Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita at tiklo, ang isang lalaking nag-amok habang may hawak na patalim sa Zamboanga City.
00:06Aresado rin sa Rizal ang suspect sa pangahalay sa babaeng 16 anos.
00:11Ating saksiha!
00:15Sinodyan ng mga operatiba ng Kainta Municipal Police Station ng Municipal Ground sa barangay San Isidro, Kainta Rizal kahapon.
00:22Nagbunga naman ang kanilang operasyon at nalambat ang 39 anos na suspect.
00:26Naharap siya sa mga kasong rape, sexual assault at acts of lasciviousness.
00:31At ang sinasabing biktima, menor na edad na 16 anos.
00:36Nagsimula ang insidente ng pangahalay ay 2023 pa.
00:42So, yung mga panahon na yun ay hindi nagsusumbong yung bata sa kahit sino.
00:53Tapos, nitong pagpasok ng 2026, nakatatlo pang insidente.
01:00Isinasagawa raw ang pangahalay kapag wala ang magulang ng biktima.
01:03Nakakulong na sa Kainta Municipal Police Station Custodial Facility ang suspect.
01:08Tumanggi siyang humarap at magbigay ng kanyang panik.
01:11Sa Zamboanga City, nahulikam ang isang lalaking armado ng patalim at nag-aamok sa tapat ng isang butika.
01:17Ilang lalaki ang lumapit sa kanya para kausapin na bitawan ang patalim.
01:21May polis na rumesponde sa lugar pero wala rin nagawa dahil galit na galit ang lalaki.
01:27Gamit ang isang kahoy, hinampas sa kamay at tuluyan ang nabitawan ang patalim.
01:31Kinuyog siya ng mga lalaki sa lugar at pinusasa ng polis para dalhin sa police station.
01:36Nakuha sa kanya ang isang kitchen knife.
01:38Naharap siya sa reklamong resistance and disobedience to a person in authority.
01:43Ako si Dan at Ingkoongkong inyong saksi.
01:46Paharap sa status conference sa May 27, ang itinilagang bagong abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:52Papalita ni Atty. Peter Haynes, si Atty. Nicholas Kaufman.
01:56Pinili si Haynes ng partner ng dating Pangulo na si Honeylet Avancenya at ng anak nilang si Kitty Duterte.
02:03Sila na ngayon ang humahawak sa usaping ligas sa kaso ni Duterte sa International Criminal Court.
02:09Ilan po sa mga ipinagtanggol ni Haynes ay si Jean-Pierre Bemba ng Democratic Republic of Congo na kalaunay napawalang
02:16sala sa kasong war crimes at crimes against humanity.
02:20Bilang international criminal and humanitarian lawyer, iba't ibang kaso na.
02:24Ang hinawakan ni Haynes gaya ng kasong may kaunayan sa murder, serious fraud, sexual offenses, at human trafficking.
02:33Sinabi po ngayon ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na posibleng magkaroon din ng ICC warant laban sa dalaw pang
02:40co-perpetrator sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
02:45Ay po kay Trillanes, yan ay si Sen. Bongo at dating PNP Chief Oscar Albayalde.
02:51Saksi si June Veneracion.
02:56Matapos lumabas ang arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Sen. Bato de la Rosa,
03:02posibleng maharap din umano sa Sen. Bongo sa warrant ng ICC.
03:07Batay sa impormasyong nakuha din dating Sen. Antonio Trillanes IV,
03:11nakaumang na umano ang warrant of arrest ng ICC para kay Go bilang co-conspiratory dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:18sa kasong crimes against humanity of murder and attempted murder.
03:23Ang susunod po ay si Sen. Bongo. Pero para lang maliwanag, ito ay baka medyo buwan pa ang binibilang natin.
03:32Hindi man tiyakong kailan, nakasisiguro sa Trillanes na magkakawarat din si Go.
03:38Gaya ni de la Rosa, isa si Go sa nabanggit na co-conspirator o manonang dating Pangulo.
03:42Batay sa dokumentong naglalaman ng charges sa ilalim ng crimes against humanity,
03:47akosasyon laban sa dating Pangulo kay Go at iba pang law enforcement official
03:52nung panahong alkaldi sa Duterte sa Davao City,
03:55ginamit umano nila ang mga polis Davao at ang Davao Death Squad para pumatay ng kriminal.
