- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:32Nagbabala rin ang DOJ sa mga posibyong tumutulong kay De La Rosa na magtago.
00:36Saksi si Darlene Kai.
00:40Sen. Bato is fugitive from justice.
00:45And he should be brought to the ICC to face the charges before him.
00:52Ipinaaresuna ng Department of Justice sa mga lagad ng batas si Sen. Ronald Bato De La Rosa.
00:56Kasunod yan ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang hiling niyang temporary restraining order at status quo anti-order
01:02para pigilan ng pag-aresto sa kanya.
01:04I would like to confirm.
01:07The Philippine law enforcement agencies, which would include the PNP, the National Bureau of Investigations, are now tasked to effect
01:17the arrest of Sen. Bato De La Rosa.
01:19May hawak na raw silang impormasyon sa kinaroroonan ni De La Rosa.
01:23Definitely there are leads. As to the exact leads, I cannot discuss them.
01:27First, I'm not privy to those leads.
01:30They are available to our law enforcement agencies and to their units.
01:35And let them do the work.
01:38Hopefully we do it as fast as we can.
01:40Wanted si De La Rosa ng International Criminal Court or ICC bilang isa sa mga co-perpetrators sa kasong crime
01:46against humanity of murder,
01:48kaugnay ng madugong war on drugs ng Duterte administration.
01:51Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, nakahanda silang ipatupad ang utos ng DOJ.
01:57Sa isang text message sa GMA News, sinabi niyang 225,000 na puwersa ng Philippine National Police o PNP ang
02:04pakikilusin para rito.
02:06Inalerto na rin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Notades Jr.
02:10ang mga tauhan ng PNP Maritime Group at Aviation Security Group laban sa posibilidad ng paglabas ng bansa ni De
02:16La Rosa.
02:17Ayon sa ulat ng GMA News Online,
02:19partikular na pinababantayan ang tinatawag na Southern Back Door o yung dulong katimugang bahagi ng Pilipinas.
02:25Ang PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG,
02:29hinihintay na lang daw ang ghost signal ni Notades para ipatupad ang arrest warrant.
02:33Pag there is an order already and the CPNP has directed us,
02:39gagamitin namin ang buong unit po ng CIDG for every region and every province.
02:45Wala naman po tayong pinipili, big or small, lahat po yun ay ini-implement namin at all costs.
02:50Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa iba pang law enforcement agencies.
02:54Susunod din daw sa utos ng DOJ ang NBI.
02:57Ayon kay NBI Director Melvin Matibag,
03:00isasagawa nilang pag-aresto ng naaayon sa mga alituntunin.
03:04Ang mga bugado ni De La Rosa,
03:06kuinestyo ng pagpapa-aresto ng DOJ sa Senador.
03:09What law are you invoking in the spirit of fair play and due process and even humanitarianism?
03:18Hindi po nila pwedeng i-effect ang isang inactionable na waran through misrepresentations.
03:29We have to respect our constitution,
03:31we have to respect customary international law,
03:34and we have to respect treaty law in this regard.
03:37Malinaw daw na target talaga ng gobyernong makuha si De La Rosa.
03:41By the sheer act of the President's arm,
03:47by hook or by crook, gusto nilang kunin si Bato.
03:51And this simply looks like a Duterte 2.0 move.
03:58It is my personal and earnest opinion that this is political, no matter how they frame it.
04:08Gagawin daw nila ang lahat ng legal remedy para sa kanilang kliyente.
04:12Kasabay nito ang pag-iit nila na hindi tinatakbuhan ni De La Rosa ang mga pananagutan kung meron man,
04:18basta na ayon sa konstitusyon.
04:21Proper cases can be filed in our country because we have a healthy prosecutorial system,
04:27we have a healthy judiciary.
04:29Ngayong itinuturing na ng pamahalaan na pugante si Senator Bato De La Rosa
04:33ay nagbabala ang Justice Department sa mga tutulong na makapagtago o makatakas siya.
