Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginit ng Malacanang na walang basihan ang impeachment complaint na inihay na isa abogado laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:07Inendos na na isang kongresista ang inihay ng reklamo.
00:11Saksi, si Tina Panganiban Perez.
00:16Ang anya'y pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court
00:22ang isa sa limang impeachable offense ng impeachment complaint na inihayin laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:28Inihayin ito sa kamara kanina ng abogadong si Atty. Andre De Jesus.
00:33We are putting the question and holding the President accountable, number one,
00:39for allowing a citizen of our country to just be whisked away, kidnapped virtually,
00:47and brought to a foreign land without due process, despite fully functioning courts here in the country.
00:54Impeachable offense din daw ang hindi pag-vito ng Pangulong sa unprogrammed appropriations sa 2023, 2024, 2025, at 2026 budget.
01:06Umano'y pagbenepisyo sa mga kickback mula sa budget insertion at ghost flood control projects
01:12at pagtatatag ng Independent Commission for Infrastructure o ICI para kanlungin umano ang mga kurakot na kaalyado.
01:21Pati ang mga aligasyong nagdodroga ang Pangulo.
01:23We're also putting to question the fitness of the President to still govern our country.
01:28Binigyang diin ni De Jesus na dapat ma-impeach ang Pangulo dahil sa graft and corruption,
01:34culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust.
01:39Iginiit din niyang wala siyang kaugnayan sa Pangulo o kay Vice President Sara Duterte.
01:44If you're asking if I'm affiliated with the Duterte, no, I am not.
01:47No, I have no links with the President.
01:50I've never met either the President or the First Lady.
01:55That's the thing.
01:56There's that accusation that this is intended to trigger the one-year ban, right?
02:01Inendorso naman ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylist Representative Journey Jet Nisay
02:08ang impeachment complaint.
02:09Isa siya sa mahigit 200 kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte noon.
02:18Kabilang din siya sa mga inirekomenda ng ICI na kasuhan ng ombudsman,
02:24kaugnay sa ma-anumalyang flood control projects.
02:27Ito yung gustong pag-usapan ng taong bayan, hindi puro sa social media.
02:34Ito ay sa tamang forum natin dadalhin.
02:38At naliniwala kami sa saligang patas, public office sa public trust,
02:46that no one, not even the President, isa bang dalaw.
02:49Paglilinaw ni Congressman Nisay, hindi siya nakikipagtulungan sa kampo ng vice.
02:55Wala pang tugon o reaksyon ng Pangulo tungkol sa impeachment complaint laban sa kanya.
03:00Pero ayon sa Malacanang, nire-respeto ng Pangulo ang proseso at may tiwala siya sa kongreso bilang institusyong na atasang duminig nito.
03:10Wala rin daw basehan ng impeachment complaint.
03:13We respect this process and trust that Congress as a co-equal branch of the government will discharge its duties with honesty, integrity, and fidelity to the rule of law.
03:25Itong mga issue po na ito ay matagal na po natin nasagot. Matagal na po natin itong naipaliwanag. Walang basehan.
03:338.45 ng umaga kanina, tinanggap ang impeachment complaint.
03:38Ayon kay House Secretary General Celoy Garafil, itatransmit niya ang reklamo sa tanggapan ng Speaker alinsunod sa konstitusyon at sa rules ng Kamara.
03:49Nakasaad sa rules on impeachment na isang impeachment complaint lang ang pwedeng ma-initiate laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
03:58Hindi pa deemed initiated ang reklamong inihain kanina dahil hindi pa ito nare-refer sa House Committee on Justice.
04:06As soon as it is included in the order of business and soon enough will be referred in the Justice Committee, rest assured that the Justice Committee is ready to receive the impeachment complaint.
04:23Pinamumunuan ni Presidential Son at House Majority Leader, Sandro Marcos, ang House Committee on Rules na nagre-refer ng mga impeachment complaint sa House Committee on Justice.
04:36Well, in this particular case, I think there is no choice for him because it really says that it has to be referred to the Committee on Justice.
04:44Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ni Congressman Marcos.
04:50Si Davao City 1st District Representative Paulo Duterte, nakapatid ng vice-presidente, kinwestyo ng inihain reklamo laban sa Pangulo.
