00:00Bago ngayong gabi, lifted na ang lockdown sa Senado matapos magpunta roon ng NBI sa gitna ng sinasabing pag-aresto
00:06kay Sen. Ronald Bato de la Rosa na lumutang na.
00:09Kinumpirma rin ng tagapagsalita ng International Criminal Court na dokumento nga nila ang lumabas na warrant laban kay de la
00:16Rosa na bit-bit ni dating Sen. Antonio Trillanes.
00:19Mula sa Senado, may live report si Ian Cruz.
00:24Ian?
00:26Yes, JP, hindi nga naisilbi ng mga taga-NBI ang arrest warrant mula sa ICC para kay Sen. Ronald Bato
00:34de la Rosa.
00:35At dahil naman, JP, doon sa ginawang paghabol ng mga taga-NBI o ng mga NBI agents sa Senador, ay
00:41nakontempt sila.
00:42At sa ginawang pag-uusap ngayong gabi ng bagong Senate President Alan Peter Cayetano at Attorney Melvin Matibag,
00:48napagkasunduan naman na ang custody ng mga nakontempt na taga-NBI ay sa NBI na rin.
01:00Go ahead, make my day, Mr. Trillanes! Sige! Go ahead!
01:07Sumama ka pa, mag-serve ng warrant. Sumama ka, ikaw mismo magpusa sa akin.
01:13Dalawang taon matapos ang hamon na yan ni Sen. Ronald Bato de la Rosa kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.
01:20Ngayong araw, nagpunta si Trillanes sa Senado.
01:23Bitpit ang anya'y warrant of arrest ng ICC kay de la Rosa para sa kasong Crimes Against Humanity,
01:29kognay sa War on Drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:33Sabi ni Bato, kaya ako nag-drito dahil personally niya akong i-request na sasangpupo siya.
01:40Nasa Senado si de la Rosa para dagdagan ang bilang ng bagong mayorya na nagluklok kay Alan Peter Cayetano bilang
01:47Senate President.
01:48Sa plenario, kinwestiyon ang mga taga-bagong mayorya ang ginawa ng mga taga-NBI kay de la Rosa.
01:54How can we allow other people to wrestle or even not to let him or preventing him to enter this
02:09August chamber?
02:10Ano ang ginagawa ng Sergeant at Arms? Bakit nila pinapayagan ito na gawin ito sa isang senador?
02:17Iniutos ni Cayetano sa Office of the Surgeon at Arms ng Senado na imbisigahan ang insidente.
02:24Kalaunan, nag-resign si Senate Surgeon at Arms René Samonte.
02:27Sa kopya ng ICC arrest warrant na nakuha ng GMA News,
02:31Secret ex parte only available to the prosecution ang nakasulat sa unang pahina.
02:37May petsa ito ang November 6, 2025.
02:41Inisyo ito ng Pre-Trial Chamber 1.
02:43Batay sa dokumento, naniniwala ang chamber na kailangan arrestuhin si de la Rosa
02:47para masigurong haharap siya sa korte at para hindi niya mahadlangan ng imbisigasyon.
02:53Nag-isi ang chamber ng warrant of arrest dahil sa kanyang umano'y criminal responsibility
02:58bilang indirect co-perpetrator sa Crime Against Humanity of Murder kaugnay sa drug war.
03:04At kung kailangan daw ma-execute ang arrest warrant na noo'y classified bilang secret,
03:09maaari itong ipagbigay alam sa mga estado at international organizations.
03:15Sabi ng kampo ni Trillanes na i-transmit na ito sa Philippine Center on Transnational Crime o PCTC
03:21na counterpart ng Interpol sa Pilipinas.
03:25Tugod sa GMA News ng executive director nito si retired Major General Romeo Prestosa,
03:30bina-validate pa nila ang impormasyon tungkol sa warrant at maglalabas ang pahayag
03:35kapag may kumpirmasyon sila mula sa ICC.
03:38Ayon kay Trillanes, legal ang arrest warrant ng ICC at taliwas sa batas ang proteksyon ng Senado kay De La
03:46Rosa.
03:46Obstruction of justice yan kasi valid warrant po ito ng ICC na transmit via the Interpol
03:55na sineserve po ng ating local authorities.
03:59Kinoon-try ito ni Kayetano.
04:01So we have Senate Resolution 44 na nagsasabi na kapag ito ay foreign warrant,
04:08kailangan dumaan pa rin ito sa local court,
04:11tapos yung local court ang mag-i-issue ng warrant arrest
04:14and sasiguruduin lang natin na may due process.
04:17Dumulog ang mga abogado ni De La Rosa sa Korte Suprema
04:20para sa immediate judicial protection at guidance sa legalidad at epekto ng umunoy ICC warrant.
04:26Muli rin silang umapila sa paglalabas ng temporary restraining order
04:30o preliminary injunction para hadlangan ng pag-arresto sa kanya
04:34at pagpapaharap sa isang foreign tribunal.
04:37Ngayong gabi, sa Facebook live ni Sen. Robin Padilla,
04:41kinwestiyon ni De La Rosa ang dalang ICC arrest warrant ni Trillanix.
04:45Kung merong totoong warrant of arrest, dalhin nila sa local court, ayusin nila,
04:50then usapan natin at haharapin namin yan.
04:53Hindi yung dalang ka ng papel na hindi klaro.
04:57Most likely spurious na warrant of arrest dalgalan Trillanix
05:01kasi gusto niya madala ako doon sa dahig.
05:05Ngayong gabi, kinumpirma ng ICC na kanila nga ang arrest warrant
05:09na nila ay inilabas confidentially under seal ng pre-trial chamber 1.
05:15Nasa proseso na raw sila ng pag-unseal nito.
05:18Nanawagan din si De La Rosa ng support na sa mga kapwa niya graduate
05:22sa Philippine Military Academy.
05:24Sana, natitira pa rin sa bawat puso ng isang PMA graduate
05:30yung courage, integrity and loyalty.
05:33I am soliciting their support.
05:36Ngayong gabi, nasa Senate premises si dating NBI Director Melvin Matibag.
05:45JP, matapos kayo pag-uusap ni Senador Cayetano at ni Atty. Melvin Matibag
05:50ay doon lamang nakapag-suspend ng sesyon si Cayetano
05:54kaya 10.30 lamang ngayong gabi na suspend ang sesyon ng Senado
05:57na magbabalik bukas alas 3 ng hapon.
06:00Yan ang latest mula rin sa Senado. Balik sa iyo, JP.
06:02Okay, maraming salamat, Ian Cruz.
Comments