00:00Update naman sa nangyaring rambulan sa Liga ng Basketball sa Maynila.
00:04Hawak na ng mga otoridad ang video ng aktwal na labanan
00:08ng mga lalaking may hawak na samurai sword at baseball bat.
00:13Nakatutok si Jomer Apresto.
00:18Sa viral video na pinanood ng barangay,
00:21kita ang dalawang lalaking nag-aaway sa Quezon Street sa Tondo, Maynila
00:25nitong linggo ng gabi.
00:26May hawak na baseball bat ang lalaking nakahubad
00:29habang may hawak naman na katana o samurai sword ang isa pa.
00:32Biglang natumba ang lalaking nakahubad.
00:35Pagkatayo niya, bigla siyang pinagbabato ng ibang residente.
00:39Idi na ganong nahagib sa video,
00:41pero tinamaan daw ng katana sa leeg ang 37-anyos na lalaki ayon sa polisya.
00:46Naitapos sa ospital, habi kailangan daw na salinan ng dalawang dugo pa.
00:50Sabi ng barangay, bago ang nangyaring pananaksak,
00:52nagkaroon muna ng riot sa championship ng Liga ng Barangay
00:56dito mismo sa covered court na ito.
00:59Nagrambulan ang mga manlalaro, pati ang mga nanon noon sa Liga ng Basketball.
01:03May kitang isang lalaking tumatakbo habang may hawak na patalim.
01:07Tinamaan sa braso ang lalaking ito na umaawat lang umano sa gulo.
01:10Sabi ng barangay, bukod sa kanya,
01:12may ilan pang residente ang bahagyang nasugatan sa nangyari
01:15at ginawa na nila ng blotter report.
01:17Batay sa investigasyon, nagugat ang gulo sa hindi nagustuhang call ng referee.
01:22Ang involved doon sa laro, mga players, 15 years old pa baba.
01:25Hindi pa tapos ang third quarter, doon na nagsimula yung away.
01:27Mayroon kasing manunod ang kamag-anak na nanunood.
01:31Parang nakita niyo, parang nasaktan, sumugod.
01:34Ilang minuto matapos yan, doon na nangyari ang pananaga.
01:38Tsuhin daw ng isa sa mga player ang biktimang tinamaan ang katana sa leeg.
01:42Sa kabila ng nangyari, plano pa rin ang barangay na ituloy at tapusin ang Liga.
01:46May mga kinakailangan lang daw baguhin sa latag ng siguridad.
01:49Patuloy naman ang pagtugis ng polisya sa lalaking may hawak ng katana na maharap sa reklamong frustrated homicide.
01:56Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
Comments