00:00At kognay pa rin ng usapin tungkol sa power supply, brownout at iba pa, makakausap natin si Department of Energy
00:06Undersecretary Mario Marasigan.
00:08Yusek, Mario, magandang umaga po. Si Joshua Garcia po ito ng Rise Engine Pilipinas.
00:14Magandang umaga po sa ating lahat, lalong-lalong lang po sa ating mga taga-subaybay.
00:19Okay. Yusek, kumusta po ang supply ng ating kuryente ngayon sa Metro Manila, sa Luzon, Visayas at Mindanao?
00:27Maraming salamat po. At sa kasalungkuyan po, nakikita natin na meron na tayong sapat na supply at reserva para po
00:36sa kalakihan ng Metro Manila at Luzon grid area.
00:40Sa Mindanao, ganun din po, may sapat tayong supply pati reserva.
00:44Ngunit sa Visayas po, dito po tayo meron konting kakulangan pagdating po sa reserva kung kaya't meron na pong deklarasyon
00:52ang ating system operator,
00:55ang National Grid Corporation of the Philippines, na meron pong posibilidad na magkaroon tayo ng yellow alert sa pagitan po
01:02ng alas 3 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi ngayong araw na to.
01:07Yusek, pakipaliwanag po, ano po ba yung mga dahilan ng mga power outages o brownout sa ilang parte ng bansa
01:12sa kabila po ng mga nabanggit nyo na meron namang sapat na supply ng kuryente?
01:44Maraming salamat po ulit.
01:46Maraming mga incidente po, kung kaya't kinakailangan mag-shutdown po ang mga planta.
01:51Ito pong nakaraan linggo, ang pangunahin pong dahilan kung bakit nagkaroon po tayo ng yellow alert sa Visayas,
01:58ito po nauna, May 12 pa lang po, meron na tayong yellow alert,
02:02ay dahil po sa di inaasahang pagkakasunod na pagbagsak ng ating planta ng kuryente na may kalakihan.
02:08Ito po yung termo ng Visayas na meron dalawang unit na may kapo ang 300 MW at pati po yung
02:16isang planta natin sa Panay na meron pong kapasidad ng 150 MW.
02:23Kung yung tatlong facilities pa lang po na yun, 450 MW na po ang nawala sa Visayas.
02:29Ngunit, ang Visayas naman po ay nag-i-import ng kuryente buhat sa Mindanao at sa Luzon.
02:35So, kahit po may yellow alert, wala pa po tayong red alert.
02:39Ang pangyayari po, noong May 13, ito po yung hindi natin inaasahan na ang naging dahilan po na kapakulangan ng
02:46supply ng kuryente,
02:47ay kinailangan mag-shutdown ang ating mga natural gas facilities sa Batangas,
02:53lalong-lalo na po yung ating Ilihan power facilities at yung excellent energy resources na meron pong tatlong unit
03:01sa kadahilanan po na dalawang major transmission facilities ang nagkaroon po ng tripping.
03:08Ito po ay yung Dasparinas-Ilihan at Dasatayabas-Ilihan 500 KB transmission lines.
03:17Ito po kasing dalawang linya na ito, ito po yung nag-uugnay doon po sa mga planta natin ng kuryente
03:23sa Batangas.
03:24Kaya't nung mawala po sa servisyo yung linya, napilitan po mag-shutdown ang ating mga planta ng kuryente.
03:32Nadagdagan po po yan ng iba pang mga planta na sa di inaasahan din pong pangyayari ay nag-trip.
03:38Kahit po sila nakabalik kagad, the same day or the following day,
03:43yung pong hindi kaagaran na pagbalik ng mga planta natin ng natural gas,
03:49kaya po nagpatuloy na magkaroon tayo ng yellow at red alert hanggang diyanes po nung nakaraan linggo.
03:57Okay. Sa paning naman po ng Energy Department, USEC,
04:00ano na ano po yung mga ginagawa niyong hakbang para po masolusyonal na mga ito?
04:04Maraming maraming salamat po. Ano ulit, no?
04:06Unang-unang po, inactivate na po natin yung Green Reliability Task Force
04:11para po mag-imbestiga kung ano talaga ang mga pangyayari,
04:15ano ang mga dahilan at ano ang dapat na solusyon
04:19para maiwasan po ito sa mga susunod na araw o susunod na linggo.
04:22Pangalawa po, minumoritor po natin na maigi yung mga bagong proyekto na papasok po,
04:28lalong-lalong na po, meron po tayong 25 proyekto na tinitingnan natin na dapat ay nakapasok na itong Abril.
04:35So, sa kasalukuyan po ay nag-undergo na testing and commissioning
04:39at ito po ay may kabuo ang 1,400 MW sa karagdaga supply sa Luzon.
04:46Pangatlo po, biarabantehan din natin na iba pa mga proyekto,
04:49lalo na po sa Visayas, kung kailan sila makakapasok.
04:53At doon naman po sa mga planta na naka-outage sa ngayon,
04:57nagbigay na po kami na ang panawagan na mag-submit na sila na kanilang mga report.
05:03Detalyado po ito, umpang magpanan po natin kung ano man ang pwedeng tulong na may ibigay natin sa kanila
05:09para lang makapalik agad sila sa servisyo.