04:38Nanghihingi rin sila ng kooperasyon sa mga ma-informasyon kung nasaan ngayon si De La Rosa.
04:42Ang sa akin din pong pakiusap, those who might be aiding or abetting or helping Senator Bato evade the law,
04:54there are consequences.
04:57Alam natin na sa panuntunan ng rule of law may pananagutan.
05:01Pinagtago, hindi lamang po sa mata ng batas ng Pilipinas, pati rin po sa batas ng ICC.
05:10Naka-alerto pa rin daw ang Bureau of Immigration sakaling magtangkang lumabas ng bansa si De La Rosa.
05:15Pero sa ngayon, wala pa raw nakitang record ng Bureau of Immigration na umalis na siya sa Pilipinas.
05:20As far as I know, there is an application for an inter-forment notice.
05:24Of course, I mean, that is a remedy available to us.
05:27Para sa mga kaanak ng mga biktima, ayon sa kanilang abugado,
05:31ang pagbasura ng Korte Suprema sa hiling na TRO ni De La Rosa
05:34ay nangangahulugan na wala ng legal na hadlang para iputupad ang arrest warrant.
05:39Hindi po dapat naiiba si Sen. Bato.
05:42Kahit po siya po ay isang sitting senador,
05:44wala pong pagkakaiba kasi ang mga senador natin,
05:47hindi naman po sila nakakataas sa batas.
05:49Kung paano po ito pinatupad ng executive,
05:53sa kay former President Trudirgo Duterte,
05:55ay sana patas din po ang pagpapatupad sa kay Sen. Bato De La Rosa.
06:00Ayon nangin po ito sa ating batas sa R.A. 985-1.
06:04Sakaling maareso si De La Rosa, maaari na ba siyang ipadala sa dahig?
06:09Tingin ang 1987 Constitution Framework, retired Supreme Court Associate Justice.
06:13Palinay ko pwede siyang arrestuhin dahil wala ng arresting order.
06:19Pero whether or not ipadala na kaagad,
06:24depende sa interpretasyon ng batas.
06:28At ito depending sa Supreme Court.
06:30Sabi naman ang DOJ,
06:44Noong May 11, sa visa ng arrest warrant mula sa ICC,
06:48ay tinangka ng NBI na arestuhin si De La Rosa na muli siyang pumasok sa Senado.
06:53Hanggang sa magkaroon ng kaguluan sa Senado noong May 13
06:56at muling naglaho si De La Rosa madaling araw kinabukasan.
07:00Kasama rin niyang umalis noon si Sen. Robin Padilla.
07:03Iniimbisigahan na ng DOJ kung may pananagutan si Padilla.
07:07Ayon naman sa eksperto, pwede raw mapanagot si Padilla.
07:11Kung idadrag nila itong pangalan ni Sen. Robin Padilla,
07:15pupwede masampahan siya kasi ng kaso ng obstruction of justice
07:20at pupwede rin siyang sampahan ng kaso sa Senate Ethics Committee.
07:25Pusible raw itong magkaroon ng efekto sa impeachment trial,
07:27gayon din ang pagkawala ni De La Rosa.
07:30Yung hindi niya pag-participate doon sa outtaking,
07:34which means na legally speaking,
07:36hindi din siya po pwedeng makaboto.
07:39From 23, right now we'll have only 22.
07:44At yun, bababa rin yung bilang from 16 to 15.
07:49So malaking implication ito sa mga hakin itong impeachment trial.
07:54Ako si Darlene Kayang, inyong saksi.
08:02Bago sa saksi, sumiklabang sunog sa isang abandonadong commercial establishment
08:06sa Kanyas Road, Quezon City ngayong gabi.
08:09At saksi live, si Jamie San.
08:12Jamie?
08:16Pia isang oras at kalahati ang kinailangan
08:19para tuluyang maapula ang sunog na sumiklab dito sa Kanyas Road.
