00:00At tensionado rin ang mismong sesyon ng Senado kung saan iniluklok bilang bagong Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano.
00:10Mula sa Senado, nakatutok live si Sandra Ginaldo. Sandra?
00:18Mel, batagal-tagal na rin nga pinag-uusapan na posibleng magkaroon ng palitan ng liderato dito sa Senado.
00:25Pero ngayon nga po ay natuloy na yan. Pero ito po ay bahagyang nabalot ng tensyon at emosyon nang bigla
00:32nga pong dumating itong si Sen. Bato de la Rosa na matagal ng absent.
00:41May pasabog si Sen. Alan Peter Cayetano sa pagsisimula ng sesyon kanina ng Senado.
00:46Una niyang inilatag ang magagandang katangian ng Vice Senate President Tito Soto.
00:53Tsaka sinabing may sapat na boto para alisin siya sa pwesto at magluklok ng bagong liderato sa Senado.
00:59So may I manifest that there are now at least 13 members of the Senate who wish to have a
01:07leadership change.
01:09And that Sen. Bato de la Rosa is in the building and will be here in a minute.
01:14Ito ang unang pagkakataong pong masok si Sen. Bato de la Rosa matapos ang halos 6 na buwang hindi nagtakita
01:22sa Senado.
01:23Niyakap siya ng ilang mga kaalyado pero may agad siyang inereklamo.
01:28Inereklamo niya ang mga kawaninang National Bureau of Investigation o NBI at ang Senate Office of Sergeant at Arms.
01:35Sa pagdating ni de la Rosa, ipinakita ni Cayetano na meron silang numero.
01:40Sumunod na ang formal na butohan sa pagitan ni na Soto at Cayetano.
01:44Ang resulta, labing tatlong senador ang bumoto kay Cayetano kasama ang walo na nasa dating minority.
01:51Si Soto na bumoto kay Cayetano bilang tradisyon.
01:55At ang kanyang dati mga kaalyado na sina Sen. Loren Legarda, Mark at Camille Villar at kapatid ni Cayetano na
02:02si Pia.
02:03Siyam ang kay Soto kasama si Alan Peter Cayetano na bumoto rin sa kabilang nominado bilang tradisyon.
02:09Dalawa naman ang nag-abstain.
02:14Sa pagsumpa ni Cayetano sa pwesto bilang bagong Senate President,
02:18nangako siyang gagampanan ng wasto ang kanyang trabaho sa gitna ng posibleng pag-akyat ng impeachment complaint laban kay Vice
02:25President Sara Duterte.
02:27Sa mundo ngayon na in crisis, buong mundo na in crisis because of the U.S.-Iran-Israel war,
02:37napakahirap minsan paniwalaan na may magandang plano.
02:41But I'm always reminded that though people may be liars, God never lies.
02:47So let me be explicit.
02:50Our job together, my job, is to serve you, dear Senators, to serve this nation, to serve God above all,
03:00and to do what is right.
03:02Let me make it very clear.
03:05May mga lumabas sa news and hindi ko kayo sinisise kung sinasabi nyo sa news na ang pagpalit ng leadership
03:11ay tungkol sa impeachment, hindi po.
03:14Matapos nito, idiniklarang vacant ang lahat ng pwesto sa Senado.
03:18Napiling Senate President pro tempore si Senadora Loren Legarda.
03:27Mel, nagpapatuloy po ang pagtalaki ng Senado dito sa nangyari po kay Senador De La Rosa.
03:33At isa po sa issue na narirace ay kung alam ba ito ng dating liderato ng Senado,
03:38particular po si dating Senate President Tito Soto.
03:42Pero sa ngayon po ay wala pa hong pahayag si Soto tungkol dyan.
03:45Mel?
03:46Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Comments