04:01Sabi ni Trillanes, inereklamo si Go sa ICC dahil nung kasagsagan ng mga extrajudicial killings,
04:08ay si Go umano ang tagabigay ng reward sa bawat assassination
04:12bilang leader o manonang special operations group ng National Death Squad di Duterte.
04:18Ito yung pagbabayad o pagiging accountable.
04:21Noong namamayagpag sila, wala silang pakialam sa buhay ng Pilipino.
04:26Pero ito na, singila na ito.
04:28Bukod kina de la Rosa at Go,
04:30posibleng ma-issuehan din daw ng ICC warrant si dating PNP chief Oscar Albayalde,
04:35sabi ni Trillanes.
04:37Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ni Go at Albayalde.
04:40Pero dati na iginig ni Go na walang basihan,
04:43one-sided at hindi patas ang aligasyon laban sa kanya.
04:47Itinanggi rin niya ang anumang pagkakaugnay sa mga patayan.
04:51Sabi naman noon ni Albayalde sa isang panayam,
04:54gagawin niya ang lahat ng legal na hakbang
04:56kung ipapaaresto siya ng ICC.
04:59Ako si Jim Van Rasyon, ang inyo, saksi.
05:02Patay ang isang rider mga tapos sumalpok sa nakaparadang motorsiklo sa Ilocos Norte.
05:06At sa Sorsogon, dalawa ang patay sa bangga ng multi-purpose vehicle at bus.
05:11Ating saksiha!
05:16Maingat at kalkulado ang galaw ng mga responding rescuer
05:19habang sinasagip ang mga pasahirong sakay
05:21ng mga sasakyang nasangkot sa disgrasya
05:22sa Marlica Highway sa bahagi ng Barangay Ranga sa Huban Sorsogon kahapon.
05:26Batay sa investigasyon ng Huban Municipal Police Station,
05:29binabagtas ng isang multi-purpose vehicle ang highway
05:32nang aksidente ang mapasok nito ang kabilang linya sa isang kurbadang bahagi ng kalsada.
05:36Kasunod nito, bumangga ito sa kasalubong ng pampasaherong bus.
05:40Dahil sa lakas ng banggaan,
05:42nagtamo ng iba't ibang sugat sa katawan ang driver at mga pasahero ng multi-purpose vehicle.
05:46Agad silang isinugod sa Erosin District Hospital.
05:49Sa labi-isang dinala sa ospital,
05:51dalawa ang idineklarang dead on arrival.
05:54Dinala sa himpira ng pulisya ang driver ng bus para sa investigasyon.
05:58Sa pagod po di Locos Norte,
05:59patay ang rider ng motorsiklo matapos tumilapon sa bahagi ng Poblasyon 2.
06:03Sugata naman ang kanyang misis at apatataong gulang na anak na lalaki.
06:07Sa investigasyon, biglang nawala ng kontrol sa manibela ang rider
06:10at bumangga sa nakaparadang motorsiklo.
06:13Sa lakas ng impact, tumilapon ang rider at bumangga sa bako datposte ng solar light.
06:17Isinugod naman ang mag-ina sa pinakamalapit na ospital.
06:20Ako, si Rafi Tima, ang inyong saksi.
06:23Hindi po nagustuhan ni Vice President Sara Duterte
06:26ang tangkang pag-aresto kay Sen. Bato de la Rosa.
06:29Sa Senado po yan kahapon.
06:33Mali yan.
06:34Tulad ng ginawa nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte,
06:38mali din yun.
06:40Dahil ang isang warrant of arrest galing sa labas ng Pilipinas,
06:46hindi issued by a Philippine court,
06:48should be presented in a Philippine court.
06:52Nag-commentary ng pangalawang Pangulo sa inihayang resolusyon ng limang Senador
06:57na humihikaya at na sumuko na sa mauturidad si de la Rosa.
07:03Hindi yan panawagan ng kahit sinong tao.
07:06Dahil ang isang warrant of arrest na hindi issued by a Philippine court
07:11cannot be implemented in Philippine soil.
07:16Kagrepo ng plano ni Sen. Robin Padilla
07:19na i-reklamo sa ethics committee si Sen. Kiko Pangilinan.
