00:00Hindi dumalo sa pagdinig si Sen. Bong Revilla kahapon matapos pumayag ang Sandigan Bayan 3rd Division sa hiling nito na
00:07i-waive ang kanyang appearance hinggil sa kasong malversation,
00:11kaugnay ng unawig Ghost Flood Control Project sa Pandi Bulacan. Yan ang report ni Rod Dagusad.
00:19Pinagbigyan ng Sandigan Bayan 3rd Division ang hiling ni dating Sen. Bong Revilla na i-waive ang kanyang appearance o
00:26hindi na dumalo sa pagdinig ng kasong malversation,
00:28kaugnay ng umunay Ghost Flood Control Project. Ayon kay Atty. Reo D. Anthony Balisi, Legal Counsel ni Revilla,
00:35ito'y hanggang sa matapos ang presentasyon ng mga ebedensya ng prosecution na magtatagal hanggang July 29.
00:41Ito anya ay maliba na lang kung si Revilla ay i-re-require ng korte na dumalo.
00:45Hindi na dumalo si Revilla sa pagdinig kahapon na pansamantalang nakadetain sa Quezon City Jail.
00:50Una na nagkaroon ng 30 days extension kaugnay ng pagalabas ng resolusyon kaugnay sa bail petition ni Revilla
00:56at iba pang mga kapwa-akusado nito sa naturang kaso.
00:59Samantala, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandigan Bayan 3rd Division sa kasong malversation,
01:04kaugnay ng umunay Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan, kusan umunay sangkot si Revilla.
01:09Kinumpirma ni Engineer Ferdinand Vergara Jr., Chief ng Quality Assurance Section ng DPWH, Bulacan,
01:15First District Engineering Office, na tumayong witness ng prosekusyon
01:18na wala siyang nakitang naka-attach na Construction Materials Test Report sa progress billing ng naturang proyekto.
01:24Ito'y kasunod ang pagdatanong ng korte kung kanya bang na-review ang naturang proyekto.
01:28Anya, dumadaan nito sa pag-review ng Materials Engineer,
01:31nasusundan ng Project Engineer at kalaunan ay dadahan sa Chief of Construction para sa final review.
01:36Ayon sa prosecution, kasama sa naisin ang patunayan na lumabas ang pera kahit wala namang test report na ginawa.
01:42Kasama na rito na hindi kasama ang naturang dokumento sa naka-attach ang voucher na nagpapatunay na nagsagawa ng testing.
01:48Para lumabas ang monthly certificate of payment.
01:52Rod Lagusad, para sa Pabansang TV sa Bagong Pilipinas.