Skip to playerSkip to main content
  • 25 minutes ago
Sen. Dela Rosa, naging emosyonal kaugnay sa kanyang arrest warrant; Dela Rosa, nagpaliwanag na rin sa biglang pagdalo sa sesyon ng Senado | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi naiwasang maging emosyonal ni Sen. Bato de la Rosa,
00:04kaugnay sa kanyang kinaharap na warrant of arrest
00:07mula sa International Criminal Court.
00:09Ang update ngayon sa Senado, alamin natin
00:12sa sentro ng balita ni Sheila Natividad.
00:16Live, Sheila!
00:18Clay, humarap ngayon sa Senado,
00:20ngayong araw si Sen. Ronald Bato de la Rosa,
00:23matapos ng kanyang paglitaw kahapon dito sa Senado
00:26para magbigay ng reaksyon,
00:27kaugnay ng isinilbing arrest warrant ng International Criminal Court
00:31na nagugunay sa kanya sa mga umano'y extrajudicial killings
00:34noong nakaraang administrasyon.
00:39Inamin ni Sen. Bato na isa sa mga dahilan ng kanyang bigla
00:42ang pagdalo sa Senado matapos ang ilang buong pagliban
00:45ay ang mga naggaganap na usaping pampolitika
00:47at ang mga pagbabagos sa liderato ng Senado.
00:50Masakit rin na niya ang mga binabatong paratang
00:52tungkol sa pagsweldo niya sa kabila ng pagliban sa Senado.
01:09Naging emosyonal din si Sen. Bato matapos matanong ukol sa kanyang reaksyon
01:12sa umano'y ICC arrest warrant na iniuugnay sa mga naging operasyon
01:16kontra-droga noong nakaraang administrasyon.
01:21Kung pwede lang, kung meron akong pananagutan,
01:28panagutan ako dito sa ating local court.
01:31Huwag doon sa banyaga.
01:34Samantala naniniwala naman si Sen. Robin Padilla
01:37na wala pang matibay na ebidensyang nag-uugnay
01:39kay Sen. Bato sa mga paratang na EJK.
01:42Binigyang diin din ni Padilla na hindi maaaring basta mawala
01:45o mamatay ang gumugulong na impeachment complaint
01:48laban kay Vice President Sara Duterte
01:50dahil may malinawa niyang prosesong itinatakda
01:53ang konstitusyon.
01:54Ayon pa sa Senador, sa oras na maihain sa Senado
01:57ang Articles of Impeachment,
01:58obligasyon nila bilang mga mambabatas
02:00na tumalima sa prosesong konstitusyonal.
02:03Nasa Senado rin kanina si Atty. Ferdinand Topacio
02:06na itinalaga ng PDP laban
02:08para magbigay ng legal assistance
02:09kay Sen. Bato de la Rosa.
02:11Kanina rin ay binanggit ni Sen. Bato
02:13na ipagpapatuloy niya ang kanyang tumpulin
02:15bilang mambabatas
02:16sa kabila ng mga usapin
02:18kaugnay ng ICC.
02:21Kali kanina ang umaga rin
02:23ay dumaan na dito sa Senado
02:24si Atty. Jeannie Bondlock
02:25ang nagpangilalang legal counsel
02:27ni Sen. Bato de la Rosa.
02:29At kanina may binanggit siya
02:30na paghahain ng kanilang counsel
02:32ng petisyong Rita Famparo
02:34sa Korte Suprema
02:35bilang parte ng proteksyon
02:37o mano kay Sen. Bato de la Rosa.
02:39Dagdag pa niya itong Rita Famparo
02:41yung maaaring iapela
02:43ng sino mga individual
02:44na nakararanas ng banta
02:46mula sa isang public officer
02:48bilang anyo ng legal na proteksyon.
02:50At sakali naman
02:51na mapasakamay ng mga otoridad
02:53o mapunta sa kustudiyan
02:54ng mga otoridad si Sen. Bato de la Rosa
02:56ay isusunod nila
02:57yung paghahain ng petisyong
02:59Rita Favias Corpus.
03:00Samantala sa mga oras na ito
03:02nananatiling mahigpit
03:03yung siguridad sa labas ng Senado
03:05kung saan may nakadeploy din
03:06na mga kapulisan.
03:07Dahil kaninang umaga
03:08ay nagkaroon ng tensyon
03:10sa pagitan ng isang minor de edad
03:12na nagbibisikleta
03:13at ilang mga taga-suporta
03:14ng pamilya Duterte
03:16at ni Sen. Bato de la Rosa.
03:18Pero agad naman itong naagapan
03:19ng mga kapulisan.
03:21At sa mga oras na ito
03:22nakaantaway pa rin sila dyan
03:23sa labas
03:24sakaling magkaroon
03:25ng panibagong tensyon
03:27sa mga susunod na oras
03:28magmula ngayon.
03:29Play.
03:31Maraming salamat,
03:33Sheila Natividad.
Comments

Recommended