08:25Agad na rumesponde ang mga bumbero
08:28at itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 7.26 ng gabi.
08:32Sunod-sunod ang dating na mga truck ng bumbero.
08:35Sa dami na mga bumberong rumesponde,
08:37okupado ng mga truck ng BFP at fire volunteers
08:40ang isang lane ng kalsada sa bahagi ng Kanyas Road.
08:44Kaya pansamantalang di ito pinadaraanan sa mga motorista.
08:48Sa kuhang ito, mula sa katabing establishmento,
08:52makikitang naglalagablab na apoy mula sa nasusunog na gusali.
08:56Ayon sa BFP, abandonado ang naturang gusali.
08:59Wala naman daw na damay na katabing establishmento
09:02dahil nakatulong ang mga firewall nito.
09:04Sa ngayon, hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala.
09:09Inaalam pa rin ang BFP kung sino ang may-ari nito.
09:15Inaalam pa ho natin kung ano pong,
09:18kung ito po ay residential at commercial po.
09:22Abandon na building.
09:25Sa ngayon po ay patuloy po,
09:27iniimbestigahan pa ho ang sanhi ng pagkakasunog ng building po.
09:35PIA 850 ngayong gabi nang idedeklarang fire out na ng sunog.
09:40Nadaraanan na rin ang lay na isinara kanina.
09:42Live mula rito sa Quezon City,
09:44ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
09:47Sa Hulyo po, inaasahang sisimula ng mismong paglilitis
09:50para sa mga articles of impeachment
09:52labang kay Vice President Sara Duterte.
09:54At nagsasagawa na po ng mock trial
09:56ang House Prosecution Panel bilang paghahanda para sa paglilitis.
10:01Saksi, si Sandra Aguinaldo.
10:06Toto na ang paghahanda ng House Prosecution Panel
10:09para sa paparating na impeachment trial
10:11ni Vice President Sara Duterte.
10:14Nagkaroon daw sila ng mock trial
10:16bilang pagsasanay para sa tunay na paglilitis.
10:19It is important that we are doing also the mock trial
10:23to give us a feel of how it is
10:27to do the direct examination and the cross-examination.
10:31Actually, kami-kami lang yan.
10:33The 11 prosecutors with some private lawyers.
10:37It's just us asking each other
10:40about possible questions which can be raised.
10:43Apat ang articles of impeachment,
10:46ang maliuman ng paggamit ng confidential funds,
10:48pagbabanta sa Pangulo, bribery,
10:51at hindi maipaliwanag na yaman.
10:53Basta, ang importante,
10:55ang gusto namin, yung first salvo,
10:58establish agad.
10:59I think we will just do it on a per-article basis.
11:03So, we will start with threats,
11:04and then unexplained wealth,
11:08confidential funds misuse,
11:09and then bribery.
11:10On whichever ground,
11:11we have high confidence naman po
11:13that talaga makukumbinsi po natin
11:15yung mga Senado Judges
11:16to convict the Vice President.
11:18Pusibling sa Hulyo,
11:20isasagawa ang mismong trial,
11:22ayon kay Sen. Erwin Tulfo.
11:24Sa June 1 kasi,
11:25inaasahan magtatapos
11:26ang 10 araw na ibinigay sa Vice Presidente
11:28para tumugon,
11:29matapos siyang padalhan ng summons
11:31at kopya ng articles of impeachment.
11:34Kasunod nito,
11:35may limang araw naman
11:36para tumugon ang prosecution team,
11:38tsaka isasagawa ang pre-trial.
11:40After 10 days,
11:41nung mag-comply si VP Sara,
11:4510 calendar days,
11:47hindi 10 working days.
11:48Pagkatapos,
11:49sasagot yung prosecution
11:50na 5 calendar days.
11:52After that,
11:53yun na yung mga pre-trial,
11:55yung mga marking
11:56of pieces of evidence.
