00:00Tinunton at sinalenge ng Philippine Coast Guard ang iligal na presensya ng barko ng China Coast Guard malapit sa coastline
00:08ng Pundakit, Zambales.
00:10Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Jay Tariela,
00:16unang natukoy ang barko na CCG 4305 sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas,
00:24gamit ang Dark Vessel Detection Program ng Canada.
00:27Agad naman umanong ipinagutos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Hill Caban
00:33ang deployment ng aerial at surface assets.
00:36Nang matukoy ang lokasyon ng barko ng China,
00:39ay agad naman umanong nag-radio challenge ang PCG aircrew,
00:44bagay na hindi umano sinagot ng barko ng China.
00:48Nagpunta din aniya ang BRP Cape San Agustin sa lokasyon ng CCG Vessel
00:54at nagsagawa ng walang patid na radio challenge.
00:57Giit ni Tariela, ang pag-radio challenge ng PCG sa barko ng China
01:02na may hindi otorizado na presensya sa ating teritoryo,
01:06ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:11na huwag hayaang maging normal ang iligal na pagpapatrolya ng CCG
01:15sa loob ng ating teritoryo.
01:18받us sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Comments