00:00Mga kapuso, may panibagong issue sa Senado.
00:03Bukod sa impeachment at sa pag-aresto kay Sen. Bato de la Rosa,
00:06ito ang tila tampuhan dahil sa hindi umano pangamusta
00:10ng minority senators sa mayorya na naipit noon sa gulo sa Senado.
00:14Pero kinontrayan ng ilan sa minorya at may source po ang GMA News
00:19na naglabas pa ng resibo.
00:22Nakatutok si Ian Cruz.
00:27Tila may parehong hugot si na Senate President Alan Peter Cayetano
00:31at Senadora Pia Cayetano,
00:33kaugay na nangyaring tensyon sa Senado noong Mayo at 13.
00:49Agad niyang iwinasto kahapon ni Sen. Wind Gatchalian
00:53nang makausap niya si Senadora Cayetano sa plenaryo.
01:07Sa screen grab na ibinigay sa amin ang isang taga-senado
01:10na hindi namin eksaktong ipapakita alinsunod sa data privacy law,
01:15kinumusta ang mga taga-mayorya na mga senador
01:18mula sa minorya sa kanilang chat group.
01:20Ito rin ang ikinuwento ni Sen. Erwin Tulfo.
01:24Nangyari ang barilan bandang alas 7.45 ng gabi.
01:28Naging aktibo ang chat group nang mag-message si Majority Sen. Camille Villar.
01:33Parang 9.50 po, si Sen. Camille said na we're all okay.
01:42Sunod-sunod na po, 9.50, 55 yata,
01:459.56, nag-text na po si, I think,
01:49si Sen. Miggs, si Sen. Sherwin,
01:54keep safe si Sen. Bam.
01:57Ako din po, sa akin po, 9.57 po pumasok,
02:02praying for all of you.
02:03Kasi po, papunta po ako ng baklara.
02:06Apag po kami ang nangungusta po sa kanila.
02:10Kasi nabalitaan na po eh,
02:12nagkumalat na po sa social media,
02:13tapos mga nag-live po sila.
02:15Ani Tulfo, baka hindi lang napansin ni Sen. Cayetano
02:19ang mga mensahe nila.
02:20Dahil sa komosyon,
02:22or sa sobrang takot po,
02:25hindi, at wala rin po siguro nagsabi sa kanya.
02:28Si Sen. Risa Ontiveros.
02:30Naguluhan umano nung gabing iyon
02:31dahil wala siyang kaalam-alam
02:33habang biyahing bakolod para sa isang aktibidad.
02:36Kasi real time at halos sabay-sabay
02:39pumasok yung mga information na
02:44we're okay, we're safe,
02:46meron din, the Senate is being attacked,
02:48pero meron din galing din sa kanila na
02:50maagang pagsabi na fireworks lang ito.
02:54And then, yung iba sa mga kasama namin sa Senado
02:57ay nagla-livestream din naman.
02:59May mga photos na lumabas
03:01nung gabing ding iyon
03:03ng mukhang payapa namang
03:05pag-upo, pagkain, pag-uusap nila.
03:10Partikular niyang pinalagan
03:11ang malisyosong mga pahaging sa minorya.
03:14Lumabas nga yang napaka-unfair
03:18at saka unsubstantiated
03:20na malisyosong insinuation
03:23laban sa aming mga minority Senators.
03:26Pumalag din si Minority Sen. Ping Lakson
03:29sa mga aligasyon laban sa kanila.
03:31Paano anya nila kukumustahin
03:33ang mga masasaya nagkakainan,
03:35nagkakape,
03:36at naka-Facebook live pa
03:38para pagbintangan lamang anya
03:40ang minority Black
03:41na may alam daw sa putukan
03:43ng baril sa Senado.
03:45Wala pang bagong pahayag
03:46si Senadora Pia Cayetano
03:48ukol sa mga naging pahayag
03:49ngayong araw
03:50ng ilang minority Senators.
03:52Mula rito sa Senado,
03:53Ian Cruz,
03:54Nakatutok,
03:5524 Horas.
03:56Mula rito sa SNAT.
Comments