05:00Duda ni Representative Duterte, layo ng reklamo na protektahan ang Pangulo mula sa ibang impeachment complaints.
05:07Wala naman daw nakikita ba si Hans, si House Speaker Faustino Deverford para ipa-impeach ang Pangulo dahil malinaw anyang ginagawa ng Pangulo ang trabaho nito.
05:18Pero anya, trabaho nilang tanggapin ang mga impeachment complaint at dinggin nito alinsunod sa konstitusyon.
05:26Hindi rin daw ito dapat ginagamit sa pamumulitika.
05:30Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganibad Perez, ang inyong saksi.
05:35Magyitapat harang pamilyang nasunugan sa Mandanuyong.
05:40Pahirapan ng pag-apula sa apoy dahil sa masisikip na eskinita.
05:44Saksi si Bam Alegre.
05:50Alas 6 ng umaga ng sumiklabang sunog sa Barangay Addison Hill sa Mandanuyong.
05:54Damay ang bahagi ng Sitio 4 sa Barangay San Jose.
05:57Hamon sa mga bumbero ang masisikip na eskinita sa lugar.
06:00Umabot ang sunog sa ikatlong alarma.
06:02Bago na apula, pasado alas 9 ng umaga, lima ang sugatan.
06:05Isa ito sa mga naapekto ang bahay sa sunog sa tindi ng apoy ay lumundo yung harapan nito.
06:10Sa estimate ng Bureau of Fire Protection, 150 na mga bahay ang naapektuhan.
06:15Kabilang narito ang mahigit 400 pamilya.
06:172 milyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala.
06:20Kinatok na lang po kami nung kapitbahay namin.
06:23Tapos pagtingin ko po, umuusok na.
06:26Pagbaba namin, papunta na po dito yung sunog.
06:28Ini-imbestigahan ang sanhinang sunog.
06:31Para sa GMA Integrated News, ako si Bam Alegre, ang inyo, Saksi.
06:37Mulang hinanap ng mga senador kay Pasifiko Curly Descaya,
06:41ang ipinangako nilang ledger na naglalaman-umanon ng mga proyekto nila mula 2016 hanggang 2022.
06:48Mariin namang pinambulaanan ni Descaya,
06:50ang sinabi ng dalawang testigo na si Descaya Umano ang nagpangalan kay dating House Speaker Martin Romualdez bilang may-ari ng isang property sa Makati.
06:59Saksi, si Sandra Aguinaldo.
07:01Kung makikita niyong personal, si Curly Descaya, makikilala niyo?
07:10Yes, Your Honor.
07:11Pakituro niyo nga kung naandito siya sa loob ng session hall.
07:15Lapitan niyo na lang kung sino dyan sa among the resource speakers, resource persons.
07:21Lapitan mo na lang at hawakan mo na lang sa balik at hindi magagalit dyan.
07:25Ang dalawang babaeng ito na naka-face mask at naka-baseball cap nung humarap sa Senate Blue Ribbon Committee kanina,
07:45mga empleyado raw ng negosyanteng si Rico Ocampo sa isang inuupahan lugar sa South Forbes Park pero naibenta rawan lugar noong April 2023.
07:55January 2024, sinabihan daw sila ng kanilang boss na i-e-evict na sila.
08:01Kasunod nito, nakausap daw nilang isang kontratista na kalaon ay nakilala Umano nilang si Curly Descaya.
08:08Si Descaya Umano ang nagsabing Sinoy House Speaker Martin Romualdez ang bagong may-ari ng lugar.
08:14He also mentioned to us, na-contractor ako dito eh, meron din kaming deadline.
08:20And then I asked, we both asked, baka pwede po namin pakiusapan yung may-ari yung bagong nakabili ng bahay.
08:29And then he also mentioned that si Romualdez ang nakabili.
08:34And then after po nun...
08:35That's according to Mr. Descaya?
08:37That is according to the contractors.
08:39Itinuro ng dalawang witness si Descaya na siya umanong nakausap nilang kontraktor.
08:45Humiling si Descaya na tanggalin ang dalawang witness ang takip sa kanila mukha,
08:49pero hindi pumayag si Sen. Fing Lakson, na sinangayuna ng Department of Justice.
