00:00Kung mayaakyat sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
00:05gusto raw ni Senate President Tito Soto na magkaroon ng pre-trial para mailatag ng maayos at mabilis ang proseso.
00:11Sabi naman ni dating Senate President Coco Pimentel,
00:14posibleng magkaroon ng kudeta sa Senado kung gustong harangin ang impeachment ng DCEP.
00:20Balita natin ni Maaf Gonzales.
00:24May limang miyembro ngayon ang tinaguriang Duterte block sa Senado,
00:28sina Senador Bato de la Rosa, Bongo, Rodante Marcoleta, Robin Padilla at Aimee Marcos.
00:35Bahagi sila ng minorya kasama sina Senador Alan Peter Cayetano,
00:39Cheese Escudero, Joel Villanueva at Jingoy Estrada.
00:42Sabi ni dating Senate President Coco Pimentel,
00:45posibleng mauwi sa kudeta kung gusto harangin ng ilang senador ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:52Sabi kasi ni Senate President Tito Soto,
00:54oras na matransmit sa Senado ang Articles of Impeachment,
00:57kaagad niyang i-convene ang impeachment court.
01:00Ang opinion niya, kailangan magtrial.
01:01So, hindi siya papayag na hindi magtrial.
01:04What is the only way?
01:06What is the only way na ma-enforce ng majority kung ayaw nila magtrial?
01:11Ang laki ng minority ngayon, 15 versus 9.
01:15Tandaan mo na you only need 13 votes to elect the Senate President
01:22or to elect a new Senate President.
01:26Tingin ni Pimentel, maninindigan si Soto kahit pamapalitan siya sa pwesto.
01:31Sabi kasi ni Soto, pwedeng i-convene ang impeachment court
01:34basta't may labing tatlong senador na present.
01:36Kung palitan siya, so be it.
01:39Ang importante yung lugar niya sa history, sa kasaysayan,
01:45na mapakita niya sa mga apun niya siguro na tama yung paninindigan niya
01:52kahit na ang kapalit, losing the position.
01:55Tingin ni Soto, walang mahabang debate.
01:58Kung magkaroon ng trial, sakaling umakyat sa Senado
02:01ang Articles of Impeachment laban kay Duterte.
02:03Kung matuloy, gusto ni Soto ng pre-trial
02:06para maayos at mabilis ang proseso at wala nang surpresa.
02:10Tingin niya sa huling linggo ng Hunyo
02:12ang pinakamatagal na pagsisimula ng impeachment trial
02:15basta't walang magde-delay.
02:17Para ma-convict at matanggal sa pwesto ang bise,
02:20kailangan ng two-thirds na boto mula sa lahat ng membro ng Senado
02:23na tatayong Senator Judge.
02:25Dahil may 24 na senador ngayong 20th Congress,
02:29kailangan ng 16 na boto para sa conviction.
02:31Kinukunan namin ang pahayag si Senate Minority Leader
02:34Alan Peter Cayetano tungkol sa sinabi ni Pimentel
02:37pero wala pa siyang tugon.
02:39Si De La Rosa, natatayo rin Sen. Judge,
02:41wala pa rin pasabi kung papasok na siya.
02:44Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments