00:00Ngayon na lalapit ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
00:04hinimok ng ilang eksperto ang mga Pilipino na magbantay at maging aktibo
00:09kaugnay sa naturang paglilitis.
00:11Pero sa harap niyan, may isang katanungan ngayon,
00:14paano naman umano ang pagboto ng isang senador na hindi makahaharap sa Senado?
00:21Si Elijah Canlas sa Sentro ng Balita.
00:25Iba't iba ang pananaw ng mga legal authorities
00:28patungkol sa posibleng online voting at paglalagay ng teleconference
00:32para sa paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
00:37Mainit na pinag-uusapan kung papayagan nito ng Senado,
00:40lalo na sa mga senator judge na hindi makasisipot sa trial.
00:43Ayon kay Atty. Adonis V. Gabriel ng San Beda University College of Law,
00:47may resolusyon na isinusulong upang pahintulutan ng online voting.
00:51Dagdag pa niya, isang internal rule ang botohan,
00:53kaya ang Senado lamang ang may kapangyarihang magdesisyon
00:56upol sa modality ng gagawing pagdinig.
00:58Base po sa mga media reports,
01:00meron pong resolution na inihain sa Senado
01:04na i-allow ang online voting or participation sa impeachment trial.
01:11So, unang-una po, ito ay isang internal rule.
01:15So, since ito ay isang internal rule,
01:17ang magdidesisyon po kung pwede o hindi ay ang Senado.
01:20Technically po, pwedeng mag-adapt ng rule ang Senado
01:24na mag-allow ng participation through video conferencing or online.
01:31Pero para kay Atty. Paolo Tomasen ng University of the Philippines College of Law,
01:35hindi kailanman naging option ang remote participation sa mga nagdaang impeachment.
01:39Binigyan di iniya na hindi lamang issue ng attendance at pagboto
01:42ang dapat tignan sa prosesong ito,
01:44kundi maging ang kapasidad na humarap,
01:46magsiyasat at magtanong sa nasasakdal.
01:48Yung practice ng Senado in the past does not allow for online participation,
01:53remote participation in impeachment.
01:55So, again, titingin tayo sa kasaysayan na impeachment.
01:58I think during the first impeachment kay President Estrada,
02:01may sakit si Senator Barbers.
02:04So, hindi siya nakakaparticipate doon sa proceedings.
02:07Walang expectation na pwede siyang bumoto.
02:09In that sense, importante sa Senado,
02:12hindi lang yung internal rules niya,
02:13but yung president niya, yung congressional president.
02:15Baka maging grounds at to say na,
02:17iba itong klase ng proceeding na ito.
02:20Hindi ito normal legislative process.
02:22High power siya ng Senate.
02:23Baka dapat mas exacting tayo doon sa attendance.
02:26Nanumpana ang mga Sen. Judge nitong nagdaang lunes,
02:29kung saan tanging si Sen. Ronald Bato de la Rosa
02:32ang wala sa nasabing seremonya.
02:33Ayon kay Atty. Maria Soledad de Riquito Mawis,
02:36chairperson ng Philippine Association of Law Schools,
02:39nakasaad sa batas,
02:40na dapat ihayag muna ng Senador ang kanyang kinaroroonan
02:43bago maging valid ang online participation nito.
02:45Ibig sabihin, dapat malinaw kung nasaan siya
02:48habang isinasagawa ang pagdinig
02:50at limitado lamang ito sa teritoryo ng Pilipinas.
02:53Dapat sabihin niya kung nasaan siya.
02:54So ang katalungan ngayon,
02:57is he willing to disclose his whereabouts?
02:59Hindi niya pwedeng sabihin,
03:01secret?
03:02Hindi niya pwedeng sabihin niya,
03:03kasi kailangan nyo nasa teritoryo.
03:05Pala, isipan din sa ngayon kung magre-reflect ba
03:07ang majority-minority divide
03:09sa actual vote sa impeachment.
03:11Ako, meron akong faith in how past impeachments,
03:15yung initial minority-majority divide,
03:18hindi yun yung lumalabas na verdict in the last vote.
03:21Even in the second envelope vote,
03:23hindi yun yung majority-minority
03:24nung nagsimula yung impeachment trial.
03:26Kasi once nandyan na yung ebidensya,
03:29mahirap na hindihan yung katotohanan.
03:31Hinimok din ni Atty. Mawis
03:32ang aktibong pakikilahok ng publiko
03:34bilang isang mahalagang bahagi
03:36ng pagdedesisyon ng mga uupong Senator Judge.
03:39Malaki rin aniya ang parte ng media
03:40sa paghubog ng isang lipunang
03:42may kritikal na pagtanaw sa usapin ng bansa.
03:44Kasi depende sa binabasa mo
03:46kung ano yung katotohanan.
03:49Kaya minsan yung katotohanan
03:50depende sa sumulat.
03:52Kaya malaking bagay din
03:54na magkaroon talaga ng
03:55yan, TV, mapanood natin
03:57tayo mismo ang humusga
03:59kung anong nangyayari
04:00hindi lang yung
04:01sige babasahin ko na lang.
04:03Kasi minsan nakakatakot magbasa
04:05dahil depende sa sumusulat
04:07kung anong gusto niyang ipalitao.
04:09Walang kasiguraduhan
04:10kung tatagal ang paglilitis
04:11ngunit iwala ang mga eksperto
04:13na gagawin ng mga senador
04:14ang kanilang tungkulin
04:15ayon sa ebidensya.
04:17Elijah Canlas
04:18para sa Pambansang TV
04:19sa Bagong, Pilipinas.
04:21Sofie a Pilipinas.
04:22M 가pea
Comments