00:00April 1, 2026
00:03Naglaya mula Ushuaia, Argentina
00:05ang MB Hondius sa kayang mahigit 170 na pasahero at crew.
00:10Pero ang dapat sana'y crew sa South Atlantic na hinto
00:13dahil sa pagkalat ng isang nakamamatay na sakit.
00:16Saan nagsimula ang Hantavirus Infection Outbreak
00:18sa MB Hondius Cruise Ship?
00:24Ayon sa Oceanwide Expeditions,
00:27ang travel company na nag-ooperate sa MB Hondius
00:29galing sa 28 bansa ang mga sakay ng barko.
00:33Pinakamarami ang bilang ng mga Pilipino niloy.
00:37Batay sa impormasyon mula sa World Health Organization
00:40kasama sa itinerary ng MB Hondius ang Antarctica,
00:44South Georgia, Nightingale Island,
00:47Tristan da Kunha, St. Helena at Ascension Island.
00:52Ang mga lugar na ito ay itinuturing na ecologically diverse
00:56o maraming gubat at exposure sa wildlife.
01:01Pagdating ng April 6, 10 araw matapos magsimula ang cruise,
01:05isang lalaking pasahero ang nakaranas ng lagnat,
01:08pananakit ng ulo at mild diarrhea.
01:11Hanggang sa mauwi raw ito sa respiratory distress
01:14o labis na hirap sa paghinga.
01:17April 11, nasawi ang lalaki habang naglalayag ang bangko.
01:21Sa puntong ito, ang barko ay nasa gitna ng South Georgia at St. Helena
01:27ayon sa ship tracking website na Marine Traffic.
01:31Inabot pa ng April 24 o halos dalawang linggo
01:35bago na ibaba ang kanyang labi sa St. Helena.
01:39Doon na rin bumaba at umalis ng cruise ang tatungpong pasahero.
01:43Kabilang ang misis ng lalaking nasawi at isang Swiss National.
01:48Ang misis ng namatay na pasahero ay nakakaranas na raw noon
01:52ng gastrointestinal symptoms.
01:54April 25, inilipad siya patungong Johannesburg, South Africa
01:58at lumala raw ang kanyang kondisyon sa flight.
02:03April 26, nakarating sila sa emergency department sa Johannesburg
02:07pero hindi nagtagal, pumanaw na rin ang ginak.
02:11Bukod sa mag-asawang Dutch, isa pang lalaking pasahero
02:15ang nagkaroon din ng lagnat, hirap sa paghinga
02:18at sintomas ng pneumonia noong April 24.
02:21Lumala ang kanyang kondisyon pagdating ng April 26.
02:25Inevacuate siya mula sa barko patungo sa South Africa
02:29noong April 27 at nanatili sa intensive care unit.
02:34Kinabukasan, April 28, isa namang babaeng pasahero
02:37ang nagkaroon ng lagnat at sintomas ng pneumonia
02:40matapos ang apat na araw, May 2, kumanaw ang babae.
02:45Sa parehong araw, nakatanggap ng alerto ang WHO
02:49tungkol sa pagkalat ng severe acute respiratory illness sa barko.
02:54May 2 rin lumabas ang polymerase chain reaction o PCR testing
02:58sa pasaherong nasa ICU sa South Africa.
03:01Ang resulta, positive siya sa hantavirus infection.
03:06May 4, nakumpirmang parehong sakit ang tumama sa ikalawang pasyenteng nasa week
03:11maging sa pasaherong Swiss na nakonfine sa isang ospital sa Switzerland.
03:16May 6, dinala sa The Netherlands ang tatlo pang pasaherong nakitaan ng sintomas.
03:22Dalawa sa kanila ang nakumpirmang tinamaan din ng hantavirus.
03:26Ang unang dalawang pasyente ay mag-asawang Dutch na 70 at 69 years old.
03:32Ayon sa WHO, bago sumakay sa cruise ang dalawa
03:35ay nag-travel muna sila sa Argentina, Chile at Uruguay para mag-bird watching.
03:42Bumisita rin sila sa mga lugar kung saan may mga species ng dagal na carrier ng hantavirus.
03:48Pusibli rin na infected na sila bago ang cruise bagaman wala pa sila noong sintomas.
03:5369 years old na British naman ang ikatlong pasyente.
03:59Habang ang ikaapat na nagkasakit ay isang German.
04:03Ang ikalimang napaulat na kaso ay isang Swiss.
04:07As of May 8, nakakonfine siya sa Zurich University Hospital sa Switzerland.
04:13British, Dutch at German naman ang unang tatlong suspected cases.
04:17As of May 7, 2026, wala pang impormasyon tukol sa ugnayan ng mga pasyente.
04:23Ilan pang pasehero ng cruise ship ang minomonitor dahil sa posibleng exposure nila sa virus.
04:29Ang transmisyon ng hantavirus ay karaniwang rodent to human.
04:33Pero ayon sa WHO, walang nakitang mga daga sa cruise ship.
04:38Kaya ang kanilang hinala ang transmisyon ay human to human, bagay na rare o di pang karaniwan.
04:45Ayon sa mga doktor, nangyayari ang human to human transmisyon sa pamamagitan ng close at matagalang contact.
04:52At posibil lang ito sa andestrain ng hantavirus.
04:56Ang strain na yan ay prominente sa Latin America na siyang origin ng cruise ship at huling pinanggalingan ng dalawang
05:04mag-asawang Dutch bago sila sumakay ng barko.
05:08Ayon sa Department of Migrant Workers ng Pilipinas, negatibo sa hantavirus ang lahat ng Pilipinong crew sa MV Hondius.
05:15Bagaman patuloy silang minomonitor kasama ang iba pang sakay ng barko.
05:18Paglilinaw naman ng World Health Organization ang hantavirus outbreak sa cruise ship ay hindi simula ng isang pandemic at walang
05:26dapat ikabahala ang publiko sa ngayon.
05:28Ako po si JP Soriano para sa GMA News.
Comments