkto
03:45at raw materials gaya ng langis at bigas.
03:48Hindi pa malinaw kung hanggang kailan
03:50pwedeng magtagal ang ganitong sitwasyon.
03:52Ang ilang negosyante tulad ni Brian
03:55na nag-iimport ng tela
03:56at iba pang gamit para sa kanyang clothing
03:58at beverage business,
03:59umaaray na sa palitan ng piso kontra dolyar.
04:02Isang diskarte raw nila ang pag-abang sa piso
04:05tuwing lalakas para makabili sila ng dolyar
04:07pambayad sa suppliers.
04:09Pero mula raw nang lumagpas sa 60 pesos ang piso,
04:12nasagad na raw ang mga paraan nila
04:14para makatipid.
04:15Well, unang buwan,
04:17nung nagkaroon ng oil problem
04:19na magtaas ng presyo ng oil,
04:22tinayipan ko in yung magtaas ng cost ng raw materials.
04:26Pero may hindi na kaya
04:28namin mga retailers and importers
04:31na kunin yung maintain yung prices.
04:35So we're really,
04:36I'm personally praying and hoping
04:38na bumaba na talaga yung exchange rate na ito
04:43dahil we can only do so much
04:45on our level.
04:47So I hope the government does something about this.
04:50May epekto rin ang exchange rate sa singil sa tubig.
04:53Pero nauna nang sinabi ng Manila Water
04:55na kahit pabago-bago ang palitan ng piso,
04:58hindi ito kaagad mararamdaman sa bill.
05:00Isinasagawa kada quarter
05:02ang foreign currency differential adjustment ng MWSS
05:06at hindi kung kailan humina at lumakas ang piso.
05:09Noong nakaraang review po nila,
05:12medyo may slight increase yung dollar po noon.
05:17Medyo bumaba naman yung yen.
05:19Pero ang net effect,
05:20medyo tumaas yung foreign currency.
05:22So nagkaroon po ng maliit na adjustment,
05:254 centavos per cubic meter.
05:29Yun lang po ang itinaas noon
05:31na in-implement starting April 1.
05:34Tatagal po yung increase na yun
05:36na 4 centavos per cubic meter for 3 months.
05:39April, May, at June.
05:42Pagdating po ng July,
05:44bago mag-July,
05:45i-re-evaluate po ng MWSS regulatory office
05:49ano naman ang naging palita ng piso at dolyar
05:53dun sa,
05:54hindi yung naka-immediate na nakaraang quarter
05:57but yung the quarter before.
05:59Kung tumaas po yung halaga ng dolyar
06:04at medyo humina ang piso,
06:08then pwedeng by July,
06:10pwede pong magkaroon ng bahagyang adjustment na naman.
06:14Pero kung lumakas po ang piso,
06:17kontra banyagang pananalapig,
06:19pwede pong bumaba yung presyo ng tubig.
06:22Hinihingan pa namin ang pahayag
06:24ang Banko Sentral ng Pilipinas.
06:26Pero dati na nilang sinabi
06:28na batay sa flexible foreign exchange rate policy,
06:30ang iniiwasan lang nila
06:32ay ang malaki hang paggalaw ng palita ng piso
06:35na maaaring makaapekto sa inflation.
06:37Hindi raw nito polisiya
06:38na maipako ang piso sa iisang level.
06:41Ito ang unang balita.
06:43Dano Tingkungko, GMA News.
06:48Susan, good morning.
06:50Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan
06:54para sa disiplina at kalinisan sa Metro Manila,
06:58huhulihin na ang mga lalabag sa anti-littering ordinance
07:02sa tulong ng no-contact apprehension policy o NCAP cameras.
07:11Sa mga nasanay ng magtapo ng kung ano-anong basura
07:14sa mga lansangan, estero o kalsada,
07:18posibleng mahuli na kayo ng NCAP cameras.
07:21Simula kasi ngayong linggo,
07:23huhulihin na ng MMDA
07:25ang mga lalabag sa anti-littering regulation
07:28sa ilalim ng Expanded No Contact Apprehension Policy
07:31o NCAP ng gobyerno.
07:33Ayon sa MMDA,
07:34layunin ang bagong programa na matugunan
07:37ang patuloy na problema sa basura
07:39sa mga lansangan at estero
07:40kung saan umaabot sa pitong tonelada
07:43ang nahahakot ng ahensya kada araw.
07:46Magiging basihan daw sa paghuli
07:48ang mga CCTV cameras
07:49na naka-install sa iba't ibang lugar sa Metro Manila.
07:52Kabilang dyan ang AI-powered cameras ng MMDA
07:55na ginagamit sa real-time monitoring
07:57at pagtukoy ng violations sa NCAP.
07:59Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Toddy III,
08:03naniniwala ang MMDA
08:04na makatutulong ang teknolohiya para sa mas mabilis
08:07at patas na pagpapanagot sa violators.
08:10Maganda raw ang programang paghuli sa mga nagkakalat,
08:13sabi ng street sweeper na si Ana Liza.
08:16Bilang street sweeper,
08:17araw-araw po ako nagwawalis.
08:20Ang gusto ko naman yung laging malinis.
