00:00Kaugnay pa rin ang paghuho sa Pampanga, dapat silipin kung may problema sa disenyo, sa pagkakagawa nito at sa materyales.
00:08Ayon po yan sa dating presidente ng Association of Structural Engineers of the Philippines.
00:14Nakatutok si Rafi Tima.
00:19Sa paghuho ng ginagawang hotel sa barangay Balibago sa Angeles, Pampanga kahapon, pataginid ang pagkulaps ng hotel.
00:25Kaya may mga nadamay na katabi nito.
00:27Nag-iimbestiga na ang mga otoridad kung bakit gumuho ang ginagawang siyam na palapag na gusali.
00:33Ang dating presidente ng Association of Structural Engineers of the Philippines na si Engineer Adam Abinales,
00:38may mga naiisip na posibleng dahilan kung bakit gumuho ang gusali, kabilang ang problema sa disenyo, sa pagkakagawa nito,
00:45o sa mga ginamit na materyales, lalot nangyari ang paghuho nang wala namang lindol.
00:50Sa nangyari, just for the gravity loads alone, nagkulaps na yung building.
00:55So, ibig sabihin, may problema either yung design o yung construction.
01:01Parang durog na durog yung kongkreto.
01:03So, ang isang suspecho ko doon, medyo yung strength ng kongkreto, e mukhang may problema.
01:09Baka hindi niya na-meet yung desired strength ng kongkreto na ginamit.
01:17Para matukoy ang dahilan nito, kailangan na anyang pag-aralan ng blueprint ng gusali.
01:22Pero kahit sa mga larawan pa lang nito bago ito gumuho, kapansin-pansin na anya na tila manipis sa mga
01:28poste nito.
01:29Pwede anya na ganyan-kanipis ang poste kung dual system ang ginamit sa design,
01:33o kung may tinatawag na shear wall na magsisilbing backbone ng gusali,
01:37na kadalasang makikita sa elevator shaft o stairwell.
01:40Sa estimate ko, by looking at the picture, parang 0.5 to 0.6 ang dimensyon ng column.
01:480.6 meters by 0.6 meters. Kung square column siya.
01:51So, parang sa ninth story, medyo maliit siya.
01:54Kung yan ay may shear wall, hindi dapat nag-collapse siya ng ganun-ganun lang
01:59na wala pa ng event o earthquake or whatever yung malakas na bagyo, wala eh.
02:06Sa tingin ni Engineer Abinales, bukod sa mabilis na pagtukoy sa dahilan ng pagho ng ginagawang gusali sa Pampanga,
02:12dapat pagtuunan ng pansin ng mga otoridad ang pag-update ng National Building Code of the Philippines.
02:18Noon pang 1977 kasi ito in-issue.
02:21Bagamat may mga update dito, pagdating sa pagsusumite ng structural design ng mga gusali,
02:26hindi anya obligado ang mga building officials na pag-aralan kung tama ito.
02:30Basta't may naisumite, sapat na.
02:32Hindi lang basta dapat dokumentasyon lang na compliance ka lang eh.
02:37Dapat talaga merong role ang building official at ganun na rin yung mga professionals
02:43para masigurado natin lahat ng structure safe.
02:48Inihain noong 2023 ang Philippine Building Act para palitan ang Presidential Decree 1096
02:54pero hindi ito naipasa.
02:55Muna itong inihain sa kasalukuyang kamera.
02:58Rafi Tima na Katutok, 24 Horas.
03:02Kaugnay pa rin yan ay pinuntahan ng GMA News ang Gold Years Construction and Steelworks sa Malabon
03:09na sinasabing contractor ng gumuhong gusali para makuha na ng pahayag.
03:14Galing sa barangay council ang adres pero tanging ang caretaker lang ang nakipag-usap sa amin.
03:19Wala umunong ibang taoro simula pa kahapon na maaring magbigay ng pahayag.
03:24Nagbigay siya ng numero na maaring anyang tawagan pero unattended o out of coverage area naman ng aming idayal.
Comments