11:57So, we're looking at around talaga
12:00ng mga July 6.
12:03Tutol naman ang ilang Senador
12:05ng minoriya
12:05sa panukalang amyandahan
12:07ng Senate rules
12:08para payagan ang mga Senador
12:10na makadalo ng mga sesyon
12:12at makaboto
12:13sa pamamagitan ng video conference.
12:16Kami po sa minoriya,
12:17hindi po asasang ayon po dyan.
12:19Kailangan po physically present.
12:21Dati po,
12:21pwede yan yung pandemic.
12:23Kaya po,
12:23medyo yung rules po pinayagan
12:26dahil nga po,
12:27bawal pumasok,
12:28may mga lockdowns.
12:29At ngayon po,
12:30everything is okay naman po.
12:31Kailangan po siguro
12:32ng present sa Senado.
12:33Malino yung urus
12:35sa Senado.
12:36Pinapayagan lamang po
12:38ang pagboto
12:39via online participation
12:41sa mga force majeure
12:43at national emergency situations.
12:46Wala pong ganyang
12:47national emergency
12:49of u-optain na yun.
12:50Ako si Sandra Aguinaldo,
12:52ang inyong saksi.
12:54Tinutugis na mga salari
12:56na tumangay sa motosiklo
12:57na isang rider
12:58sa Marikinas City.
12:59Ang biktima,
13:00hindi nakapalag
13:01matapos tutukan ng baril.
13:03Saksi,
13:03si EJ Gomez.
13:08Napahinto ang isang rider
13:09nang harangin siya
13:11ng dalawang motosiklo
13:12sa harap ng isang paaralan.
13:14Bumaba ang dalawang angkas
13:15habang ang isa
13:16sa mga rider na nangharang
13:17tinutukan ng baril
13:19ang lalaking na kaputi.
13:21Di nakapalag ang biktima
13:22at napaluhod na lang
13:23sa bangketa
13:24habang tinatangay
13:25ang kanyang motosiklo.
13:27Ang krimen
13:28nangyari sa Santissimo Street
13:29sa barangay
13:30Santo Nino Marikina
13:31madaling araw
13:32noong lunes.
13:33Ayon sa saksi,
13:35akala niya noong una
13:36ay magkakasama
13:37ang mga sakay
13:37ng tatlong motosiklo.
13:39Ginit-git-ana niya
13:40ng apat na lalaki
13:41ang solo rider
13:42at akala niya
13:43ay magsusuntukan lang.
13:45Sisitahin ko sana
13:46kasabing lang
13:47naglabas ng baril
13:48yung isa.
13:49Kinasa,
13:49tinutok doon sa ano.
13:51Tapos dumapaan na lang
13:52yung
13:53yung biktima.
13:55Pagkadapa,
13:56sumakay na yung isa
13:56doon sa motor niya,
13:58doon tumakbo na sila agad.
13:59Mabilis daw ang pangyayari
14:01kaya wala na rin
14:02nagawa ang biktima.
14:03Ibigiling na lang siya,
14:04parang tinanggap na lang,
14:05wala na rin siyang nagawa.
14:06Kahit nga ako,
14:07noong nakita ko,
14:09nangangatog ako.
14:10Diraw na mukhaan
14:11ng saksi
14:11ang mga suspect
14:12dahil sa suot nilang helmet.
14:14Ayon sa opisyal
14:15ng barangay,
14:16nireport nila sa polisya
14:17ang insidente
14:18at nagsagawa
14:19ng backtracking.
14:20Yung unang CCTV
14:22na nakita,
14:23nakasunod na yung
14:24mga suspect.
14:26So pagdating dito
14:28sa malapit na,
14:29doon siya na tinutukan.
14:31Kaya nakuha yung motor niya.
14:33Tapos pagkatapos nun,
14:35tumakbo na rito
14:35yung naagawan ng motor.
14:37Sinusubukan pa raming
14:38makuha
14:39ang pahayag ng biktima.
14:40Patuloy
14:41ang imbestigasyon
14:42at pagtugi
14:43sa mga salarin.
14:44Ako si EJ Gomez,
14:45ang inyong saksi.
14:47Kinontra ng ilang senador
14:49na minorya
14:49ang elegasyon
14:50ng ilang taga-mayorya
14:51na hindi umano sila
14:53kinumusta
14:53noong sumiklabang gulo
14:55sa senado nitong May 13.
14:57Isa pong source
14:57ng GMA News
14:58ang nagbigay ng patunay
15:00na kinamusta nga
15:01na mga taga-minorya
15:02ang mga nasa senado
15:03noong gabing yun.
15:05Saksi
15:05si Ian Cruz.
15:09Tila may parehong hugot
15:11sina Senate President
15:12Alan Peter Cayetano
15:13at Senadora Pia Cayetano
15:15kung ganyang nangyaring
15:17tensyon sa senado
15:18noong Mayo at 13.
15:21Wala man nangamusta kami
15:22sa amin kung buhay pa kami
15:23kung ano nangyayari sa amin.
15:25Pagtingin ko ng group natin,
15:26yung dating majority group,
15:28walang di isa sa inyong
15:29nangamusta sa amin.
15:32Agad niyang iwinasto kahapon
15:34ni Senador Wind Gatchalian
15:35nang makausap niya
15:37si Senadora Cayetano
15:38sa plenaryo.
15:49Sa screen grab
15:51na ibinigay sa amin
15:52ang isang taga-senado
15:53na hindi namin eksaktong
15:55ipapakita
15:55alinsunod sa data privacy law,
15:58kinumusta
15:58ang mga taga-mayorya
16:00ng mga senador
16:00mula sa minorya
16:02sa kanilang chat group.
16:03Ito rin ang ikinuwento
16:05ni Senador Erwin Tulfo.
16:06Nangyayari ang barilan
16:08bandang alas 7.45 ng gabi,
16:11naging aktibo ang chat group
16:12nang mag-message
16:13si Majority Sen. Camille Villar.
16:15Parang 9.50 po,
16:17si Senador Camille
16:22saan na
16:22we are all okay.
16:24Sunod-sunod na po,
16:269.55
16:276.056
16:29nag-text na po
16:30si
16:30I think
16:31si Senador
16:33Miggs,
16:34si Senador
16:35Sherwin,
16:36keep safe,
16:38si Senador
16:39Bam,
16:39ako din po.
16:40Sa akin po, 9.57 po pumasok, praying for all of you kasi po, papunta po ako ng baklara.
16:49Apag po kami ang nangungusta po sa kanila kasi nabalitaan na po eh,
16:54nagkumalat na po sa social media tapos mga nag-live po sila.
16:58Ani Tulfo, baka hindi lang napansin ni Sen. Cayetano ang mga mensahe nila.
17:03Dahil sa commotion or sa sobrang takot po, hindi yun at wala rin po siguro nagsabi sa kanya.
17:10Si Sen. Risa Ontiveros, naguluhan umano nung gabing iyon dahil wala siyang kaalam-alam habang biyahing bakolod para sa isang
17:18aktibidad.
17:19Kasi real time at halos sabay-sabay, pumasok yung mga information na we're okay, we're safe,
17:28meron din the Senate is being attacked, pero meron din galing din sa kanila na maagang pagsabi na fireworks lang
17:36ito.
17:36And then, yung iba sa mga kasama namin sa Senado ay nagla-livestream din naman.
17:41May mga photos na lumabas nung gabing din iyon ng mukhang payapa namang pag-upo, pagkain, pag-uusap nila.
17:52Partikular niyang pinalagan ang malisyosong mga pahaging sa minorya.
17:57Lumabas nga yang napaka-unfair at unsubstantiated ng malisyosong insinuation laban sa aming mga minority Senators.
