00:00Hindi pa tapos ang usapin sa Senado Kaugnay sa Mosyon na amyandahan ng Senate Rules para payagan ang mga senador
00:06na dumalo virtually sa sesyon.
00:08Sabi ng ilang miyembro ng Senate Minority, pinapayagan lang ito kapag may national emergency o kaya'y force majeure.
00:15Nakasulat din ito sa Section 41B ng Rule 14 ng Senate Rules.
00:21Ano nga ba ang force majeure?
00:23Base po sa diksyonaryo, ang force majeure ay pangyayari na hindi inaasahan o makokontrol.
00:30Kabilang po diyan ang gyera, kalamidad tulad ng lindol, terorismo o terrorist attacks, krisis sa kalusugan tulad ng pandemic, pati
00:40na rin ang civil unrest o pag-aalsa tulad ng mga riot.
00:43Lumutang ang issue tungkol sa online na pagdalo sa sesyon sa gitna ng mga balitang may ilang senador na arestuhin
00:50dahil sa iba't ibang kaso.
00:51Sakaling ngang may makulong at maamyendahan ng Senate Rules, sabi ng eksperto, ang korte pa rin ang masusunod kung pwedeng
00:59lumahok ang mga senador sa sesyon habang nasa loob ng kulungan.
01:05Generally, pag detained persons, hindi naman talaga pinapayagan ng korte to interact freely with the outside world. Security risk siya.
01:14So dahil dito, yung korte na in charge dun sa kaso niya, yung magkakaroon ng authority kung papayagan nga siya
01:20mag-participate sa mga proceedings.
01:22So, let's get started.
Comments