00:00Ipanilwanag ng Korte Suprema kung bakit ibinasura ang hiling ni Sen. Bato de la Rosa
00:05na temporary restraining order para pigilan ang pag-aresto sa kanya.
00:09Isang grupo naman ng mga alkalde ang nanawagan sa Senado
00:11na hindi ito dapat maging kanlungan ng anilay pagtatakipan.
00:16Saksi si Darlene Kay.
00:24Bago tumulo sa sesyo noong May 11,
00:266 na buwang hindi nagpakita sa Senado si Sen. Bato de la Rosa.
00:30Bago siya mawalang muli noong May 14,
00:32isa sa mga nabanggit niya sa panayam sa 24 oras
00:34ay ang pambabatiko sa kanya dahil sa patuloy na pagtanggap ng sweldo
00:38kahit hindi siya pumapasok.
00:40Yung iba doon ginagamit sa aking opisina para sa mga relief operations,
00:45lahat ng mga ginagawa ng opisina,
00:49ginagastos yung sweldo ko.
00:51Pero itong mga latest, mga last two months ata na sweldo ko,
00:55hindi na kiniklaim ng aking sekretary
00:58dahil nahiya na kami.
01:00Hiyang-hiya na.
01:01Pero ang matagal na pag-absent sa Senado,
01:03hindi raw dapat baliwalain ayon sa Mayors for Good Governance.
01:07Panawagan ng 58 alkaldi na lumagda sa payag,
01:10hindi dapat maging kanlungan ang Senado ng absenteeism at pagtatakipan.
01:14Dagdag nila,
01:16hindi dapat protektahan ang halal na opisyal na umiiwas umano sa responsibilidad.
01:21Wala pa rin linaw kung nasaan si De La Rosa na itinuturing na armed and dangerous ng NBI.
01:26There are putin just nung umalis si Sen. Bato,
01:29may mga dalang daffle walking.
01:31So there is a suspicion na baka, baka, na baka mga baril yun.
01:36Sinisikap namin makuha ang panig ni De La Rosa tungkol dito.
01:39Ayon sa PNP-PIO,
01:41wala pa silang natatanggap ng formal na hiling mula sa NBI
01:44para i-revoke o bawiin ang firearms license ng Senador.
01:48Oras na matanggap yan,
01:49pag-aaralan nila ang request alinsunod sa batas.
01:53Noong nakaraang linggo,
01:55bigo ang kanyang kampo na makakuha mula sa Korte Suprema
01:57ng temporary restraining order at status quo anti-order
02:00para pigilan ng pag-areso sa kanya sa visa ng arrest warrant
02:03mula sa International Criminal Court
02:05ng walang basbas mula sa Korte sa Pilipinas.
02:07Sa desisyon ng Korte,
02:09sinabi nitong bigo ang Senador na ipakita na may malinaw na karapatan siya
02:13na kailangang protektahan kaya dapat mag-issue ng TRO ang Korte.
02:17Nakaanklarawang karapatang ito sa mga kwestiyong legal
02:20na di pa na dedesisyonan ng Korte
02:22gaya ng kung pwede nga ipatupad ang ICC warrant
02:25kahit kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute.
02:28Nakasaad din sa desisyon na maskathang isip
02:30kaysa totoo ang panghimasok sa kanyang karapatan.
02:33Bukod sa binigyan siya ng protective custody ng Senado,
02:36mismong si Pangulong Bongbong Marcos
02:38ang nagsabi noong May 13
02:39na walang direktiba noon para arestuhin siya.
02:42Dagdag ng Korte,
02:43may mga kasamang hindi verifikadong ulat at aligasyon
02:46sa inihain very urgent manifestation ng kampo ni De La Rosa.
02:49Hindi na pwedeng maglabas ang Korte ng TRO-SQAO
02:53batay sa espekulasyon.
02:54Ayon sa Korte,
02:56ang issue ng mga provisional remedy lang
02:58ang kanilang dinesisyonan
02:59at hindi ang constitutional issue
03:01sa main petition ni De La Rosa.
03:03Ang asawa naman ni De La Rosa na si Nancy
03:05umapila sa hudikatura
03:07na huwag silang maging accessory
03:08para ipadala ang kanyang mister sa dahig.
03:11Kung isusuko raw si De La Rosa
03:12ay tila pag-amin-a niya ito
03:14na mahina at hindi kaya ng mga Korte sa Bansa
03:17nalitisin ang kaso nito.
03:19Git pa ni Mrs. De La Rosa,
03:21pinupulitika ang kanyang asawa.
03:23Sa pananaw ng gobyerno,
03:24wala nang legal na balakin
03:25para ipatupad ang warrant ng ICC.
03:28Pero para sa kampo ng senador,
03:29provisional remedy lang ang didinay.
03:31Wala pong ruling
03:32na pwede nang iimplementa ang warrant.
03:36Pinanguhunahan nila yung Korte Suprema
03:38na wala pang ang desisyon
03:39ng the merits of the case.
03:41Nagain na sila ng manifestation
03:42tungkol sa desisyon ng SC.
03:44Ako si Darlene Kayang inyong saksi.
Comments