18:09Pumalag din si Minority Sen. Ping Lakson sa mga aligasyon laban sa kanila.
18:14Paano anya nila kukumustahin ang mga masasaya nagkakainan, nagkakape at naka-Facebook live pa
18:20para pagbintangan lamang anya ang minority Black na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado.
18:27Wala pang bagong pahayag si Senadora Pia Cayetano ukol sa mga naging pahayag ngayong araw ng ilang minority Senators.
18:34Ang PNP na isumiti na sa DOJ ang mga hawak nilang ebidensya kaguna isang nangyari sa Senado noong May 13.
18:42Pinanindigan nila ang nakalat na ebidensya.
18:44Kasunod ang pahayag ni Suspended Acting Senate Surgeon at Arms Mawaplaska na spliced o kinatay ang video
18:51para tumugma sa naratibong hindi inatake ang Senado.
18:56Meron naman pong proseso at forensic examination para ma-validate yung mga information na isinumiti ng Philippine National Police sa
19:05DOJ.
19:06Matibay po ang paninindigan ng Philippine National Police kaugnay ng mga ebidensya na isinumiti sa DOJ na ito po ay
19:13naka-angkla sa facts, evidence at due process.
19:16Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
19:19Ang na-official ang DPWH, Dabao Occidental at walong kumpanyong kontratista sinampahan ng reklamo sa ombudsman kaugnay sa mga ghost
19:27farm-to-market road.
19:28Ayan kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr., nasa 94 million pesos ang halaga ng pitong farm-to-market road sa
19:35Dabao Occidental
19:36na hinarap ng kagawaran pero di natagpuan sa kanilang ininspeksyon noong Oktubre noong nakaraang taon.
19:42Peke rin umano mga iparinisan ng dokumento sa DA dahil bayad ang kontrata pero wala ang mga kalsada.
19:47Reklamang graph, malversation, falsification of public documents, grave misconduct at serious dishonesty ang isinampal laban sa 6 na opisyal ng
19:56DPWH, Davao Occidental District Engineering Office.
19:59Kasama rin inereklamo ang 8 construction company na kinontrata para sa mga proyekto.
20:04Sinusubukan naming makuha ang panig ng mga inereklamo.
20:07Caloacan, 3rd District Congress 1 din asistyo, isang DPWH district engineer at 6 na kontratista sinampahan din ng reklamo dahil
20:14sa amunay maanumalyang mga proyekto.
20:16Reklamang graph, malversation at falsification of public documents ang isinampan ni dating Caloacan Mayor Ray Malonso laban kinang asistyo.
20:25Para raw yan sa halos 80 milyong pisong halaga ng umunay maanumalyang mga proyekto sa lungsod,
20:30kabilang umunay ghost flood control projects, road construction at daycare center.
20:35Git naman ni asistyo na pamumulitika lamang ang mga isyo na ipinukol sa kanya.
20:39Itinanggi rin niyang may ghost projects sa kanyang distrito.
20:42Hinihintay rin anya nila ang kopya ng reklamo para masagot ito ng maayos.
20:47Sinusubukan din naming makuha ang panig ng iba pang inereklamo.
20:50Ako si Joseph Morong, ang inyong sakit.
20:53Pusilin magpaulahan sa susunod na araw ang low pressure area o LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
21:00Uli itong namataan, 825 kilometers silangan-timog silangan ng northeastern Mindanao.
21:06Ay sa pag-asa, hindi inaasang magiging pagyok ang LPA sa susunod na 24 oras at posible raw malusaw habang
21:13papalapit sa kalupaan.
21:15Pero magdadala po ng ulan ng trough o extension ng LPA sa malaking bahagi ng Mindanao at ilang bahagi ng
21:21Misayas sa mga susunod na araw.
21:24May localized thunderstorms at easterlies din na makaka-apekto sa iba pang bahagi naman ng bansa.