08:54Gate ni Descaya.
08:56Hindi raw niya makilala ang dalawang witness at wala siyang naaalalang transaksyon sa kanila.
09:01Kahit na yung minsan po, hindi pa po ako nakakapasok sa South Forbes Park.
09:05Hindi ko pa nga alam kung ano mga uri ng mga bahay meron doon.
09:09So, malabong-malabong po talaga at wala po akong inuutusan na kahit sinong broker.
09:15Sa pagkatanong sa witness, lumabas na ang nasa Deer of Sale ay ang Golden Peasant Holdings Corporation.
09:21Ang kampo ni Romualdez, tinawag ang aligasyon ng dalawang witness bilang logically at physically impossible.
09:27Dahil na rin sa sinabi ni Descaya na hindi pa siya nakakapasok sa South Forbes Park.
09:33Kaya imposible raw na may nakausap siyang tao o institusyon doon.
09:38The claims come solely from the staff of an evicted tenant, unsupported by any document,
09:46while Martin Romualdez's name appears in no deed, contract, or payment record related to the property.
09:54There is no evidence, only hearsay, and possibly perjured statements, and therefore nothing to answer.
10:06Muli namang binanggit ni Sen. Rodante Marcoleta ang tungkol sa restitution o pagbabalik ng pera ng ilang personalidad.
10:13Hindi na kasi dapat ito gawing kondisyon para maging state witness ang isang tao.
10:18Sabay tanong kung may hiningiring ganito ang Department of Justice kay Descaya.
10:22O ano sabi nila? Magkano daw?
10:28Ako po, hindi ko po masabi kung magkano po. Kasi para sa akin po, parang kami po ang nanakawan.
10:33Parang ibig sabihin, parang modern day na pag nanakaw, ibig sabihin yung nakaw ba?
10:38Siya pa ang magbibigay ng pera dun sa nanakawan niya. Parang ganun po.
10:40Pinaalala naman ni Sen. Riza Ontiveros ang pangako ni Descaya sa Senado na isusumiti ang ledger ng mga proyekto nila, maging ang joint venture projects.
10:51Sabi ni Descaya, pinasara na raw ng City Hall ang kanila opisina dahil sa kakulangan ng mga permit.
10:58Ngayon po, wala na po kaming empleyado. Lahat po sila ay iniwan na po kami o yung iba po ay separated na po kasi sarado na po yung kumpanya namin.
11:09Parang kanina, lahat po tayo physically naghitla dun sa sinabi ni Mr. Descaya na parang sila pa yung nanakawan.
11:17I would like to request the good share to please reiterate yung utos ng komite kina Mr. Descaya, isubmit yung ledger na sinabi ni Ms. Descaya noon,
11:29meron sila ng mga proyekto pati joint venture projects mula 2016 hanggang 2022.
11:36Huwag po nilang sisisihin ang City Hall.
11:39Nabanggit naman ang Prosecutor General na hihilingin nilang ilipat sa DOJ,
11:43si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na ipinasok na sa Witness Protection Program.
11:51Nasa kustuliya ngayon ng Senado si Alcantara.
11:54The Senate I think opted na dito na muna para naman kumay-proceedings ng Senado.
12:00So if they finish, BRC, pwede na sa inyo?
12:04Yes, obviously.
12:06Pero yung binabantayin niya doon is yung when the Senate goes on recess,
12:10then that's the time that we may have probably to take those secrets just to ensure you protection on this R.A.
12:18Pumarap din sa pagdinig si dating DPWH Mimaropa Regional Director Gerald Pakanan.
12:24Pinuna siya ng mga Senador dahil sa kanyang takip sa muka.
12:28Sabi ni Pakanan, para yan sa kanyang siguridad.
12:30Pero pinatanggal pa rin ito ng mga Senador.
12:33Isa si Pakanan sa mga co-accused ni Zaldico sa flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
12:40This might set a precedent for all other witnesses we will call here.
12:45They will request that their faces be covered.
12:48He is a public government employee.
12:53Bakit siya nagtatago?
12:55For my protection since the case is already pending before the CINDIG and BIN.
13:02Kindly expose your face.
13:05Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
13:09Mga kapuso, maging una sa saksi.
13:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended