00:00Asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay hindi po natutulog, hindi po nagbabakasyon kung hindi, walang ginawa,
00:11kundi mag-isip ng paraan kung ano ang pangangailangan ng ating mga, ng taong bayan,
00:18kung ano ang pangangailangan ng ating mga naghihirap ng kababayan,
00:23kung ano pa ang aming magawa para upang, para makatulong.
00:27Ito po ay aming ginagawa. At bukod pa ron, kami po ay nakikinig din sa inyo.
00:34Kaya sabihin po ninyo sa amin kung ano ang mga problema, anong nahaharap ninyo, anong klaseng tulong ang kinakailangan ninyo.
00:42At titignan po natin at kung kaya gawin ng pamahalaan, gagawin po natin yan.
00:47Ba't po kayong nagagaalala, nandito po ang inyong pamahalaan, nandito po ang gobyerno na nag-aalalay sa inyo,
00:56na tumutulong sa inyo at tinitiyak na yung buhay po ninyo ay maging mas maginhawa kahit kaunti lang makapagdala po
01:05ng ginhawa sa inyong mga buhay.
01:08Kaya po, ito po ang ating programa. Nandito po ang inyong gobyerno, nakikinig at hindi lamang nakikinig kung hindi ginagawa
01:17ang lahat upang tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan.
01:22Maraming maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyo lahat.
01:38Maraming salamat po. Magandang umaga.
Comments