21:30Sa forecast ng Metro Weather, umaga palang bukas ay posible na ang ulan sa ilang bahagi ng Palawan at sa
21:36halos buong Mindanao.
21:38Nagpapatuloy po yan sa hapon kung saan inaasahan ang malalakas na ulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
21:43Uulanin na ang malaking bahagi ng Misayas, pati ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
21:49At sa Metro Manila naman, may tsansa ng ulan sa hapon at sa gabi.
21:55Mga kapuso, isa pong malaking pasasalamat.
21:58Dahil ang GMA News po, ang top digital video publisher sa Pilipinas basa sa datos ng Tubular Labs.
22:05Sa ilalim po yan, ang kategoryang News at Politics simula January hanggang April 2026.
22:13Worldwide, pumapangatlo ang GMA News sa top publishers sa parehong kategorya para sa buwan ng Abril.
22:19May combined 3.6 billion views ang GMA News sa Instagram, Facebook at YouTube.
22:27Salamat po sa inyong patuloy.
22:30Wala pa man ang Super El Niño bumaba ng level ng tubig sa ilang dams sa bansa.
22:35Saksi si Oscar Oida.
22:41Kahitagal ding natenggan ang lumang Wawa Dam bilang source ng tubig.
22:45Kaya nagsilbi na lang na pasyalan, lalot na sa paghita ng mga bundok na ayon sa alamat ay pinag-iwalay
22:52ni Bernardo Carpio.
22:54Pero ngayon, dahil sa bagong pasilidad sa Upper Wawa o mas mataas na bahagi nito sa Rodriguez Rizal, nakukuha na
23:03na muli ng tubig ang bagong Wawa Dam.
23:07Ipinangsusuplay ito ng tubig gripo sa Antipolo.
23:10For the last 50 years, as mentioned, we only rely on Anggat Dam.
23:17Itong Upper Wawa mismo, it's around 120 million cubic meters volume na kayang isupply.
23:25Meron tayong extra water to augment itong looming El Niño natin.
23:30Tamang-tama rin ito para tulungan ng Anggat Dam na pinagkukuna ng tubig gripo ng Metro Manila at mga kalapit
23:38na probinsya.
23:40Bunga-baba na kasi ang level nito.
23:42Una, mainit. Siyempre, pulang tayo sa yung inflow ng tubig.
23:49And then, nag-evaporate din po yung water from dam.
23:53And then, siyempre, malakas din yung utilization ng domestic.
23:56Wala pa man ng Super El Niño, nasa 7.77 meters na itong mas mababa sa rule curve elevation.
24:04Ang rule curve elevation po kasi, ito po yung level ng tubig na dyan kung saan ito ay sapat na
24:09nakapagbibigay ng alokasyon para magampanan po yung mga functions nito.
24:137.93 meters below rule curve elevation naman ang San Roque Dam na nagsusupply ng irigasyon sa Pangasinan.
24:20Bukod pa, nagpoproduce ng kuryente.
24:23Mas matindi naman ang Pantabangan Dam sa Nueva Ecea na 15.98 meters below rule curve elevation na.
24:32Kung meron mang maayos-ayos ang sitwasyon, yun ay ang Magat Dam na mas malaki at nakikinabang sa mga pagulan.
24:39Sa pangkalahatan, sinabi na pag-asa na sapat pa naman ang tubig hanggang sa matapos ang taon.
24:46Ang anggat, inaasahang makakarecover pagpasok ng tagulan.
24:52Pero pinaghahandaan pa rin ang Super El Niño na ang epekto sa mga dam ay mararamdaman sa susunod na taon.
25:00Meron naman pong mga interventions na ginagawa yung ating mga agency responsible.
25:06Pagpakaalimang mga parang po tayo ng what we share.
25:08Ako si Oskeroyd ang inyong.
25:15May malaking revelasyon daw si Jillian Ward sa kauna-unahan niyang solo concert sa Junyo.
25:21Ano naman kaya ang relasyon niya sa kasama niyang nanood ng concert nitong weekend ating saksihan?
25:31Kontrolado pa rin ni Sir Tomas yung sitwasyon.
25:34Ngayong magtatapos na ang GMA Prime series na Never Say Die,
25:38Ready na si Jillian na humarap sa bagong challenges.
25:41Up next sa career ng star of the new gen,
25:44ang pagiging judge sa The Clash Teens.
25:47Nagsisinging lessons na rin po talaga ako ngayon para syempre mas may knowledge po ako.
25:52Ang pinaka-role ko sa The Clash ay hindi lang bilang isang judge sa mga bosses nila,
25:59pero sa star factor nila on stage.
26:02Kasi naniniwala po ko na sobrang importante rin talaga yung pagiging storyteller ng isang artist.
26:10First ever solo concert naman ni Jillian sa July.
26:13At meron daw siyang big revelation.
26:15Ano ba or sino ba ang big reveal mo siya?
26:19Abangan, abangan.
26:21Matapos ang maaksyong eksena ng Never Say Die, gusto naman ni Jillian na light ang sunod niyang project.
26:27Pero I think next ko pong gusto naman gawin is siguro rom-com or something na feel good po yung
26:35show.
26:36Speaking of kilig, hot topic online si Jillian itong weekend.
26:40Matapos siyang makita sa isang concert kasama ang kapwa sparkle star na si Kobe Brown.
26:46Ayyan, nanonood po kami yung concert ni Jessica Sanchez.
26:50Was it a date?
26:51Grabe, it's a date.
26:53Kayo talaga pag-re-dakita kayong kasama ko date agad.
26:57Basta ako po talaga I want to enjoy my life.
27:00So manonood at manonood ako ng mga concerts.
27:03And ayun, I want to...
27:06Ano?
27:07Wait lang, you're at a loss for birth.
27:08Hindi ko alam sasabihin ko.
27:12Season 1 meets Season 2.
27:14Matinding ko labanan ang masisilayan ngayong linggo dahil ang dance stars mula sa Season 1 ang makikipag-team up sa
27:22celebrity and peepop dance duos.
27:25Makakasama ni na Chanti Videla at Alamad Jow si J.M. Irivere.
27:29Si Kakay Almeda magpe-perform kasama si na Paul Salas at Calista Dennis.
27:35Si Zeus Collins naman ang katriyo ni na Jasmine Curtis-Smith at First One Joker.
27:40Si Joshua De Sena para kina Rocco na Sino at Sophia ng Kaya.
27:45Si Vision Patrick naman ang kasama ni na Sugar Mercado at Jeremy ng Horizon.
27:50Major milestone para kina Megan Young at Mikael Daez.
27:55One year old na ang panganay nilang si Leon.
27:58Kumpleto ang family of three habang sineselebrate ang birthday ni Leon with balloons and bubbles.
28:03At syempre, hindi mawawalang kanilang fur babies.
28:07Bumuhos ang greetings mula sa celebrity friends ng kapuso couple.
28:11Recently, kasama ni na Megan at Mikael si Leon sa kanilang mga pumamasyal gaya sa Baguio City at sa Japan.
28:18Sabi nga ni Mikael, enjoy ng kanilang anak ang mga jungle gym at playground.
28:23Kabanding din nila si Leon sa coffee sessions.
28:26Pero kung kape kay Dada, milk naman para kay baby.
28:30Ako si Bona Kinong, inyong saksi.
28:34Mga kapuso, idineklara ni Pangulong Bambang Marcos na regular holiday ang May 27, araw ng Merkules, bilang pag-obserba ng
28:43Idil Adha.
28:46At maraming salamat po sa inyong pagsaksi. Ako po si Pia Arcangel.
28:49Ito po ang GMA News.
28:51Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
28:53Doon at ngayon, servisyo.
28:55Totoo.
28:56Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging.
28:59Saksi!
Comments