00:00Magsasaguan ang inspeksyon ng mga opisyan ng Department of Agriculture sa Mega Q-Mart sa Quezon City
00:05para matiyak ang pagsunod ng mga retailers sa pinapatupad na price caps sa imported na bigas.
00:10Si Elijah Canlasa Detalye Live, Elijah.
00:16Daya, nakatakdangang mag-ikot ngayon ng mga kinatawa ng Department of Agriculture o DA
00:20dito sa Mega Q-Mart sa Quezon City para nga siya sa atin ng implementasyon
00:25ng pagpapatupad ng price caps sa imported na bigas.
00:29Nagsimula na kasing ipatupad ang 30 araw na price ceiling sa imported na 5% broken rice
00:35para mapigilan ang hindi makatwidang taas presyo ng bigas sa merkado.
00:39Ito ay ayon sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para alalayan ang mga mamimili.
00:44Nakasaad sa kautusan ng 50 piso ang maximum price ceiling sa bawat kilo ng imported na bigas.
00:50Nagsimulang ipatupad ito noong ikalabing apat ng Mayo at nakatakdang magtagal hanggang sa ikalabing dalawa ng Hunyo, 2026.
00:58Ayon sa kagawaran ay magsasagawa rin sila ng susunod na pagtatasa pagkatapos ng naturang 30 araw na palugit
01:05para malaman kung dapat pa itong pahabain.
01:08Kaugnay nito ay nagpalabas din ang kagawaran ng voluntary suggested retail price o SRP
01:13na 53 piso na kada kilo para naman sa mga lokal na bigas.
01:19Ito ang nakikitang solusyon ng pamahalaan para maprotektahan ang mga mamimili laban sa profiteering
01:24at maibsa ng food inflation na naranasan ng pamilyang Pilipino.
01:28Nagtakda rin ang mga field personnel ang kagawaran para mag-ikot sa mga pamilihang bayan sa bansa.
01:34Sa ngayon ay ikatlo na ito sa mga special joint price monitoring ng Department of Agriculture
01:39kasunod nga ng mga nakaraang inspeksyon noong nakaraang linggo sa Pasig Market at Paco Public Market.
01:46At sa pag-iikot nga ng mga itinakdang personnel ng Department of Agriculture
01:50ay namamahagi sila ng mga instructional pamphlet.
01:53Ang mga instructional pamphlet na ito ay naglalaman ng mga impormasyon
01:56kung paano nga ba makokontak ng mga mamimili at mga rice retailers
02:00ang mga opisyal ng kagawaran.
02:02Dian.
02:04Maraming salamat, Elida Canlax.
Comments