Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Humingi sa Korte Suprema ang kampo ni Sen. Bato de la Rosa ng proteksyon
00:04laban sa posibleng pag-aresto sa Senador sa gitna po ng inilabas na arrest warrant
00:08mula sa International Criminal Court o ICC.
00:12May ulot on the spot si Maris Omali. Maris?
00:19Connie, habang nagkakagulo nga sa Senado kahapon, matapos magpakita sa kauna-una ang pagkakataon
00:24pagkatapos ng 6 na buwan si Sen. Ronald Bato de la Rosa
00:29ay nag-ha-in ang kanyang mga abogado ng urgent manifestation with omnibus motion dito sa Korte Suprema.
00:41Nananawagan ng legal counsel ni Sen. Ronald Bato de la Rosa na si Atty. Israelito Torreon
00:47na maglabas ang Korte Suprema ng agarang proteksyon
00:50laban sa posibleng pag-aresto, pag-detain at pag-turnover sa kanya
00:54sa gitna ng inilabas na warrant of arrest mula sa International Criminal Court o ICC.
00:59Sa pahayag ng The Law Firm of Torreon and Partners,
01:02inihain nilang isang urgent manifestation with omnibus motion sa Supreme Court on Bank
01:07sa ilalim para hilingin ang agarang judicial protection para kay de la Rosa.
01:12Ayon sa kampo ni de la Rosa, may umano'y coordinated the three-layered enforcement strategy
01:17ang gobyerno laban sa Senador kaugnay ng mga ulat tungkol sa posibleng ICC arrest warrant
01:22kahit wala naman daw warrant na inilabas ang anumang hukuman sa Pilipinas.
01:27Tinukoy sa pahayag ang pagbuo-umano ng isang 10,000-man task force
01:31ng Department of the Interior and Local Government o DILG,
01:34ang pagkapadala ng CIDG na Sabina kay de la Rosa para humarap sa Camp Krames sa May 14, 2026
01:41at ang posibilidad ng pagkapatupad ng isang ICC warrant at Interpol Red Notice.
01:46Iginiit ng kampo ni de la Rosa na hindi maaaring ipalit ang mga ito sa isang warrant
01:51na inilabas ng hukuman ng Pilipinas na may sariling pagtataya ng probable cause
01:56alinsunod sa 1987 Constitution.
01:58Tinawag din ang abogado ni de la Rosa na void on its face ang CIDG Sabina.
02:03Binanggit nila ang pahayag ni DILG Secretary John Vic Remulia
02:07na hindi pa umano personal na naimbestigahan sa de la Rosa
02:10bago ang May 2026 sa kabila ng matagal ng mga paratang ukol sa extrajudicial killings.
02:16Dahil dito naniniwala ang kampo ni de la Rosa
02:18na ginagamit lamang ang Sabina bilang surrogate arrest mechanism
02:22o paraan para mapaharap siya sa Camp Krames
02:25habang naghihintay ng posibleng international warrant o notice.
02:29Iginit din ito riyon na depektibo ang Sabina
02:32dahil inuobliga nito si de la Rosa na personal na humarap
02:35at magbigay ng sworn statement o affidavit
02:37kahit wala umano valid Philippine Judicial Warrant
02:40at walang malinaw na batayan
02:42ng isang lehitimo at iyak na imbestigasyon sa loob ng bansa.
02:46Kag-9 nito, hiniling muli ng kampo ni de la Rosa sa Kota Suprema
02:49ang agaran ngang paglalabas ng Temporary Restraining Order o TRO
02:53at writ of preliminary injunction
02:56para ipagbawal ang anumang pag-aresto, pag-detain
02:59kaya nga nang nabanggit natin
03:00o pag-turnover, pag-ilipat o pag-suko kay de la Rosa
03:03ng walang warrant mula sa hukuman dito sa bansa.
03:06Hiniling din nila ang paglalabas ng writ of prohibition
03:09laban sa pagpapatupad ng CIDG Sabina
03:11at ang paglilinaw ng Kota Suprema
03:13sa limitasyon ng pakikipagtulungan ng ehekutibo
03:16sa mga dayuhan o international criminal processes.
03:19Nanawagan ang kampo ni de la Rosa sa Kota Suprema
03:22na kumilos agad habang may panahon pa umano
03:25para sa epektibong judicial review.
03:27Connie, base naman sa informasyon na kuha natin
03:29mula sa ating source mula rito sa Kota Suprema,
03:32kahit na naka-writing break
03:34ang kataas-taasang hukuman
03:35ay magsasagawa sila ng special on-bank session bukas
03:39para talakayin nga ang mosyong ito
03:41ni Sen. Ronald Bato de la Rosa.
03:44At yan ang pinakasariwang balita
03:45mula pa rin dito sa Kota Suprema.
03:47Balik sa iyo, Connie.
03:48Marami salamat, Marie Zumali.
Comments

Recommended