Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
Paraguay Pres. Santiago Peña Palacios, mainit na sinalubong ni Pres. Marcos Jr. sa Malacañang | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa unang pagkakataon sa loob ng anim na dekada,
00:03bumisita sa Pilipinas ang isang pangulo ng Bansang Paraguay
00:06upang patatagin pa ang diplomatic relations ng dalawang bansa.
00:10Sa katunayan, iba't ibang kasunduan na magpapalakas sa negosyo at kalakalan
00:15ang nilagdaan kahapon.
00:17May report si Sheila Natividad.
00:30Mainit na tinanggap ng mga opisyal ng pamahalaang Pilipino
00:34sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:37si Paraguayan President Santiago Peña Palacios
00:40sa pamamagitan ng Arrival Honor sa Kalayaan Grounds ng Malacanang.
00:45Simbolo ito ng pagtanggap ng Pilipinas sa kauna-unahang pagbisita
00:48ni President Peña sa bansa matapos ang paanyayan ni Pangulong Marcos Jr.
00:53Lumagda rin si President Peña sa Malacanang guestbook
00:56bilang bahagi ng kanyang opisyal na pagbisita.
00:58Makasaysayan ang okasyon dahil ito ang unang pagbisita
01:02ng isang pangulo ng Paraguay sa Pilipinas
01:04sa loob ng nasa anim na dekada
01:06mula ng maitatagang diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1962.
01:12Nagkaroon din ang bilateral meeting ang dalawang leader
01:14kasama ang kanilang mga delegasyon
01:16at matataas na opisyal ng pamahalaan
01:19kung saan tinalakay ang pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakalan,
01:23pamumuhunan, agrikultura at renewable energy.
01:26Sa panig ng Pilipinas, dumalo si na Trade Secretary Maria Cristina Roque,
01:31Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro,
01:34Energy Secretary Sharon Garin,
01:35at Philippine Ambassador to Buenos Aires, Grace Cruz Fabella.
01:39Kasama rin sa delegasyon ng Paraguay
01:42ang mga kinatawan mula sa Foreign Affairs Ministry,
01:44Ministry of Industry and Commerce,
01:46Civil Cabinet of the Presidency,
01:48at iba pang matataas na opisyal.
01:50Sinelyuhan din ang dalawang bansa
01:52ang ilang kasunduan sa kooperasyon
01:54kabilang ang Memorandum of Understanding
01:56sa pagitan ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas
01:59at Foreign Affairs Ministry ng Paraguay
02:02para sa diplomatic training,
02:03skills development at academic exchange.
02:06Nilagdaan din ang visa waiver agreement
02:08para sa ordinary passport holders ng dalawang bansa
02:11na inaasahang magpapadali sa business,
02:14tourism at people-to-people exchanges.
02:17With the longer-term objective of identifying
02:20and enabling economic and commercial opportunities.
02:25In line with this objective,
02:27we welcome the signing of the Memoranda of Agreement
02:29between the Philippines and the Chamber of Commerce and Industry
02:33and Paraguay's Investment and Export Network or REDEX,
02:37a pivotal step in establishing contacts
02:41between Philippine and Paraguayan companies.
02:44Ayon kay Pangulong Marcos Jr.,
02:46Dahil ang Paraguay ang naunang nagpahayag ng interes
02:48sa mas malawak na kooperasyon,
02:50panahon na rin anya para palawakin ang Pilipinas
02:53ang ugnayan nito sa bansa
02:54sa pamamagitan ng mas matibay na partnership
02:57sa negosyo at kalakalan.
02:59Dagdag pa ng Pangulo,
03:00maaaring magsilbing gateway ang Paraguay ng Pilipinas
03:03sa Latin America,
03:04habang ang Pilipinas naman ang magiging tulay ng Paraguay
03:07patungo sa Asia.
03:08Ikinatuwa naman ang Pangulo ng Paraguay
03:11ang pagbubukas ng Pilipinas
03:12sa importasyon ng Paraguayan beef,
03:14pork at poultry simula noong nakaraang taon
03:17na nagbigay daan sa kauna-unahang
03:19kongkretong shipment ng mga produkto sa Pilipinas.
03:22Ayon pa kay President Peña,
03:24pinapatunayan nito ang kakayahan
03:26ng kanilang produktibong sektor
03:27na makapasok sa isa sa pinakademanding
03:30at dynamic na merkado sa Asia
03:32na may mahigit isan daang milyong consumer.
03:35It is the clearest expression
03:37of the political will of both governments
03:39to inaugurate a new phase
03:41in our bilateral relations,
03:43grounded in shared principles and values
03:46such as mutual respect,
03:47the rule of law,
03:48and a commitment to the economic development
03:51of our peoples.
03:52Nagpaabot din ang pasasalamat
03:54si President Peña
03:55kay Pangulong Marcos Jr.
03:56President Markle,
03:58I deeply want to share
04:00my sense of gratitude.
04:03I have the confidence
04:06that we both came to this first meeting
04:09with high expectations.
04:11But I'm leaving this great nation
04:14with even greater expectations
04:16about the future of our two nations
04:19and our people.
04:20Shilan Natividad
04:21para sa Pambansang TV
04:23sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended