00:00Bilang na mga nasawi sa trahedya sa Angeles, Pampanga, nadagbanan pa.
00:05May ari at kontraktor ng gumuhon na ginagawang gusali,
00:09ipinatatawag na ng Angeles City LGU, si J.M. Thompson sa Sentro ng Balita.
00:17Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap ng Bureau of Fire Protection sa mga natrap
00:21dito sa gumuhong ginagawang gusali sa barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
00:25Tinatayang nasa 47 ang bilang ng mga biktima sa trahedya.
00:30Kabilang dyan ang ilang construction workers, ilang residente at vendors malapit sa gusali.
00:36Sa pinakahuling report ng BFP kaninang alas 12 ng tanghali,
00:40apat na ang kumpirmadong nasawi sa mistulang pancake na gusali
00:45matapos itong gumuho bandang alas 3 ng madaling araw nitong linggo.
00:50Kabilang dito ang Malaysian National, dalawang construction workers
00:53at isang unidentified pang individual na posibling vendor malapit sa construction site.
01:00Makikita rin malapit sa site ang ilang pamilya ng mga natabunan ng gumuhong gusali
01:05na naggaantay ng update sa kanilang kaanak.
01:09Si Lea Kasilaw nakahapon pa nag-aantay.
01:11Susunduin sana siya sa Dao Bus Terminal ng kanyang asawa pero hindi na ito nangyari.
01:17Tumawag na lamang ang katrabaho ng kanyang asawa at dali-dali siyang nagpunta sa construction site.
01:23Gusto lang talaga namin.
01:26May mabigay sila sa aming update kung ano nang nangyari.
01:29Hindi naman kami naghahanap noong sobrang karakarakan na yan.
01:37Gusto ko.
01:37Update man lang po pa.
01:39Kung may ganito pa, may buhay pa sa loob, magantay tayo.
01:43Ganyan, ganyan.
01:44Yun lang po ang hinahanap namin.
01:46Kaning-kanina lamang ay nagpunta si DSWD Secretary Rex Gatselian para magbigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima.
01:54Una, siguraduhin natin na yung mga pamilya ng biktima whether nagaantay pa sila na mahanap yung kaanak nila
02:02o nakalabas sila matulungan natin.
02:04So initially, yesterday yung mga social workers natin nandito to do grief counseling.
02:07Alam natin yun ang importante sa ganitong sitwasyon.
02:10Pangalawa, nag-extend tayo ng 10,000 na captive assistance immediately for the families.
02:15Pati na rin yung mga nakalabas.
02:18Kasi ang importante na I have to keep on pointing out na mga workers to so no work, no pay.
02:23Obviously, walang work ngayon.
02:24Importante na natutulungan sila financially para may panggasa sila.
02:28Now, mayroong mga pamilya na umuwi na.
02:30Umuwi sa Camsor, umuwi sa San Jose del Monte.
02:33May mga pauwi pa kung saan-saan.
02:35Sisiguraduhin naman natin na may cash na may sustainable livelihood grants para sa kanila.
02:39Kasi like I keep on pointing out, wala na yung breadwinner o hinahanap pa yung breadwinner.
02:44Importante yung pamilya na pangangalagaan.
02:47Now, di po may injuries, may medical needs or later on, hopefully, huwag naman kung kailangan ng burial assistance, the
02:53department will also be around.
02:54Samantala, ayon kay Fire Superintendent Maria Lea Sahili, patuloy ang kanilang search and rescue operation dahil may labing walong hinihinalang
03:03nasa ilalim pa ng gusali.
03:05Pagkatapos naman ang rescue operation, magkakaroon naman ang thermal scanning at kasama rin ang ilang canine units para maghanap ng
03:13any signs of life bago gamitin ang mga heavy equipment.
03:16Magkakaroon na po tayo ng removal of debris later and magdidepende po kung oras ang tatanungin natin sa ating mga
03:25panelists later on after may retrieve po yung dalawang victims ngayon from sector 1 and 2.
03:34Patuloy naman ang kanilang pakikipagugnayan sa owner at contractor ng gusali.
03:39Ayon kay Mayor Lazatin, hinihiling nila ang kooperasyon ng owner at contractor para makatulong sa kanilang search and rescue operation.
03:48Siyempre kailangan po namin malaman kung ilan talaga ang mga workers na dineploy po nila dito sa site at para
03:57makapag cross-reference po kami kung ilan po ang umuwi sa mga bahay-bahay po nila at yung mga naiwan
04:03po dito.
04:05Kaya hinahanap po natin yung owner at yung contractor para ma-verify po natin yung integrity ng mga reports.
04:12Kanila namang titiyaki na magkakaroon ng karampatang parusa ang mapatutunayang may pagkukulang sa naganap na pagguho ng gusali.
04:21J.M. Thompson para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.
Comments