08:21Okay po yun na nahuhulihin yung mga nagkakalat.
08:27Malaking bagay sa amin siya mga street sweeper na konti na lang.
08:31Disiplina po ng kailangan po
08:33kasi para malinis ang buong Manila.
08:40Pabor din ang taho vendor na si Reynaldo
08:42na araw-araw nakikita ang mga basura sa lansangan.
08:45Araw-araw po ang naglalako.
08:47Marami pong basura na nakikita sa daan.
08:50Huwag po basta-basta magtapan po,
08:52baka huwag tayo mauli, magmulta.
08:54Sayang din po yung kikitaya natin pag nahuli po tayo.
08:59Sabi naman ni Arnaldo,
09:00dapat talagang managot ang mga nagkakalat
09:03dahil ang mga basura may balik sa mga tao,
09:06lalo tuwing may sakuna tulad ng bagyo o baha.
09:09Mas maganda talaga tingnan kapag malinis yung lugar natin.
09:14Yun lang talaga kulang sa Pinoy, disiplining.
09:17Kasi kami, biktima din kami ng ganyan eh.
09:20Tapo nila, pagbaha, punta sa amin.
09:22Kahit di naman kami nagtatapo.
09:30Susan, sabi ng MMDA,
09:32noong nakaraang linggo,
09:33inaayos pa ang guidelines ng programa
09:35at yung kanilang koordinasyon
09:36sa mga local government unit.
09:38Pusible na sa mga susunod na araw
09:40ay ilabas na yan sa publiko.
09:42At yan.
09:43Ang unang balita ang mula po rito sa Quezon City.
09:46EJ Gomez, GMA News.
09:51Kanya-kanya diskarte ang ilan nating kababayan
09:53para mabit ang nakaka-stress na heat.
09:56Narito ang Street Hit It Live,
09:58ni Bam Alegre.
09:59Bam?
10:03Susan, good morning.
10:04Pasado, alas 7 pa lang ng umaga.
10:05Pero ang init na, no?
10:07Sa ganitong alinsangan,
10:08paano nga ba maiwasan na uminit ang ulo?
10:10Narito ang Street Hit It.
10:16Napakainit, di ba?
10:17Naparabang nasa microwave ka.
10:19Sa ganitong init ng panahon,
10:21nakaka-over-stimulate
10:22at nakakainit ng ulo.
10:24Pero dapat cool ka lang.
10:26Gayahin ang pintor
10:27na si John Lloyd Cabintoy
10:29naka-shades pa
10:30para kontrahin ang init.
10:31And of course,
10:32kailangan chill lang.
10:33Pangontra sa heat stroke,
10:35sumilong sa shaded area
10:36at uminom ng maraming tubig
10:38tulad na empleyadong si Shiray Coronel.
10:40Paano naman daw
10:41hindi iinit ang ulo
10:43ng rider na si Anthony Sagala
10:45dahil mainit na nga sa bahay,
10:47mataas pa ang presyo ng kuryente.
10:49Ang chuper naman na si Joel Raposas,
10:51tiis-tiis na lang muna
10:52dahil bukod kasi sa init,
10:54nangaka-high blood din daw
10:55ang presyo
10:56ng mga produktong petrolyo.
10:57Pakigan natin
10:58ang mga pahayag
10:59ng ating mga nakapanayam.
11:03Pero nakita ko,
11:04naka-shades ka, sir.
11:05Mainit kasi.
11:06Paano mo pinapanatili
11:08sarili mo na cool lang?
11:10Halmado lang mo palagi, sir.
11:12Kasi ganda naman lagi
11:13ito yung umagi.
11:15Kailangan, ano,
11:16stay calm
11:17at saka kailangan
11:17bumilom lagi ng tubig
11:19para stay hydrated po.
11:21Laban sa init
11:22ng panahon.
11:22Kuna sa lahat,
11:23lagi pong malakit
11:24sa pakiramdam.
11:27Lalo na po yung usok
11:28at saka po yung nangyari
11:29sa nabotas
11:30na yung usok po
11:32umaabot hanggang dito
11:33po sa Pasay.
11:34Nakakainit ng ulo, sir,
11:35yung charge ng Meralco
11:37ngayon, sobra.
11:38Ang dami niyang charges.
11:39Tapos biglang dumoble
11:40yung amount.
11:42Ang init ng panahon,
11:43tapos ganoon pa yung
11:44naging bill ng kuryente.
11:46Parang nakakahiblad na eh.
11:47Mainit eh.
11:48Ang mainit na, no?
11:49Ngayon pa lang,
11:50paano nyo iniwasan, sir,
11:51ng uminit ang ulo, sir?
11:53Ano lang,
11:53kalma lang.
11:55Ay, harap na uminit ang ulo
11:56eh kasi, wala.
11:58Tasa ang diesel.
12:04Pero Susan,
12:04sabi nga,
12:05yung pikon daw eh,
12:06talo.
12:06Kaya huwag tayong papatalo
12:07sa init ng panahon.
12:09Ito ang heat hirit
12:10ng street hirit
12:10mula rito sa Pasay,
12:12Bamalegre,
12:12para sa GMA News.
12:13Yung,

Recommended