07:21Sinabi ni Pangilinan na walang basihan at walang kwenta ang reklamo laban sa kanya.
07:27Sa tagal daw niya sa Senado,
07:28hindi daw talaga naiiwasan ang pagtataas ng boses sa mainad na debate.
07:33At kung labag daw sa ethics yun,
07:35marami na daw mga Senador ang sinampahan at pinarusahan.
07:38Ang kay Pangilinan,
07:40huwag maging balat si Buyas.
07:42Hihintayin daw niya ang reklamo.
07:44At kung sakali,
07:45sasagutin daw niya ito ng kontra-reklamo.
07:48Si Padilla Rao ang lumabag sa parliamentary rules at nagpanta,
07:54nanakot at nanindak sa kanya.
08:01Tiniyak po ni Sen. President Alan Peter Cayetano na agad a-aksyon ng Senado
08:05oras na ma-i-transmit sa kanila ang articles of impeachment
08:08laban kay Vice President Sara Duterte.
08:11Saksi si Tina Panganiban-Ferez.
08:16Kasabay ng pagpapalit ng liderato sa Senado kahapon
08:20ay ang botohan sa Kamara kaugnay ng impeachment ni Vice President Sara Duterte.
08:25Kinagabihan,
08:26formal nang naendorso ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment.
08:31Pero hanggang ngayon,
08:32hindi pa ito naipadadala sa Senado.
08:35So, kanina nakausap ko ang ating SecGen
08:39at sila ay nagaantay na lamang kung kanino sila makikipag-coordinate.
08:44Kasi may change sa leadership.
08:47So normally, pag may change sa leadership,
08:49nagpapalit niya ng mga SecGen,
08:51nagpapalit ng Sargent at Arms.
08:54Wala pa advice na?
08:55Actually, as of now, wala pang ting-communication from the House.
09:00Regarding that,
09:01that's what's up.
09:02Ayon kay House Secretary General Chelo Ygarafil,
09:06kasalukuyang nagre-reproduce ang HOR Secretariat
09:09na mga kopya ng articles of impeachment para sa Senado.
09:14Aabot daw ang mga ito sa ilang libong pahina.
09:17At kasalukuyang pang pinagsasama-sama at sinitshek
09:20para matiyak na akma ito sa inaprubahan sa Kamara.
09:24Sa oras na tanggapin ng Senado
09:27ang resolusyon nagtatakda ng articles of impeachment,
09:30sabi ng ilang kongresista,
09:32kailangang mag-convene agad ito bilang impeachment court.
09:35Pero apektado kaya ito ng pagbabago sa liderato ng Senado?
09:39Ano mo ba ang balak nila ng bagong majority
09:42sa proseso ng impeachment?
09:44Karamihan, noong majority of 13 ngayon
09:48ay mga pro-Duterte.
09:50Sinasabi ni Senate President Alan Peter Cayetano
09:54na ito'y walang kinalaman sa impeachment
09:57bagamat marami ang nagdududa sa timing.
10:01Pero sa akin naman po,
10:03bigyan po natin,
10:07bigyan natin siya ng pagkakataon
10:10na patunayan na ito'y walang kinalaman.
10:13Sabi ni Senate President Alan Peter Cayetano,
10:17a-actionan daw agad ng Senado
10:19ang articles of impeachment
10:20kung may itatransmit ito
10:22dahil tungkulin nila ito
10:24sa ilalim ng saligang batas.
10:26Kung na natanggap niyo impeachment,
10:27mag-convene kayo immediately?
10:29Fourth week.
10:30To the next day, sir?
10:31To the next day.
10:32So, I consulted also, Sen. Soto.
10:35Sabi niya, process,
10:36ibigay muna sa committee.
10:37So, we will do what has to be done
10:40and there won't be delays.
10:42Umaasa rin daw siya
10:43na makakapag-all member caucus bukas
10:46para mapag-usapan ng iba't-ibang issue
10:48kabilang ang impeachment trial
10:50ng vice-presidente.
10:52Si Senadora Risa Ontiveros,
10:54hindi raw nawawala ng pag-asa
10:56may mararating ang impeachment sa Senado.
