Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakakuha ng billion-billion piso ng investment commitment si Pangulong Bombo Marcos sa kanyang state visit sa Japan.
00:05Nakasalamuhan rin ang Pangulo at ni First Lady Lisa Marcos ang Emperor at Empress sa Imperial Palace.
00:12At mula sa Tokyo, Japan, sa ksilat, si Ivan Mayrina.
00:16Ivan?
00:19Via 3.4 billion pesos, katumbas ng 210 billion pesos,
00:28ang ibinunga ng roundtable discussion na pinangunahan ni Pangulong Bombo Marcos kasama ang mga nangungunang Japanese business leaders.
00:36Sa gitna ng kasalukuyang hamon ng global economy, particular ang krisis sa enerhya at pagkandiskaril ng mga supply chain,
00:43lubhang mahalaga ayon sa Pangulo na lalong palakasin na ugnayan pang ekonomiya ng dalawang bansa.
00:48Ang dalawang sektor na magiging engines of growth, ika nga, ang kalakalan at turismo.
00:53Kaya katabi ng Pangulo sila Trade and Industry Sekretary Christina Roque at Tourism Sekretary Dita Angara Matay,
00:59na dating trade representative ng Pilipinas sa Japan.
01:02Ibinin din ang Pangulo ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino at nangako ng patuloy na modernisasyon,
01:08institutional efficiency at pangmatagalang investment stability.
01:12Samantala, bago yan, nagkaroon ng state call ng Pangulo sa Imperial Castle
01:16at sinulubong sila ng First Lady ni Emperor Naruhito at Empress Masako.
01:26Si Emperor Naruhito at Empress Masako mismo ang sumulubong kay Pangulong Bongbong Marcos
01:31at First Lady Liza Araneta Marcos sa Imperial Palace sa Tokyo, Japan
01:34para sa kanilang state call kaninang umaga.
01:37Sa welcome ceremony, unang tinugtog ang pambansang awit ng Pilipinas
01:41na sinundan ng pambansang awit ng Japan.
01:44Naroon ang mga membro ng gabinete at ilang matataas opisyal ng Japan
01:48kabilang si Prime Minister Takeichi Sanai.
01:51Nagtagal na ilang minuto ang pag-uusap ng Emperor at Empress at ng First Couple
01:55pero hindi ito isinipubliko alinsulod sa protokol.
01:59Si dating Pangulong Noy Noy Aquino, huling Philippine President,
02:01na nabigyan ng ganitong paanyaya ng Emperor ng Japan noong 2015.
02:05Pag ang isang head of state ay inibita ng Emperor and Empress,
02:10I think this is the highest regard and undertaking for any head of state para maibitahan.
02:18Ngayong hapon naman, bumisita ang Pangulo sa Japan-Philippines Parliamentary Friendship League.
02:23Bukod pa yan sa talumpati ng Pangulo sa joint session ng National Diet
02:27o ang mababa at mataas sa kapulungan ng Kongreso ng Japan.
02:30Sa kanyang talumpati, binigyan din ng Pangulo ang kahalagahan ng mga matibay at maasahang alyansa.
02:36We meet at a time of profound transformation in the international system.
02:41Across regions, we see increasing geopolitical tensions, disruptions in supply chains,
02:48and mounting pressures on the rules-based international order.
02:53In such an environment, the importance of trusted partnerships that are anchored in shared values,
02:59mutual respect, and an adherence to international law has never been more evident.
03:06Bagamat maraming larangan ng kooperasyon ang naispaintingin ng Pilipinas at Japan sa state visita ito,
03:12ang usapin sa Maritime Security, ang isa sa mga pangonahing naisbigyan diin.
03:16Inihalimbawa niya ang nage-epekto ng gyera sa Middle East
03:19na nakadiskaril sa marayang paglalayag sa mahalagang rutang pandagat.
03:23Like Japan, the Philippines believes that maritime security is an essential pillar of a free, open, and inclusive region.
03:32And as recent developments have shown, the world cannot afford to have our waterways disrupted
03:39or placed at risk given their vital role in sustaining global trade, energy flows, and economic stability.
03:47Kinilala at pinasalamatan din ng Pangulo ang tulong at suporta ng Japan sa Pilipinas
03:51para sa mga proyektong pang-infrastruktura at ekonomiya.
03:54Hindi mapapantayan, ayon sa Pangulo, ang lawak, kalidad ng development assistance,
03:59at pamumuhulan ng Japan para sa pangmatagalang kaunlaran ng bansa.
04:03Binanggitin ang papel ng mahigit 300,000 Pilipinong na sa Japan.
04:07Ang kapakanan ng mga Pinoy sa Japan ay isa sa mga naisisulo ng Pangulo sa kanyang pulong sa Prime Minister
04:12Bukas.
04:17Pia, naganap din ngayong gabi ang state banquet o ang salu-salo na inihanda ng emperor at empress ng Japan
04:23para sa first couple at sa Philippine delegation.
04:26Bukas naman, makakausap one-on-one ng Pangulo si Japanese Prime Minister Takaichi Sanae
04:33at nakatakdaring magpatalumpati ang Pangulo sa joint session ng National Diet
04:39o yung mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ng Japan.
04:43Live mula sa Tokyo, Japan, ako si Ivan Mayrina, ang inyong saksi.
Comments

Recommended