05:12At pang-apat po, kami po ay nananawagan sa ating mga konsumidor
05:16na sana po alam po natin pagtag-init, kinakailangan natin ng mas mataas na servisyo ng kuryente
05:23pero sana po gumamit tayo, maging masino po tayo
05:26at mag-observa po tayo ng tinatawag nating energy efficiency and conservation.
05:32Hindi po natin kailangan lamigin tayo sa paggamit ng aircon.
05:36Yung pong sapat na temperatura lamang, kami po ay nananawagan na pwede po naman sanang
05:41iset ang ating mga temperatures na 24 degrees sa halip po ng 16 or 18 degrees.
05:47Kung maaari po, gumamit din po tayo ng ating mga appliances sa takdang oras
05:54o sa naaay ng oras kung tayo po ay mamablansya, kung pwede po sa gabi at huwag sa araw
05:59kasi sa araw po, mas mataas po ang demand natin.
06:02Samantala sa gabi, bumababa po na po ang demand kung kaya't makakatulong po tayo na mag-deviate kung saan.
06:10At pagdating naman po sa mga malalaking enterprises natin o mga consumidor ng kuryente,
06:17kami po ay nananawagan na patuloy na makapag-ugnayan sa kanilang mga distribution utilities
06:22at kung kinakailangan po ay sumali sila doon sa tinatawag nating interruptible load program
06:28kung saan magbabawas po sila ng kanilang demand, ng kanilang konsumo
06:32at kung meron silang pasilidad na pwedeng gamitin para pansamantalan sila nilang patakbuhin
06:38at gamitin pagmula ng kanilang kuryente, yun po ang ating mga sinasaan.
06:43Okay, Yusek, ayon po sa pag-asa, nasa transition phase na tayo nang papunta na tayo sa panahon ng tag
06:48-ulan
06:49na maaaring mag-resulta sa pagbaba ng demand sa kuryente.
06:52Pero may posibilidad po ba magkaroon ulit ng rotational power interruption sa inyong istima
06:57o manual load dropping kung magpapatuloy pa po ang manipis na power reserves?
07:02Sa ngayon po, dahil po sa Luzon, wala na tayong nakikita na dapat maging rason
07:07para muli tayong magbalik na magkaroon ng yellow or red alert.
07:11Kailangan po ibandayan natin ng ating mga stakeholders na maigay ang kanilang mga pasilidades
07:16to prevent po kung ano man yung mga untoward incident na pwede pa mangyari.
07:22At sa pagpasok naman po ng tag-ulan, hindi po tayo tumitigil
07:25kasi bumabaman po ang temperatura, bumabaman po ang ating paggamit ng kuryente.
07:35Nandyan pa rin po yung banta naman po na malakas na tag-ulan
07:38na nakaka-apekto rin sa ating mga pasilidades sa energy.
07:43Ganon din po ang panapatuloy namin pananawagan na maging papagmantyag po ang lahat.
07:48Kasi alam nyo, meron din mga pangyayari na localized, very localized po.
07:53Kung may i-report kagad yung mga incidente, kagaya po ng pagputol ng linya,
07:59pagsabit po ng mga saranggola sa ating mga linya
08:02kung saan nagtitrip ang ating mga servisyo,
08:06kami po ay nananawagan sa lahat ng konsumidor natin na makiisa sa ating advokasya.
08:10Salamat po.
08:11Yusek, sa inyong perspective po, sa inyong pananaw,
08:14since taon-taon natin naranasan itong tag-init,
08:17gaano po kahalaga ang pagpasok ng renewable energy
08:20at mga bagong power sources sa pagpapalakas ng seguridad sa enerhiya dito sa ating bansa?
08:26Ang pagpasok po ng ating renewable energy ay maituturing na isang malaking tulong para sa ating bansa.
08:33Unang-unang po,
08:34baka karagdagang kapasidad ng kuryente may dudulot nito
08:38at kung atin po mararating yung ating target na 35% na ng renewable ang ating energy generation by 2030,
08:45ay malaking tulong po yun sa ating grid system.
08:49Pangalawa po, yung tinatawag nating energy security.
08:52Kung daragdagan po natin ang renewable energy,
08:55mababawasan naman po ang pag-importa natin ng mga fuel na galing sa ibang bansa.
09:01Indigenous po yan kung kaya hindi po tayo magiging apektado ng supply
09:06at ganun din po sa pabago-bagong presyo ng mga fuel natin,
09:11especially po yung diesel, natural gas at yung coal.
09:15Pang-apat po, pag tinawag po natin yung ating panawagan,
09:19yung pananawagan upang mapanatili natin na malinis ang ating kapaligiran
09:26para po sa mga hinaharap nating generasyon.
09:30Ito po ay pagbabalik, pagbibigay natin sa kanila ng magandang pamana.
09:35May sapat na daloy ng kuryente sa malinis na pamamaraan.
09:41Alright, maraming maraming salamat po sa inyong oras,
09:43Department of Energy Undersecretary Mario Marasigan.
09:47Magandang umaga po.
09:48Maraming maraming salamat din po sa pagkakataong binigay ninyo
09:51na makapagbigay kami at makatid na magandang malita.
09:55Mabuhay po tayong lahat.
09:56Thank you, Yusek.
Comments