10:58Ang gusto ko pong sabihin sa mga gababayan
11:02na nabibismayas na nangyari mula kahapon,
11:05basta, hindi tayo tumiklop noon
11:07at hindi rin po tayo ipiklop ngayon.
11:10Hindi ko pa alam in terms of the numbers,
11:12pero ito nga yung panawagan ko sa liderato,
11:15bagong liderato sa Senado at sa aming lahat.
11:18Though we may disagree with each other
11:20on certain issues,
11:21dapat malinaw yung katapahanan
11:23na sa konstitusyon.
11:24Si Sen. Robin Padilla naman,
11:26na nooy nagsasabing tututulan
11:28ang pag-convene ng Senate Impeachment Court,
11:31sinabi na ngayong mayorya na siya
11:33tuloy ang impeachment sa Senado
11:35sa kabila ng pagpapalit nito ng liderato.
11:39Kayaan?
11:40Kayaan?
11:42Mamatay yun dahil ang konstitusyon malinaw.
11:46Sabi ng konstitusyon,
11:48pag ginala sa amin yun,
11:50kailangan kaming mag-convene.
11:52Pero bilang legislators,
11:55pwede kami magsalita.
11:57Bilang mga ako,
11:59bilang BVP laban,
12:00bilang alay,
12:02ng vice president,
12:04pwede ako magsalita as legislator.
12:07Nagbabala naman ang ilang kongresista
12:09kung hindi agad mag-convene ng Senado.
12:12Kahit sino ang magiging leaders ng Senate,
12:15klaro naman ang ating konstitusyon,
12:17basta't napadala yung articles of impeachment sa Senado,
12:21they must immediately conduct a trial.
12:24Once the impeachment court convenes,
12:26they are bound by the Constitution.
12:28And the Constitution says,
12:30conduct a trial.
12:31It does not give an option to the Senate
12:33to dismiss the case outright.
12:35Pero posibleng hindi agad
12:37makapagsagawa ng paglilitis,
12:39oras na mag-convene ng Senate impeachment court,
12:42dahil may mga preliminary steps parao
12:44na pwedeng gawin.
12:46Pero may babala si Delima.
12:47Because the act of convening and conducting trial
12:51is a ministerial duty
12:54as can be seen from the Constitution.
12:59Wala silang option,
13:01wala silang discretion,
13:02prerogative o kapangyarihan
13:04na huwag itong gawin.
13:07So dapat gawin nila yan.
13:09Kasama si Nadalima,
13:10Jokno at Shua
13:11sa mga hinalal na impeachment prosecutors.
13:14Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines
13:17o CBCP,
13:19hinikayat ang Senado
13:20na ipagpatuloy ang impeachment proceedings.
13:23Anila,
13:24ang pagpapaliban sa trial
13:26ay ang pagpapaliban sa hostisya
13:28para sa mga Pilipino at sa BICE.
13:31Ang kampo naman ni Vice President Sara Duterte,
13:35sinabing nire-respeto nila
13:36kung sino man ang liderato ng Senado.
13:39We respect the Senate
13:40kung sino man ang ating mga liderato
13:44will expect fairness
13:46at syempre po,
13:48alam naman natin
13:49na ang Senado
13:50ay really 24 independent republics
13:52and we have always believed
13:54that they will decide
13:56based on the evidence presented to them.
13:58Kumpiansa naman ang depensa
14:00na kaya nilang banggain
14:01ang mga ebidensya ng Kamara
14:03para patunayang walang ginawang
14:05impeachable offense ang BICE.
14:07Yung mga ebidensya na yan,
14:09unang-una,
14:09hindi yun in-attach
14:12sa mga impeachment complaints.
14:13Yung mga ebidensya na yan
14:15ay nakuha lang
14:16through the compulsory processes
14:18ng House Committee on Justice.
14:21May mga ebidensya rin
14:23umano ang depensa
14:24pero tumangging sabihin
14:25kung may ilalabas silang testigo.
14:28Hindi ko muna sasabihin
14:29siguro sa ngayon
14:30kasi we want to keep things
14:32close to our chest
14:33especially since legal strategy
14:36yung pinag-uusapan.
14:37Ako si Tina Panganiban Perez,
14:39ang inyong saksi.
Comments

Recommended